It's Monday and I woke up early, realizing it's our first day of school so it's not good to come late. I grabbed my towel and walked into the bathroom. I know my whole day would be busy again because there is a lot to do at school.
By the way, my name is Precious Sarmiento, 36 years old, and have a daughter who is studying in grade 7 in a private school. My husband and I have been separated for ten years after I caught him cheating with one of my colleagues. Since then I have supported my daughter alone and never asked for support from my ex-husband. Last year lang din na-annulled and kasal namin kaya gamit ko na ulit ang apleyido ko sa pagkadalaga.I work as a Junior High School teacher in one of the public schools in our province and I'm currently an adviser in Grade 10. At first, I don't want to be a teacher because it's something that does not exist in my vocabulary. But maybe, I am destined to be in this field and it's God's will, so I have gradually learned to love this job especially that I need to suffice my daughter's needs.The days fly so fast, that I haven't enjoyed my vacation. And here again! The beginning of a new school year.Our school is just five minutes away from my boarding house where I used to commute everyday on a motorized tricycle. I just rented a room that is enough for me since my daughter stays with my mother in the city and we only spend time together during weekends.Nagmamadali akong bumaba ng tricycle at agad na pumasok ng gate. Salamat naman at hindi pa ako late. Nakakahiya namang ma-late sa unang araw ng pasukan. Nagtungo ako sa aming faculty room at umupo saglit while waiting for the flag ceremony.At exactly 7:30, pumunta na ako sa aking classroom. Ngunit hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Malakas ang kabog ng aking dibdib at pinagpawisan ako ng sobra kahit maaga pa lang. Maybe, I am just excited to meet my new students. I said at the back of my mind.Nang makapasok na ako sa loob ng classroom, nagsipagtayuan ang mga estudyante at bumati sa akin. Karamihan naman sa kanila ay dito nag-aral since grade 7 kaya kilala na nila ako."Good morning Ma'am Precious""Good morning", I responded to them."By the way, for those who do not know me yet, my name is Precious Sarmiento, your adviser in this section", nakangiti kong sabi sa kanila.Pagkatapos kinuha ko ang masterlist at nagsimulang mag roll-call. Ngunit hindi pa rin nawala ang kaba sa dibdib ko at sa tingin ko mas lalo yata akong kinabahan. This is my first time to feel this way and I find it very unusual.I looked at my students one by one as I called their names."Chris Laurente""Present ma'am"My eyes landed on the student who raised his hand. And I couldn't believe what I saw. I deliberately blinked my eyes and looked at him again."Oh my God!", I uttered softly.Napahinto ako at napatitig kay Chris. Kaya napansin tuloy ako ng mga estudyante at lihim silang napangiti na para bang kinikilig na ewan!I averted my gaze and continued doing the roll call up to the last student. There are fifty-seven of them in the classroom. Well, I'm used to this number of students every year. Sometimes, it even reaches 60 plus, so it's hard to handle all of them especially that they have different characteristics.I didn't discuss my first lesson in English yet, instead, I conducted a diagnostic test. Habang nag focus ang mga mag-aaral sa pagsagot sa diagnostic, I looked at Chris again but he raised his head and our eyes met."Alex!!!" I lowered my voice to a whisper. Saglit na naparalisa ang buo kong katawan nang magkatitigan kaming dalawa. May kung anong kuryente ang dumadaloy sa buo kong kalamnan at parang hinihila ako nito papalapit sa kinaroroonan niya.I only came back to my senses when I felt the sticky liquid in the corner of my eye. I was afraid that I might give in so I immediately left the classroom and headed to the faculty room. Fortunately, there was no one inside, so I was able to freely shed the tears that I wanted to release earlier.I sat on the coach while the painful past came back to my memory.*********Pagkababa ko ng taxi ay lakad-takbo ako papasok sa Davao Doctors Hospital. Takot at pagkabahala ang aking naramdaman, nang tuntunin ang kahabaan ng ospital. I was gasping for breath, while tears started to fall from my eyes."Diyos ko, sana walang masamang mangyari kay Alex", usal ko sa aking sarili.Maya't maya'y sinalubong ako ng Mommy ni Alex at iyak ito ng iyak."Tita, kumusta po si Alex?", natataranta kong tanong.She did not respond, instead, she was just crying at the top of her lungs. I pulled her into a hug and comforted her.Kinuha ko ang bottled water sa bag ko at ipainom sa kanya. "Tita, please calm down."Buti naman at kumalma na rin ito pagkatapos ng ilang sandali."Alex, is still in the ICU. He had just undergone surgery due to traumatized brain injuries and blood clots. Pero hindi pa rin siya nagigising until now", wika ng Mommy ni Alex at muli na namang naging emosyonal ito.Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Tita ngunit sinikap kong magpakatatag.Maya't maya'y dumating na ang Daddy ni Alex at agad naman akong nagmano sa kanya."Excuse me, Mr. & Mrs. Suneco, gising na ang pasyente at gusto raw kayong makausap pati na rin si Precious", wika ng doktor na noo'y kalalabas lang ng ICU.Nagmamadaling pumasok ang mga magulang ni Alex samantalang nakasunod naman ako sa kanila.Hindi ko maiwasang mapahikbi habang nakatingin sa best friend ko. Tinanggal muna ang oxygen para makapagsalita siya ng maayos. Nakikinig lang ako sa may di-kalayuan habang nakikipag-usap siya sa Daddy at Mommy niya. Pagkatapos, ibinaling niya ang tingin sa akin at pinalapit niya ako. Ngumiti siya ng bahagya habang ginagap niya ang kamay ko."Dude, s-stop c-crying p-please... Ayokong umiiyak ka...Ayo-kong- ma-lung-kot ka", utal-tal na sabi niya."Dude, h'wag ka na kasing magsalita, kailangan mo munang magpahinga".Hindi ko na talaga napigil ang naramdaman ko at napahikbi ako habang nakayakap sa kanya."Dude!!!!*********I didn't realize that my cheeks were already wet with tears. I really missed Alex so much. And even after many years, his memories still remain in my heart and mind.I quickly wiped my tears when I heard footsteps that are coming in. I don't want anyone to see me crying. I am a very secretive person at ayokong magkwento tungkol sa nakaraan ko.Tumayo ako at lumabas ng faculty room dahil kailangan ko ng bumalik ng classroom at baka tapos ng mag diagnostic test ang mga estudyante ko.Ngunit habang naglalakad pa lang ako'y muli kong naisip si Chris. Magkamukha talaga sila ni Alex at kung nabubuhay lang sana ang best friend ko ngayon, they could perhaps be mistaken as siblings. Kaya pala ako kinabahan kanina dahil makikilala ko pala ang ka look-alike niya."Okay class, are you done? Kindly pass your answer sheets to the front", sabi ko nang makarating na ako sa loob ng classroom.Muli kong sinulyapan ang kinaroroonan ni Chris at sandaling nagtama ang aming paningin."Diyos ko! Magkamukha talaga silang dalawa!""Could they be relatives, by any chance?"I shook my head and went to my desk at the back. Wala naman akong klase ng second period kaya dito na lang muna ako. Hindi muna ako babalik ng faculty room kasi I'm sure may mga teachers na doon. May pagka- aloof kasi ako sa kanila. Wala lang. Sadyang introvert person lang ako. Mas gusto kong mapag-isa kaysa makikipag mingle sa kanila. Minsan naman nakikisabay ako, pero saglit lang."Ma'am excuse me po, nandito na 'yong mga answer sheets namin sa diagnostic."Bigla na naman akong kinabahan kasi hindi ko akalain na si Chris pala ang mangongolekta ng mga test papers."Salamat nak", sabi ko sabay ngiti sa kanya."Ma'am umiiyak po ba kayo? Namumula kasi mata niyo eh"Hindi ko inaasahan ang tanong niyang 'yon, kasi unang-una ngayon lang naman kami nagkita, pero pakiramdam ko, matagal ko na siyang kilala."Ma'am???""Ha? Ah eh. Hindi naman nak. Napuwing lang ako kanina", pagsisinungaling ko.Tumango lang siya at muli niya akong tiningnan, saka nagpaalam na babalik na sa kanyang upuan.Nagpatuloy na rin ako sa ginagawa ko sa aking laptop. Ngunit bigla naman akong napatingin sa kinaroronan ni Chris. Nakatingin din pala siya sa akin kaya, nakatitigan kaming dalawa.Diyos ko!Nakikita ko talaga si Alex sa kanya.Kumurap-kurap ako dahil nararamdaman ko na naman ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata."Precious, ano ka ba naman, magkamukha lang silang dalawa, pero hindi siya si Alex. So stop, being emotional.", saway ko sa aking sarili.Napabuntung-hininga ako habang itinuon kong muli ang mga mata ko sa aking laptop. Ngunit nawala na ako sa concentration nang muli na namang nagbalik sa aking ala-ala ang masakit na nakaraan ko.******"Dude, when I'm gone, please don't close your heart to anyone. Build your own family and have a kid. I want you to be happy, so please be happy for me", mahina at utal-utal na sabi ni Alex nu'ng mga huling sandali niya sa ospital."H'wag kang magsalita ng ganyan dude. Hindi ko kaya. Marami pa tayong mga pangarap di ba? Sabay tayong tatanda dude, bubuo tayo ng pamilya. At kahit na hindi magiging tayo sa huli, basta't magbestfriends pa rin tayo. Di ba 'yon ang promise natin sa isa't isa?", humihikbi kong sabi habang nakayakap pa rin sa kanya."Just always remember dude, even if you don't see me, you can still feel me right there in your heart. I love you my bestfriend...my girlfriend..."Kinakapos na siya ng hininga, kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ng mahigpit ang kanang kamay niya. Iyak ng iyak pa rin ako, kaya pilit niyang inabot ang kaliwang kamay niya sa mukha ko at marahang hinaplos ang aking pisngi."I love you so much dude and I always will...forever"Unti-unti kong nararamdaman ang pagtulo ng aking mga luha ngunit mabilis ko ring pinalis 'yon ng aking kamay at huminga ako ng malalim."Hala, umiiyak si Ma'am!", boses 'yon ni Bea.Biglang nagbalik ang aking diwa sa kasalukuyan nang maramdaman kong nakatingin sa akin ang mga estudyante ko. Para naman akong natataranta kaya kinuha ko agad ang aking panyo at nagpunas ako ng aking mga luha.Recess time na pala. So kailangan ko ng maghanda para sa susunod na klase ko.
"Ma'am ba't po kayo umiiyak?", biglang tanong ng isa pang estudyante."Uhm, may naalala lang ako nak. But I'm fine", sabi ko na pilit inaaliw ang aking sarili.Ngunit bigla naman akong napatingin sa isang pares ng matang nakatitig sa akin.Si Chris!May kung anong bagay na humaplos sa puso ko nang magtama ang aming paningin. Nakikita ko ang pag-alala sa kanyang mga mata katulad ng nakikita kong pag-alala nu'n sa akin ni Alex. I immediately averted my gaze because I couldn't anymore bear to look at the emotion that was reflected in his eyes.Diyos ko!Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Chris? At bakit ganu'n na lang din ang pag-aalala niya sa akin gayong ngayon lang kami nagkakilala?Who is he in my life?I giddily looked at my watch and it's already time for my class, so I grabbed my things and went out of the classroom.Ngunit kahit nasa ibang classroom na ako, ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko si Chris kaya nawalan tuloy ako ng ganang magdiscuss ng lesson. Sabagay, first day of school pa naman, so magbibigay muna ako ng Diagnostic Test na sasagutan nila for thirty minutes.While the students are still answering the test, bigla silang nagkagulo nang pumasok sa loob ng classroom ang isang malaking paru-paro na may combination na kulay black and brown."Oy, ang laki ng butterfly!!!', bulalas ng karamihan.Biglang lumakas ang kaba sa aking dibdib nang matitigan ko 'yon. Ito'yong paru-parong lagi kong napapanaginipan noon."Dude!!!", bulong ko sa aking sarili.Days passed and I'm already comfortable with my students. Although they are sometimes noisy and chaotic in class, they would immediately quiet down when reprimanded. Tungkol naman doon kay Chris, hindi ko na masyadong iniisip 'yon kasi normal lang naman sa isang tao ang magkaroon ng ka look-alike di ba? Isa pa, sabi ni Chris sa akin nu'ng tinanong ko siya, na wala silang kamag-anak sa Davao City, so natitiyak kong coincidence lang talaga ang pagiging magkamukha nilang dalawa ni Alex. Until one afternoon I found a group of my students playing 'truth or dare' in the classroom. Wala kasi silang klase sa last subject kaya nakapaglaro sila. Young people at this age are like that, they really love to play most of the time. Some are busy with their cellphones while others are playing ML. "Oi, tumapat sa iyo Chris! Ano, truth or dare?", tanong ni Bea, isa sa aking mga estudyanteng pinagkakatiwalaan ko sa classroom. Hindi ko narinig ang sinagot ni Chris basta't ang umabot lang sa pandini
Matapos naming maghapunan ni Tess at makapagligpit ng pinagkainan, pumasok na ako sa aking silid. I took my cellphone and dialed my daughter's number. Of course, I never forget to check on her whereabouts and I think it's what mothers usually do to their children. "Okay ka lang ba dyan anak? How's your studies?""Okay lang naman mama. Kayo po musta na kayo dyan? Hindi ba pasaway mga estudyante ninyo ma?", tanong ng anak ko."Uhm, pasaway minsan. At saka maiingay din sa klase, pero mababait naman sila."Nangalahating oras na kaming nagkukwentuhan ni Loraine at kung anu-ano na lang ang aming napag-usapan. Para lang kasi kaming magbarkada ng anak ko. Sumasabay ako sa mga biro niya at nagtutuksuhan kami kaya minsan nakakalimutan niyang nanay niya ako."Uhm, I think I should go now ma, kasi may gagawin pa akong assignment.""Oh sige anak, mag-iingat ka dyan lagi ha. At gaya ng lagi kong tagubilin, h'wag pasaway kay granny. At saka h'wag muna makikipag-boyfriend, masyado ka pang bata.""Op
Dumating na ang araw ng aming Christmas Party. Alas otso pa lamang ng umaga ay nasa school na si Chris. I stared at him silently, because he is so damn cute in his black t-shirt and blue jeans. "Uhm, mga anak tulungan niyo muna akong mag-ayos nitong paper tarp. Agad namang lumapit si Chris at nagpresentang siya na ang gagawa."Marunong ka ba dito nak?", tanong ko sa kanya."Yes ma'am, na try ko na itong gawin nu'ng grade 8. Ako na po ang bahala", sagot nito sabay kinuha ang gunting at ang glue.Tumulong na rin ang iba niyang mga kaklase at nagsimula na silang mag-ayos ng paper tarp. Pagkaraan ng ilang minuto, natapos na rin ito, at sinabi kong idikit na doon sa board.Maya't maya'y nagsipagdatingan na rin 'yong iba ko pang mga estudyante. Kaya nagpunta ako ng CR at nagpalit ng casual dress. Nakapantalon lang kasi ako at naka t-shirt nu'ng pumasok ako sa school kanina kaya kailangan ko ng magpalit ng damit at mag-uumpisa na ang aming Christmas Party.Medyo na-concious ako pagkalabas k
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at panibagong taon na naman. Sa susunod na araw ay balik-eskwela na. Parang ayoko pang matapos ang bakasyon dahil hindi pa namin nasusulit ng anak ko ang time namin sa isa't isa. "Mama, papasok po ako ha!", narinig ko ang boses ng anak ko sa may pintuan ng aking kwarto,"Come in, anak, bukas 'yan.""Dito ako matutulog mama, kasi babalik ka na sa boarding house niyo bukas", wika ng anak ko sabay tabi sa akin sa higaan.Sa bahay, magkaiba ang kwarto namin. Iba sa mama ko, iba din sa akin at kay Loraine. First year high school pa lang ako nu'n nang mawala ang papa ko ngunit hindi na ulit nag-asawa si mama. Mula noon siya na ang tumayong ina't ama naming tatlo ng mga kapatid kong lalaki.May mga pamilya na rin ang mga kuya ko at malapit lang ang mga bahay nila sa mismong bahay namin. Kapag may okasyon, saka lang kami nagkakatipon-tipon dito kagaya nu'ng Christmas at New Year's eve. Masasabi ko namang isang masayang pamilya kami, kahit nawala na ang
Mas lalo kaming napalapit ni Chris sa isa't isa kaya mas lalo ko siyang nakilala. Napaka-gentle niya at napaka-sweet sa akin hanggang sa naitanong niya sa chat kung ilang taon na ako. Kadalasan naman sa messenger lang kami nag-uusap kasi syempre, nag-aalangan din siya dahil teacher niya ako at baka sabihin ng iba, sipsip siya. Ayaw ko rin ng ganu'n kaya as much as possible, ayaw kong magpahalata na close na kami. Sa harap ng lahat, estudyante ko pa rin siya kahit may nabubuo ng closeness sa isa't isa."Sige na po ma'am, sabihin niyo na po ang edad niyo", pangungulit nito sa akin sa chat."Ay naku, hulaan mo na lang nak!", sagot ko naman."Uhm, siguro nasa 28 po kayo ma'am!""Ay hindi", sagot ko, na may nakalagay pang laughing emojis."Sabihin niyo na po ma'am! Hindi ko naman ipagsasabi sa iba eh!" pangungulit niya."Bakit ba, nagmatter ba sa edad ang pagkakaibigan, nak?"Parang nalungkot ako sa sinabi ko. Bigla tuloy tumulo ang aking luha. Naisip ko, baka kapag nalaman ni Chris ang ed
Lunes ng hapon at si Bea na lang ang naiwan sa loob ng classroom. Nagsipag-uwian na ang lahat ng mga estudyante, at dahil sasabay siya sa akin sa pag-uwi, hinintay niya ako hanggang mag 4:30. Just to kill the time, nagkwentuhan muna kami ng kung anu-anong topic na maisipan. "May jowa ka ba ngayon nak?", tanong ko sa kanya. "Meron po ma'am. Nasa kabilang section po. Pero hindi naman kami laging magkasama ma'am. Ayoko ko munang magseryoso sa mga bagay na 'yan", nakangiting wika nito. "Tama 'yon nak, napakabata mo pa. Dapat ang pag-aaral muna ang bigyan ng top priority". "Uhm, may best friend ka bang lalaki nak?" "Ah, wala po ma'am. Close friends na lalaki lang pero boy bestfriend, wala po." "Okay lang po ba ma'am magkaroon ng boy bestfriend?", tanong nito. "Oo naman nak." "By the way nak, do you believe in reincarnation?" "Aba opo ma'am", nakangiti nitong sabi. "Mahilig po kasi akong manood ng mga paranormal na movie ma'am." Bigla naman akong nagkainteres sa sinasabi niya, a
Hindi ko pinansin ang chat ni Chris kinagabihan. Medyo sumama lang ang loob ko dahil sa sinabi niyang "bahala ka dyan". Feel ko wala na siyang pakialam sa akin. "Ma'am, kumain ka na ba? Ba't di ka nagreply?", muling tanong nito. "Eh di ba, sabi mo bahala na ako? Bakit nak, kasi bumalik na ang bestfriend mo kaya sinabi mo 'yon?" Nag-react siya ng sad emoji sa chat ko. "Hindi naman sa ganu'n ma'am, at saka hindi ko naman bestfriends si Naomi eh! Friend ko lang naman siya noon hanggang sa naging kami." "Oy sorry na. Ikaw lang naman ang bestfriend ko eh, at kahit nagkaayos na kami ni Naomi, magiging mag bestfriends pa rin naman tayo." Binabasa ko lang ang mga chat ni Chris at hindi ako nagrereply. Kaya nagsend na naman ulit siya ng message. "Remember ma'am, you will always be my bestfriend, my superhero and my mother" Okay na sana 'yon, nilagyan nga lang ng 'mother' sa dulo. Pero okay lang naman, para din naman akong ina niya kasi 'nak' naman ang tawag ko sa kanya. "Mama, h'wag ka
Nagpatuloy ang pagiging malapit namin sa isa't isa ni Chris. Palagi siyang nakikipagkwentuhan sa akin kapag vacant time. Kung anu-ano na lang ang topic namin at minsan nagbibiruan kaming dalawa. Pero hindi lang naman ako sa kanya nakikipag-usap kundi sa lahat ng mga estudyante ko. Ayaw ko rin namang sabihin nilang may favoritism ako. "Buds, talaga bang may jowa na si Naomi?", tanong ni Chris sa akin sa chat. Katatapos ko lang magligpit ng pinagkainan namin ni Tess, at heto na naman siya at nagcha-chat sa akin. Routine na kasi talaga namin na mag-uusap sa messenger tuwing gabi. Hindi rin naman kami nagvi-video call kasi mahina daw ang signal sa kanila kaya hanggang chat lang kami. "Oo, estudyante ko before ang jowa niya ngayon, at ito mismo nagsabi sa akin na sila na raw ni Naomi", sagot ko sa kanya. "Uhm, bakit buds, nagseselos ka ba?" "Hindi naman buds", agad na reply niya. "Mas mabuti na rin buds na may jowa na siya. Kasi sa totoo lang hindi ko naman talaga siya gusto para sa i