Share

KABANATA 5

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at panibagong taon na naman. Sa susunod na araw ay balik-eskwela na. Parang ayoko pang matapos ang bakasyon dahil hindi pa namin nasusulit ng anak ko ang time namin sa isa't isa. 

"Mama, papasok po ako ha!", narinig ko ang boses ng anak ko sa may pintuan ng aking kwarto,

"Come in, anak, bukas 'yan."

"Dito ako matutulog mama, kasi babalik ka na sa boarding house niyo bukas", wika ng anak ko sabay tabi sa akin sa higaan.

Sa bahay, magkaiba ang kwarto namin. Iba sa mama ko, iba din sa akin at kay Loraine. 

First year high school pa lang ako nu'n nang mawala ang papa ko ngunit hindi na ulit nag-asawa si mama. Mula noon siya na ang tumayong ina't ama naming tatlo ng mga kapatid kong lalaki.

May mga pamilya na rin ang mga kuya ko at malapit lang ang mga bahay nila sa mismong bahay namin. Kapag may okasyon, saka lang kami nagkakatipon-tipon dito kagaya nu'ng Christmas at New Year's eve. Masasabi ko namang isang masayang pamilya kami, kahit nawala na ang haligi ng aming tahanan. Parehong mababait ang mga kuya ko kasi bunsong kapatid nila ako at mahal na mahal nila kami ni Loraine. 

"Mama, ba't ang lalim naman ng iniisip niyo?", untag ng anak ko.

"Ha? Uhm, iniisip ko lang na babalik na naman ako ng boarding house bukas. Hindi ko pa nasusulit ang bakasyon"

"Kaya nga po eh! Parang ayoko ko pang pumasok sa eskwela", nakasimangot na sabi ni Loraine.

Pagkatapos, sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. 

"Uhm...mama, wala po ba kayong balak na mag-asawa ulit?", biglang tanong nito na ikinagulat ko naman.

"Bakit mo naman natanong 'yan nak?"

"Wala lang po ma. Iniisip ko lang, paano kung mag-aasawa na ako, sinong makakasama niyo?"

"Bakit mag-aasawa ka na ba ngayon?", nanunudyo na tanong ko sa kanya.

"Aba! hindi naman ngayon! Malayo pa po 'yon mama", natatawa nitong sabi.

"Basta po, kapag gusto niyo pong mag-asawa ulit, okay lang po sa akin. Basta't masaya po kayo, masaya na rin ako"

"Oh! Nakaka-touched naman anak. Salamat"

At sabay kaming nagtawanan habang yakap-yakap namin ang isa't isa.

At nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Uhm, may nagchat sa iyo ma", sabay kinuha nito ang phone ko sa bedside table at ibinigay sa akin.

Tiningnan ko naman kaagad at baka kasamahan ko sa trabaho. Ngunit galing pala kay Chris.

"Hello po ma'am, good evening! Malapit na tayong magkikita ma'am"

"Ma, sino 'yan? Ba't napangiti kayo?", tanong ng anak ko na noo'y pinagmamasdan lang pala ako.

"Uhm, estudyante ko anak.", kaswal kong tugon.

Buti at hindi na nagtanong pa ang anak ko kasi nasanay na naman ito na may mag text, or magchat sa akin na mga estudyante. 

Pagkatapos kong magreply kay Chris, inilagay ko ulit ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table at patuloy kaming nagkukwentuhan ni Loraine.

"May nanliligaw na ba sa iyo sa school anak?"

"Aba, marami po. Maganda yata anak niyo ma!" nakangiti nitong sabi at may pakindat-kindat pa.

"So may boyfriend ka na?", seryoso kong tanong,

"Wala pa naman po ma, don't worry. Di ba nag promise ako? Saka na ako papasok dyan kapag eighteen na ako"

Tumango lang ako at muli ko siyang niyakap. I really love my daughter so much and she is more than enough to make me happy. Hindi ko na kailangan pa ang sinumang lalaki sa buhay ko. Sakit lang ng ulo 'yan.

*******

ARAW NG LUNES

Maaga akong nagising dahil kailangan ko ring pumunta ng maaga sa school. Ayoko ng ma-late syempre, New Year's Resolution. Nagsaing agad ako at nagluto ng ulam. 

Sarado pa ang kwarto ni Tess, pero alam kong gising na 'yon at may ginagawa lang sa loob. Kadalasan naman umaga 'yan siya gumagawa ng lesson plan.

After done cooking, I took my bath towel and walked into the bathroom. Fifteen minutes lang naman ako naliligo kasi hindi ko naman ugaling magtagal sa banyo lalo na't may klase. 

Pagkalabas ko ng banyo, ay 'yon din ang pagbukas ng pinto ng silid ni Tess. 

"Good morning mars! Ang aga mo palang nagising", sabi nito at naghihikab pa.

"Huh? Kagigising mo lang pala mars? Aba, himala naman! Akala ko kanina ka pa nagising at nagsulat ng lesson plan."

"Tinatamad ako mars, may ka chat kasi akong kano kagabi, alas dos na kami natapos mag VC", humahagikgik na sabi nito saka humila ng upuan at naupo muna sa tapat ng mesa.

"Oi., ganu'n ba? Kailan pa mars?"

"Nakilala ko lang siya sa dating app mars nu'ng December 18. He is 46 years old mars, at ang gwapo!", kinikilig na sambit nito.

"Uhm, ano kaya kung mag d******d ka rin ng dating app mars. Malay mo makahanap ka rin ng jojowain!"

"Oi, ayoko! Wala 'yan sa plano ko. Kuntento na ako sa buhay ko mars. Pass muna ako dyan!", sagot ko naman at nagpatuloy na ako patungo sa aking silid.

*******

"Good morning ma'am. Happy new year po!", sabay-sabay na bati sa akin ng aking mga estudyante.

Tumango lang ako at nginitian sila, saka ako umupo sa likuran. Hindi ko alam kung bakit hinanap naman ng mga mata ko si Chris, 

Maya't maya't dumating na ito kasama ng iba pa niyang mga classmates at nang magsalubong ang aming mga paningin, ay agad naman siyang ngumiti sa akin.

"Good morning ma'am! Happy New Year!", bati nito sabay nagmano sa akin.

Lumapit din 'yong ibang mga kaklase niya sa mesa ko at nakikipagkwentuhan. Masaya naman akong kausap sila. Panay ang biruan namin at tawanan.

Ayoko kasing sabihin nilang KJ ako, kaya nakiki-jam din ako sa kanila. Ganito naman talaga ako sa aking mga estudyante, kahit noon pa. Para lang kaming magkakabarkada, but not during classes hours. Ako pa rin ang guro nila at adviser sa section namin so, they are obliged to follow my rules.

Oras na ng aking klase sa first period. Magsisimula na sana akong mag-discuss ng lesson nang makita ko naman na namumula ang mga mata ni Mark.

"Nak, anong nangyari? Umiiyak ka ba?", tanong ko sa kanya.

Umiling lang ito at iniiwas ang tingin sa akin. Alam kong inaway na naman ito, ayaw lang magsalita. Kaya lumapit ako at nagtanong sa kanya.

"Nak, magsabi ka ng totoo, sinong umaway sa iyo?"

Yumuko si Mark, habang unti-unting tumulo ang luha nito. Bigla naman akong naawa sa kanya. Alam kong may nam-bully na naman dito. 

Hay, hindi talaga mawawala ang mga bullies sa school. Mga batang likas lang talagang pasaway. At kaligayan nilang mang-api ng mga taong mahihina.

Bumalik ako sa harapan at nagsalita. "Alam kong may nam-bully na naman kay Mark. Inuulit ko, kapag nalaman ko kung sinong nang-away sa kanya, ako talaga ang makakalaban ninyo, at hinding-hindi ko kayo patatawarin!"

Nawalan tuloy ako ng ganang mag-discuss ng lesson. Kaya nagpapakopya na lamang ako sa board. Bumalik ako sa aking upuan sa likuran at kinuha ang aking laptop.

Maya't maya'y may nagpop-up na message sa aking cellphone. Nang tingnan ko 'yon, nanggaling pala kay Chris.

"Ma'am okay lang po ba kayo?"

"Okay lang ako nak. Thanks for asking.", sagot ko sa kanya sa chat.

"Pasensiya na po sa mga classmates ko ma'am. Nabigyan ka ulit ng sakit sa ulo."

Bigla akong napatingin sa kinaroroonan ni Chris, at muli na namang nagtama ang aming paningin. Nakikita ko naman sa mga mata niya ang pag-alala sa akin.

"Nak okay lang ako. Don't worry", chat ko sa kanya.

"Basta po ma'am, ayaw ko pong nalulungkot ka. You are my superhero."

'Yon ang huling chat niya sa akin. At 'yong huling sinabi niya!

YOU ARE MY SUPERHERO.

Muli na naman akong kinabahan at sinikap kong h'wag tumingin sa kinauupuan niya. I'm sure nakatingin siya sa akin. 

"Diyos ko! Bakit sinabi niya 'yon sa akin?", usal ko sa aking sarili.

At muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga pangyayari noon.

"Congratulations dude! At nanalo ang team niyo sa basketball tournament", masayang wika ko habang nakikipag high five kay Alex at sa mga kasamahan niya.

"Buti na lang talaga, dumating ka Precious at kung hindi, siguradong matatalo kami", sabi naman ni Dan. Isa sa mga kaibigan namin at ka team ni Alex sa basketball.

"Dahil sa iyo Precious, kaya kami nanalo!", sambit naman ni Patrick.

"Oy, bakit naman dahil sa akin, hindi naman ako ang naglaro eh!", natatawa kong tugon.

"Oo nga Precious, nu'ng 'di ka pa dumating, parang matamlay itong si Alex. Pero nu'ng dumating ka na, biglang ginanahang maglaro!", sabat ni Ann.

"Oyyy, parang iba na yata 'to eh!", sabay-sabay ng lahat, at saka nagtawanan na para talagang nanunudyo.

"Naku guys, baka mapikon 'tong si Precious, pikonin pa naman 'to", nakangiting sabi ni Alex.

"Oy, hindi ako pikon noh, baka naman ikaw", sagot ko at nagtawanan kaming lahat.

Pagkatapos bigla akong kinabig ni Alex at inakbayan.

"Basta dude thank you talaga at dumating ka. Nailigtas mo ang team naming naghihingalo kanina. You are my superhero!"

Mas lalong umugong ang tawanan na may kasamang tuksuhan. Wala akong magawa kundi matawa na lang. Ayaw ko rin namang magpahalata na apektado ako at baka malaman pa ng lahat na may lihim akong pagtingin kay Alex. Ang alam lang kasi ng lahat, bestfriends lang ang turingan naming dalawa, pero ewan nga ba't parang kinikilig silang lahat.

Bumalik ulit ang aking diwa sa kasalukuyan ng marinig kong tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay time na for the second period.

Tumayo ako at kinuha ang aking laptop. Doon na lamang muna ako sa faculty room para matapos na itong ginagawa ko. Hindi talaga ako makakapag-concentrate 'pag nasa loob ako ng classroom lalo na't nakikita ko si Chris.

Ngunit nang papalabas na ako ng classroom, hindi ko na naman sinasadyang mapatingin kay Chris at muli na naman kaming nagkatitigan.

Ako na ang unang nagbawi ng tingin at baka iba pa ang iisipin ng mga estudyante ko, lalo na't nakatingin din sila sa akin.

*******

Kinagabihan, balisang-balisa ako  dahil paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang chat ni Chris.

You are my superhero!

Napabuntung-hininga ako at kinuha ko ang aking cellphone at nagbabasa ng mga chat sa messenger. Nakita kong online si Chris kaya ako na ang naunang magsend ng message sa kanya.

Nagkwentuhan kami sa chat haggang sa naibahagi ko sa kanya ang tungkol sa pagkakahawig nila ni Alex. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko ngunit alam kong patuloy siyang nakikinig sa akin. Hanggang sa naitanong ko sa kanya ang tungkol sa reincarnation. 

"Hindi po ako naniniwala n'yan ma'am"

Sinabayan ko na lamang siya kasi hindi ko rin naman pwedeng ipagpilitan na maniwala siya tungkol dito.

Mahaba-haba na rin ang convo namin hanggang sa naging emosyonal ako kasi naikwento ko sa kanya kung paano nawala si Alex. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko 'yon sa kanya. 

"Ma'am relax lang po. Take a rest now ma'am. Goodnight", 'yon ang huling chat ni Chris sa akin.

Inilagay ko na ang aking cellphone sa ibabaw ng bedside table at humiga na ako ngunit hindi ako makatulog. Bigla akong napaisip tungkol sa reincarnation.

Paano, kung nagre-reincarnate nga si Alex sa katauhan ni Chris? Biglang tanong ko sa aking sarili. Bumangon ako at kumuha ng tubig.

Kung nagkamali lang ako ng sapantaha, bakit sinabi din ni Chris sa akin ang mga nasabi ni Alex noon? Bakit kinakabahan ako 'pag nakikita ko siya? Bakit may kung anong kuryente ang dumadaloy sa buo kong katawan kapag nagkatitigan kaming dalawa?

Nagkaroon tuloy ng diskusyon ang mga bahagi ng aking utak.

"Magkamukha kasi sila Precious, kaya ganu'n ang nararamdaman mo!"

"Nagkataon lang ang lahat Precious, h'wag kang mag-ooverthink!

"Pwede rin namang nagkataon lang na magkamukha sila, pero paano maipaliliwanag ang kakaibang sensasyong nararamdaman mo para kay Chris?"

Napabuntung-hininga na lamang ako ng malalim. Siguro nga'y nag-ooverthink lang ako, nagkataon lang ang lahat. Masyado ko lang yata nami-miss si Alex at dahil ngayon lang ako nakatagpo ng kamukha niya, kaya iniisip ko kaagad baka ito na ang katuparan ng sinabi niya noon na kapag mauna siyang mawala sa mundo, magre-reincarnate siya sa ibang katawan.

Hay naku! nakakahiya naman kay Chris. Napakabata pa niya para madamay sa mga walang kwentang bagay na iniisip ko. Isa pa, he doesn't believe in reincarnation, so how could it be possible? 

Sa pagkakalam ko, makakapasok lang ang isang kaluluwa sa katawan ng tao, kung ang tao na 'yon ay naniniwala sa reincarnation. 

Pero si Chris ay hindi!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status