Share

KABANATA 4

Dumating na ang araw ng aming Christmas Party. Alas otso pa lamang ng umaga ay nasa school na si Chris. I stared at him silently, because he is so damn cute in his black t-shirt and blue jeans. 

"Uhm, mga anak tulungan niyo muna akong mag-ayos nitong paper tarp. Agad namang lumapit si Chris at nagpresentang siya na ang gagawa.

"Marunong ka ba dito nak?", tanong ko sa kanya.

"Yes ma'am, na try ko na itong gawin nu'ng grade 8. Ako na po ang bahala", sagot nito sabay kinuha ang gunting at ang glue.

Tumulong na rin ang iba niyang mga kaklase at nagsimula na silang mag-ayos ng paper tarp. Pagkaraan ng ilang minuto, natapos na rin ito, at sinabi kong idikit na doon sa board.

Maya't maya'y nagsipagdatingan na rin 'yong iba ko pang mga estudyante. Kaya nagpunta ako ng CR at nagpalit ng casual dress. Nakapantalon lang kasi ako at naka t-shirt nu'ng pumasok ako sa school kanina kaya kailangan ko ng magpalit ng damit at mag-uumpisa na ang aming Christmas Party.

Medyo na-concious ako pagkalabas ko ng CR dahil nakatingin sa akin ang mga estudyante ko. 

"Wow!", boses 'yon ni Chris. Mas lalo tuloy akong na-conscious dahil nakatingin siya sa akin.

"Ang ganda naman ni ma'am!", buong paghangang sambit ni Bea.

"Thank you, thank you!", sagot ko naman sabay ngiti sa kanila.

Pagkaraan ng ilang minuto, nagsimula na ang aming programa. Nakita kong enjoy na enjoy ang mga estudyante ko lalo na nang magkaroon kami ng "Search for Miss Gay".  Tawa ako ng tawa nang sumali din si Chris sa paligsahan. Dahil naka make-up ito at naka bestida, nagmukha tuloy itong babae. Kaya lang, hindi ito marunong magdala ng heels kaya laging natatapilok.

Pagkatapos ng "Search for Miss Gay", sumunod naman ang song and dance intermission. Nagsisipagtawanan at nagsisipagpalakpakan ang lahat dahil sa kulang ng practice ang karamihan sa mga sumali kaya, nagkamali-mali sa mga dance steps.

Bago kami kumain nagkaroon muna kami ng "Exchanging Gifts" at mas lalong nagkagulo ang mga estudyante dahil kanya-kanya ang mga ito sa pagbubukas ng kanilang mga regalo.

"Okay, kakain na tayo mga anak. May I request the officers to assist me in serving the food. Unang tumayo si Chris at sumunod naman 'yong iba pang mga officers. Sinabi ko sa kanila na unahin muna ang mga nagbayad sa cater at baka iiyak 'pag naubusan. 

"Para kanino ito nak?", tanong ko nang inabot ni Chris sa akin ang isang pinggang pagkain.

"Para po sa inyo ma'am", mahinang sagot nito.

Nakaka-touched naman ang pagiging maaalalahanin ng batang ito, ako pa talaga ang unang binigyan ng pagkain.

"Hindi, kayo muna nak, mamaya na ako pagkatapos mabigyan ang lahat."

"Dapat kayo po muna ma'am, bago kami", nakangiti nitong wika.

Naalala ko na naman si Alex. Ganito kasi talaga 'yon kapag may kainan. Ako ang laging inuuna niya kaysa sa kanya.

"Ah okay nak. Salamat"

Itinabi ko na lang muna ang pagkain, at saka na ako kakain, kapag lahat na ay nabigyan. Ganito naman talaga ako sa aking mga estudyante mula noon pa, lagi ko silang inuuna kaysa sa sarili ko at kung alin lang ang matira, 'yon lang din ang para sa akin. 'Di bale na lang basta't nakakakain silang lahat.

Pero taliwas sa nangyari ngayon. For the first time, may estudyanteng unang nag-abot sa akin ng pagkain.

Nakakataba naman ng puso!

Lihim akong napangiti na parang ewan. 

Pagkaraan ng ilang minuto, natapos na rin ang pag-serve ng pagkain at sa tingin ko naman lahat ay nabigyan na pati na rin 'yong ibang hindi nakabayad ng cater. Actually, sinabi na nila sa akin na h'wag na silang dumalo ng Christmas Party kasi wala daw silang pambayad ng pagkain, pero sinabihan ko silang sumali na lang dahil ito na ang last nila na bonding ng taon at tutal, meron din naman akong nilutong pagkain, isang putahe nga lang. Hahaha. Wala kasing talent sa pagluluto. Diyos ko!

Nagkaroon ng kantahan, sayawan at hiyawan. Ang lahat ay sumasayaw sa gitna habang nagtatawanan. Lalong naghiyawan ang mga bata nang maghagis ako ng coins sa gitna. Naghagikgikan ang mga ito habang nag-uunahan sa pagpulot ng mga mga tigpipisong barya.

At biglang nawala ang kuryente. Buti na lang at full charged 'yong bluetooth speaker namin kaya tuloy pa rin ang sayahan, at ginawang moving lights ang kani-kanilang mga cellphone.

Nais pa sanang mag-enjoy ng mga bata ngunit biglang kumulimlim ang panahon at maya-maya'y kumulog ng malakas. 

"Mga anak. Ligpitin na natin ang mga ito at para makauwi na kayo. Malapit ng umulan, kaya linisin na natin 'tong lahat", utos ko sa kanila.

Agad din naman silang tumalima at pagkatapos nagsipag-uwian na ang lahat. Samantalang si Chris at 'yong iba pa niyang kaklaseng lalaki ay naiwan pa sa classroom dahil inutusan ko pa kasi silang tanggalin ang mga Christmas decors.

"Ma'am, picture po muna tayo", sabi ni CJ, isa sa malapit na kaibigan ni Chris.

"Okay sure!"

Gumaya na rin 'yong iba at nagpapicture sa akin. 

"Ma'am picture din po tayo", galing 'yon kay Chris.

Tumango lang ako at nginitian siya. 

"Ma'am pwede po bang umakbay?", tanong nito sa akin.

Nagtaka naman tuloy ako dahil 'yong ibang nauna sa kanya, umakbay naman sa akin at 'di na nagpaalam. Ngunit iba din naman ang batang ito.

Napaka gentle! Sabi ko sa aking sarili.

Nang matapos na  kaming magpicture lahat, nagpaalam na sila na uuwi na. Muli akong tiningnan ni Chris at heto na naman ang kakaibang sensasyong nararamdaman ko sa mga titig niya. Ngumiti siya sa akin habang winawagayway ang kamay niya.

"Bye ma'am. See you next year!"

"Bye sa inyo mga anak", sagot ko ngunit sinadya kong h'wag tumingin kay Chris but doon lang sa mga kaibigan niya.

At nang mapag-isa ako, biglang nakaramdam ako ng konting lungkot dahil two weeks ang bakasyon at nami-miss kong bigla ang mga estudyante ko.

'Owss??? You miss your students, or nami-miss mo si Chris?", protesta ng isang bahagi ng aking utak.

Napabuntung-hininga na lamang ako dahil hindi talaga tama itong nararamdaman ko. Siguro masyado lang akong na overwhelmed dahil magkamukha sila ni Alex. Kaya hindi dapat. Hindi tama. Ang sagwa naman kung magkakagusto ako sa aking estudyante na sobrang napakabata pa.

Iniligpit ko na ang aking mga gamit dahil gusto ko ng umuwi ng boarding house. I feel so tired and I want to rest na.

********

Alas otso pa lamang ng gabi ay humiga na ako sa higaan. Ngunit bigla kong naalala ang isang estudyante ko kanina na parang wala sa mood habang ang iba ay enjoy na enjoy sa pagsasayaw.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagmessage ako sa kanya.

"Hi nak, anong problema mo kanina at parang nag-iba ang mood mo. Ang saya mo naman nu'ng umpisa, ba't bigla kang tumamlay", tanong ko kay Terenz sa chat.

"Kasi po ma'am, konti lang ang nakain ko kanina. Pabalik-balik na kasi 'yong iba eh", sagot niya.

"Oi..ba't di mo naman sinabi sa akin nak at sana'y naibigay ko sa iyo ang share ko"

"Okay lang po 'yon ma'am". Huling sinabi niya sa akin sa chat.

Bigla tuloy akong naawa sa batang 'yon. Kaya hinanap ko ang account ni Chris at nag send ako ng private message sa kanya.

"Hello nak, hindi pala nabigyan ng pagkain si Terenz kanina? Hindi raw siya nakakain."

"Po??? Nabigyan naman po ma'am!", sagot ni Chris.

"Sabi kasi niya hindi raw siya nakakain, kaya na bad trip daw siya". Chat ko sa kanya na may kasamang crying emoji.

"Ma'am pasensya na po. H'wag na po kayong malungkot ma'am, ayokong nalulungkot ka".

End of chat.

Pero patuloy ko pa ring naiisip ang sinabi niya. 

AYOKONG NALULUNGKOT KA.

It sounded like Alex. Ganu'n ang bestfriend ko nu'n. Ayaw niyang nalulungkot ako. Kaya lagi niya akong pinapangiti kapag bad mood ako. 

"Oi..dude, tumawa ka na dyan! H'wag ka ng malungkot, Ayokong nalulungkot ka"

Bumalik na naman sa aking alaala ang sinabi sa akin ni Alex nu'n. 

Muli kong binasa ang chat sa akin ni Chris. At du'n ako kinabahan sa huling sinabi niya. 

Ayokong nalulungkot ka.

Bakit iba ang epekto nito sa akin? Tanong ko sa aking sarili.

Bigla ko namang naalala ang pinag-usapan namin noon ni Alex tungkol sa reincarnation. Pareho kasi kaming naniniwala sa ganu'n dahil pareho kaming mahilig manood ng paranormal na mga palabas. And I remembered he told me once that if he would die first he would surely reincarnate on someone's body and so he could still be able to fulfill everything that was left undone. 

Tinawanan ko lang siya noon kasi parang hindi naman kasi siya seryoso. Pero ngayon...

I heaved a deep sigh. I was in deep thought while lying in bed and my eyes were gazing at the ceiling. Until something came up in my mind.

Hindi kaya reincarnation ni Alex si Chris?

Oh my God!!!

Hinila ko ang unan at napayakap ako. Di kaya ito na ang katuparan ng sinabi ni Alex nu'n na kapag nawala siya magre-reincarnate siya sa ibang katawan?

Bigla akong kinabahan at pinagpawisan kahit malakas naman ang aircon sa loob. Dahil dito'y hindi na ako  nakatulog pa. Naroong tumagilid ako, tapos tumihaya na naman, tumagilid, tumihaya. Kahit anong gawin ko, ayaw na akong dalawin ng antok.

Bumangon ako at nagtimpla ng gatas. Pagkatapos kinuha ko ang picture frame sa ibabaw ng aking drawer at muli kong kinuha sa loob ang nag-iisang picture ni Alex sa akin.

"Dude, kung nagre-reincarnate ka nga, please h'wag naman kay Chris dahil masyado pa siyang napakabata. Ayaw kong masira ang buhay niya. Oo nga't pareho nga kayo ng mukha pero, magkaiba kayo ng personality", mahina kong sabi habang kinakausap ang picture ni Alex.

Bigla na namang tumulo ang aking luha. Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang pagkawala ng kaisa-sang lalaking minahal ko ng labis at nagmahal din sa akin nang higit pa sa kaya niyang ibigay. Eighteen years na ang nakalipas ngunit ang sugat ng kanyang pagkawala ay nandito pa rin sa puso ko. 

Simula kasi nang mamatay si Alex, isinarado ko na ang puso ko sa iba. Hindi na ako nagkaroon pa ng boyfriend. At kung hindi lang dahil sa huling kahilingan niya na bubuo ako ng pamilya, eh di sana'y hindi na ako nag-asawa at nagkaroon ng anak. Hindi naman ako nagsisisi na dumating si Loraine sa buhay ko. Kaya lang nu'ng mabuntis ako sa ex-husband ko, ayaw ng mga magulang ko na lumaki ang anak ko ng walang ama. Conservative ang mga kamag-anak ko, kaya isang malaking kahihiyan daw sa pamilya ang hindi ako mapanagutan ng lalaking nakabuntis sa akin.

Pero hindi ko naman sinasabing hindi ko minahal ang aking dating asawa. Sinikap ko naman na gawin ang responsibilad ko sa kanya, kaya lang nagloko talaga siya at iniwan kami ng anak ko. Nasaktan naman ako sa paghihiwalay namin, pero anong magagawa ko kung ayaw na niya sa akin di ba?

Ibinalik ko na ang picture ni Alex sa loob ng frame at pagkatapos inubos ko ang isang basong gatas. Bumalik na ako sa higaan at pinatay ko na ang ilaw. Tanging lampshade na lamang sa ibabaw ng aking bedside table ang nagbibigay ng konting liwanag sa aking silid.

********

Nagising ako ng alas singko ng umaga. And though, I still felt sleepy but I couldn't anymore get back to sleep. Masyado ng nasasanay ang mga mata ko na gumising ng maaga at kahit puyat ako talagang kusa nalang akong magigising, may pasok man o wala.

Iniisip ko pa lamang na uuwi ako sa amin, ay natutuwa na ako. Syempre, makakasama ko na naman ng matagal ang anak ko kasi two weeks din naman ang Christmas vacation so we could spend more time together.

Pagkatapos naming mag-agahan ni Tess, at makapagligpit ng pinagkain, pumasok na ulit ako ng kwarto at kinuha ang aking bath towel.

"Ano mars, sasabay ka ba sa akin?", tanong ko kay Tess na nu'n ay abalang-abala pa sa pagpindot ng kanyang cellphone. Uuwi din kasi siya sa kanila. 

"Oo mars, sasabay ako. Pero mauna ka na lang munang maligo"

Tinanguhan ko lamang siya, saka ako pumasok ng banyo.

Ngunit bigla ko na namang naisip ang sinabi ni Chris sa akin sa chat kagabi. Ayaw daw niyang nalulungkot ako. Hindi ko naman binibigyan ng malisya ang sinabi niya, pero ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit iba ang epekto nito sa akin. 

Hindi ko maintindihan at maipaliwanag ang nararamdaman ko. At hindi lang 'yon, bakit parang nadadarang ako sa mga titig niya sa akin?

Is it really reincarnation or nag-o-overthink lang ako?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status