Share

Kabanata 7

Lunes ng hapon at si Bea na lang ang naiwan sa loob ng classroom. Nagsipag-uwian na ang lahat ng mga estudyante, at dahil sasabay siya sa akin sa pag-uwi, hinintay niya ako hanggang mag 4:30.

Just to kill the time, nagkwentuhan muna kami ng kung anu-anong topic na maisipan.

"May jowa ka ba ngayon nak?", tanong ko sa kanya.

"Meron po ma'am. Nasa kabilang section po. Pero hindi naman kami laging magkasama ma'am. Ayoko ko munang magseryoso sa mga bagay na 'yan", nakangiting wika nito.

"Tama 'yon nak, napakabata mo pa. Dapat ang pag-aaral muna ang bigyan ng top priority".

"Uhm, may best friend ka bang lalaki nak?"

"Ah, wala po ma'am. Close friends na lalaki lang pero boy bestfriend, wala po."

"Okay lang po ba ma'am magkaroon ng boy bestfriend?", tanong nito.

"Oo naman nak."

"By the way nak, do you believe in reincarnation?"

"Aba opo ma'am", nakangiti nitong sabi.

"Mahilig po kasi akong manood ng mga paranormal na movie ma'am."

Bigla naman akong nagkainteres sa sinasabi niya, a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status