Share

Kabanata 6

Mas lalo kaming napalapit ni Chris sa isa't isa kaya mas lalo ko siyang nakilala. Napaka-gentle niya at napaka-sweet sa akin hanggang sa naitanong niya sa chat kung ilang taon na ako. Kadalasan naman sa messenger lang kami nag-uusap kasi syempre, nag-aalangan din siya dahil teacher niya ako at baka sabihin ng iba, sipsip siya. Ayaw ko rin ng ganu'n kaya as much as possible, ayaw kong magpahalata na close na kami. Sa harap ng lahat, estudyante ko pa rin siya kahit may nabubuo ng closeness sa isa't isa.

"Sige na po ma'am, sabihin niyo na po ang edad niyo", pangungulit nito sa akin sa chat.

"Ay naku, hulaan mo na lang nak!", sagot ko naman.

"Uhm, siguro nasa 28 po kayo ma'am!"

"Ay hindi", sagot ko, na may nakalagay pang laughing emojis.

"Sabihin niyo na po ma'am! Hindi ko naman ipagsasabi sa iba eh!" pangungulit niya.

"Bakit ba, nagmatter ba sa edad ang pagkakaibigan, nak?"

Parang nalungkot ako sa sinabi ko. Bigla tuloy tumulo ang aking luha. Naisip ko, baka kapag nalaman ni Chris ang ed
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status