Share

KABANATA 2

Days passed and I'm already comfortable with my students. Although they are sometimes noisy and chaotic in class, they would immediately quiet down when reprimanded. 

Tungkol naman doon kay Chris, hindi ko na masyadong iniisip 'yon kasi normal lang naman sa isang tao ang magkaroon ng ka look-alike di ba? Isa pa, sabi ni Chris sa akin nu'ng tinanong ko siya, na wala silang kamag-anak sa Davao City, so natitiyak kong coincidence lang talaga ang pagiging magkamukha nilang dalawa ni Alex.

Until one afternoon I found a group of my students playing 'truth or dare' in the classroom.  Wala kasi silang klase sa last subject kaya nakapaglaro sila. Young people at this age are like that, they really love to play most of the time.  Some are busy with their cellphones while others are playing ML.

"Oi, tumapat sa iyo Chris! Ano, truth or dare?", tanong ni Bea, isa sa aking mga estudyanteng pinagkakatiwalaan ko sa classroom.

Hindi ko narinig ang sinagot ni Chris basta't ang umabot lang sa pandinig ko ay ang sinabi ni Bea na, "Sige, i-hug mo si Ma'am".

Chris immediately obeyed and I feel his warm embrace in just two seconds. I could not explain the sensation I feel deep inside. Parang---naramdaman ko si Alex sa yakap niya sa akin. Bigla akong natataranta kaya mabilis akong lumabas ng classroom.

"OMG!!! Why do I feel this way?", sabi ko sa aking sarili nang makarating ako sa faculty room. Pilit kong iwinaglit sa aking isipan si Chris dahil hindi naman tamang iisipin ko siya. I mean there's no reason to keep him in my mind dahil lang kamukha siya ni Alex. 

Maya't maya'y naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata. 

******

"Dude!!! H'wag mo naman akong iiwan please! Lumaban ka!"

"D-dude--p-please d-o-n't cry. I promise--I'll be always right here-- I love-you-so-much", utal-utal na wika ni Alex, while he was striking between life and death. 

Humahagulgol ako habang nakayakap sa kanya.

"Dude, please don't leave me. Mahal na mahal kita"

Bigla akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya nang hindi ko na maramdaman ang kanyang paghinga.

"Dude!!! Dude!!!", malakas kong sigaw habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.

I felt his hand holding me tightly while he was gasping for breath.

"I--w-will--for-e-ver-- l-ov-e you--d-dude"

Those were the last words I heard from him because the next thing I heard was the sound of a heart monitor flatline.

"Dude!!!!", I shrieked as I wailed like a child.

********

"Precious, are you okay?"

Naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko. Isa sa mga kasamahan kong guro na si Kate. She is one of my close friends sa school dahil magkaedad lang kami at pareho kaming Grade 10- adviser. Hinagod niya ang aking likod, pagkatapos niyakap niya ako,

Patuloy pa rin ang impit kong pag-iyak kaya kumuha siya ng isang basong tubig at ipinainom sa akin.

Pagkaraan ng ilang sandali medyo lumuwag na rin ang pakiramdam ko.

"Are you okay now Pres? Ano ba kasing napanaginipan mo at umiiyak ka?"

"Uhm, it's nothing, Kate. Tungkol lang sa ex-husband ko, pero wala 'yon", pagsisinungaling ko, t'saka ko kinuha ang panyo sa loob ng bag at nagpunas ako ng aking mga luha.

"Are you sure na okay ka lang ha?", paninigurado nito.

Tumango lang ako at bahagyang ngumiti sa kanya. 

O sige mauna na ako sa iyo kasi may date pa kami ng boyfriend ko. Basta Precious, nandito lang ako ha, if you need someone to talk to."

Tinapik niya ako sa balikat at pagkatapos kinuha nito ang bag niya at lumabas na ng faculty room.

Nang makaalis na si Kate, pilit kong inalala ang napanaginipan ko. Bigla na namang sumikip ang aking dibdib at muli na naman akong naging emosyonal. Hanggang ngayon kasi masakit pa sa akin ang nangyari kay Alex. Kahit 18 years na ang nakalipas, hindi ko pa rin siya makalimutan. How could I ever forget the man, I loved the most? 

Bestfriend ko si Alex since childhood. Sabay kaming lumaki at nag-aral ng elementarya. Nagkalayo lang kami noong lumipat ang pamilya ko sa ibang lugar, kaya hindi kami magkasama nu'ng mag high school ako. Pero nagkikita pa rin naman kami tuwing bakasyon. Pumupunta naman kami sa lugar nila, kasi taga roon din ang mga relatives ko.

Akala ko hanggang mag bestfriends lang talaga kami, kasi unang-una hindi ko naman inexpect na may pagtingin din siya sa akin. For me, friendship is what I valued the most, and I'm willing to give up my feelings for him for the sake of our friendship. There was a time na sinubok ang pagkakaibigan namin, pero napaglabanan namin 'yon dahil nangako kami sa isa't isa na maging bestfriends kami forever.

Until such time we decided to be more than bestfriends. Pareho kaming takot kasi paano kung hindi mag work-out ang relasyon namin? Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. But we both decided to give it a try along with the promise that whatever happens, we would never give up our friendship.

Pero--

Iniwan niya ako. Napakasakit magbiro ang tadhana at bigla siyang kinuha sa akin...

Muli na namang tumulo ang mga luha ko. 

Agad ko naman itong pinahid at baka may bigla na namang pumasok ng faculty room at magtaka kung ba't ako umiiyak.

I looked at my watch and it's already five in the afternoon. It's time for me to go home, so I fixed myself and took my things.

*******

Pagkauwi ko sa boarding house ay agad akong nagtimpla ng kape. Pagkatapos, nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama. I took my cellphone and dialed my daughter's number.

"Hi anak, how are you? Nasa bahay ka na ba?"

"Yes mama. Maaga akong umuwi kasi wala naman kaming klase ng last period. Nagleave 'yong teacher namin."

"Ah okay. Ingat ka dyan lagi nak ha, H'wag pasaway kay granny. See you on Friday anak."

"Okay mama. Ingat din."

I heaved a sigh as I ended the call. I couldn't help but think about my daughter's situation. She is supposed to have a happy and complete family just like other kids. Pero hindi nangyari dahil nagloko ang ama niya at iniwan kami. But it's okay. That's life. Matagal na rin akong nakamove on. I am contented with my life now, kahit kami lang dalawa ng anak ko. 

Three years old pa lang si Loraine nu'ng maghiwalay kami ng papa niya. Since then, hindi na niya ito nakita ng personal. Dahil masyado pa siyang bata nu'n sinabi ko nalang na nasa ibang bansa ang ama niya. Last year ko lang sinabi sa kanya ang totoo, I feel the hatred she has for her father but I told her na dapat na niya itong patawarin kasi kahit anong mangyari, ama pa rin naman niya ito. 

"Mars, kakain na tayo", tawag sa akin ng ka board mate kong si Tess. Apat lang kami sa inuupahan naming boarding house. Dalawa kaming nasa taas at dalawa din ang nasa baba. Ako lang mag-isa sa room kasi ayokong may kasama. So far, okay naman ang mga ka boardmates ko. 'Yong dalawang nasa baba ay dalaga pa at parehong teller ng bangko at 'yong kasama ko naman dito na si Tess ay teacher din pero sa  elementary. Kasing edad ko lang siya at gaya ko, hiwalay na rin ito sa asawa niya. Hindi nga lang sila nagkaanak dahil may deperensya ito sa matres, kaya siguro nangaliwa ang asawa niya. 

Tess is one of my close friends but I never shared to her my past experience. 'Di dahil sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan, basta't ayoko lang magkwento tungkol sa nakaraan ko. Same vibes naman kaming dalawa, kaya lagi kaming magkasundo lalo na't pareho kaming teacher.

T'wing umaga, ako ang magluluto ng pagkain namin at siya naman sa gabi. We shared each other kung anong meron kami. Matagal na rin kaming magkasama sa boarding house, mga limang taon na.

Gaya ng dati, panay ang kwentuhan namin habang nasa mesa kami. Kung anu-ano na nga lang pinag-uusapan namin hanggang sa pareho kaming matatawa.

"Uhm, kumusta pala mga estudyante mo mars?", tanong nito sa akin habang sumusubo ng pagkain.

"Uhm, okay lang naman mars. Pasaway minsan, pero mababait naman."

At nang sumagi sa isipan ko si Chris, bigla akong natahimik. Naalala ko kasi ang kakaibang sensasyong naramdaman ko kanina nang yumakap siya sa akin.  

"Mars, what's wrong? Ba't natahimik ka?"

"Uhm, wala naman mars. Nami-miss ko lang si Loraine"

"Ah okay." Biglang tumamlay ang boses ni Tess. Alam ko kasi na gusto niya talagang magkaanak, pero wala naman siyang magagawa dahil wala talaga siyang kakayahang magbuntis.

*******

Pasado alas onse na ng gabi, ngunit gising pa rin ang diwa ko. Usually, ten ako matutulog pero ngayon parang ayaw akong dalawin ng antok. Kinuha ko ang aking cellphone at nanood muna ng mga videos sa youtube para antukin ako. Mga ilang videos na rin ang napanood ko pero, ayaw pa ring mag cooperate ng mga mata ko.

I set aside my cellphone and placed it on the bedside table. I tried to close my eyes but suddenly, someone's face flashed in my mind. 

Alex...

Chris...

I shook my head dahil hindi ko matiyak kung sino ang nakikita ko sa aking balintataw. When it flashed again in my mind, I become certain that it's Chris dahil sa kulay ng damit na suot nito kanina.

"Oh my God!, At bakit naman bigla kong naisip ang batang 'yon?", sabi ko sa aking sarili.  I convinced myself na kung magkamukha man sila ni Alex at Chris, well it's just a coincidence and no big deal at all. At 'yong yakap niya kanina, was just a part of their "truth or dare".

Sinikap kong makatulog dahil may klase pa naman ako bukas, baka mapuyat ako sa kakaisip sa mga bagay na nagkataon lang naman. Ayoko ng isipin ang mga bagay na magpapaalala sa akin sa masasakit na nakaraan ko. So what kung magkamukha sila? It doesn't mean naman na pareho sila ng personality di ba? Isa pa, napakalayo ng agwat ng edad namin ni Chris para makaramdam ako ng kakaibang feelings sa kanya. Estudyante ko siya at anak lang ang turing ko sa lahat ng mga mag-aaral lalo na't nasa section ko pa.

******

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school kasi kailangan ko pang mag print ng aking lesson plan. Kailangan ko pa kasing ipaayos ang printer ko dahil ayaw gumana ang black ink, 'yon pa naman ang mas importante.

Pagdating ko ng classroom, nasa loob na halos lahat ng mga estudyante ko. As usual. most of them are busy on their cellphones. Ganito naman talaga ang mga millenials. Bahagi na ng kanilang mundo ang mga gadgets.

"Good morning ma'am", pagbibigay-galang ni Chris, at saka nagmano sa akin. Sumunod na rin 'yong ibang mga mag-aaral, pagkatapos bumalik na sa kani-kanilang mga upuan.

I seated at the back while observing them. Malinis naman ang classroom pati na rin sa labas. Kaya hinayaan ko na lamang silang mag cellphone muna habang naghihintay ng flag ceremony. After some time, nakita ko si Chris at iilang classmates niya na may bitbit na balde. 

"Ma'am, mag-iigib muna kami ng tubig para sa C.R. Wala kasing agas ang gripo", sabi ni Chris.

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. Napakabait naman ng batang ito. Sabi ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit napasulyap ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin at nginitian niya ako. Eto na naman ang kakaibang sensasyong nararamdaman ko. He looked at me, the way Alex used to. Umiwas ako ng tingin at itinuon ang mga mata ko sa aking laptop. 

Minutes have passed and it's time for my English subject. Nakasanayan ko na talaga na before ako magstart ng klase, I would ask first my students, if they are okay. Then, magkukwento ako ng mga bagay-bagay at magtatanong ako tungkol sa kanilang lovelife. Mas intresado kasi sila sa ganitong mga topic kaysa sa subject lesson.  Aliw na aliw din naman sila habang nagkukuwento ako sa kanila. Sa klase lang naman ako madaldal hahaha. Mas gusto ko kasing makipagbiruan sa mga estudyante ko para naman magiging komportable sila sa akin. 

There are times that I feel conscious lalo na kapag nakatingin sa akin si Chris. Kahit saang anggulo ko kasi siya tingnan, nakikita ko talaga si Alex sa kanya. They have the same height, parehong dark brown ang kulay ng kanilang mga mata, matangos ang ilong and they both have a chiseled jawline. Pareho din sila ng style ng buhok at ang tanging kaibahan lang nila ay ang kanilang complexion. Mas maputi ng konti si Alex samantalang si Chris ay fair lang ang kulay ng balat.

"Ay si Ma'am, biglang natahamik! Siguro nami-miss niya jowa niya", sabay-sabay na wika ng mga estudyante.

"Ha??? Oy, wala akong jowa noh!!! Pass muna ako dyan. Para lang yata 'yan sa inyo mga anak!!", nakangiti kong sabi sa kanila.

"Oi si ma'am, ayaw aminin", panunukso nila.

"Hay, naku! Ba't naman sa akin napunta ang topic, ha????"

At nagtawanan ang buong klase. Nahawa na rin ako sa mga tawa nila kaya napahagikgik din ako. Siguro may ibang nakakaalam sa personal life ko tungkol sa hiwalayan namin ng aking ex-husband ko, syempre mga estudyante may pagka marites di naman. hahaha. 

"Okay, tama na muna ang biruan class, and let's proceed to our lesson today", seryoso kong wika. Agad naman silang tumahimik nang magsimula na akong mag discuss. 

*******

Napamahal na sa akin ang ang mga estudyante ko. Madali lang kasi talaga akong ma-attached sa isang tao. And I don't know if this is considered as my strength or weakness. Basta't ang alam ko lang, totoo akong magmahal. I love and care for my students like my own children. Kaya concern ako sa kanila at ayaw kong nasasaktan sila. Everytime na makikita ko ang sinuman sa kanila na hindi okay, agad ko namang kinakausap at inaalam kung anong problema. Ganito naman talaga ako noon pa, kaya no question na mahal ako ng mga naging estudyante ko at kahit karamihan na sa kanila ay nagsipagtapos na ng Junior High School, pero never nila akong nakalimutan.

As what others say, karamihan daw ng nagtatagumpay sa career ay malas daw sa personal at family life. I think this is true in me. But it's okay. Matagal ko na namang natanggap ang lahat na wala na talagang magmamahal sa akin ng totoo except kay Alex. I mean, I am talking to a romantic love. 

Napabuntung-hininga ako ng maalala na naman ang bestfriend ko. Kung buhay pa sana siya ngayon, I would be the happiest woman on earth. At siguro, wala rin ako dito sa Pilipinas. Pangarap kasi namin noon ni Alex na after our graduation, doon na kami maninirahan sa Los Angeles, California.  Nandu'n kasi mga relatives niya at balak ng kanyang mga magulang na kaming dalawa ang mamahala ng kanilang negosyo du'n. Kaya nga Business Management ang kursong kinuha namin pareho. Bukod roon, pangarap namin ang magkaroon ng mga singing gigs kasi pareho naming mahal ang musika.

But all those plans did not come to reality because Alex met a car accident, on his way to attend his parents' wedding anniversary. Ang saya-saya pa namin nu'ng araw before siya umuwi sa kanila. But I never thought that would be the last time na makakasama ko siya.

Life is so unfair sometimes! At nakapakasakit magbiro minsan ang tadhana.

"Ma'am excuse me, okay lang po ba kayo?"

Bigla akong napapitlag dahil hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Chris.

"Uhm, I'm fine. Thank you for asking."

"Oh sige ma'am mauna na po kami sa inyo", sabi nito.

Tumango lang ako at nginitan siya.

"Bye ma'am!", sabay-sabay na paalam ng iba pang mga estudyante.

"Bye. Ingat kayong lahat!", sagot ko naman.

Lampas alas kwatro na pala ng hapon. Ang bilis talaga ng oras at uwian na naman. Nang makaalis na ang mga estudyante, lumabas na rin ako ng classroom pagkatapos kong mai-lock ang pinto. Nagtungo ako sa faculty room kasi andu'n naman ang mga gamit ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status