Hello po! Gusto ko pong magpasalamat sa lahat po ng nagbasa, nag-abang, naki-ngiti, nainis, naki-iyak at sumubaybay sa journey po nina Gabriel at Irish❤️ God Bless po sainyong lahat! -Author RIAN😍 S
"Traffic na naman!" Tumingin sa labas ng bintana si Gab. "Araw-araw na hong ganito dito Sir." Naiiling na sumagot ang driver ng binata na si Mang Janno. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan. Tumingin siya sa suot na wristwatch. Alas-singko pasado na pero nasa gitna pa sila ng mala-parking lot na kahabaan ng Marcos Highway. Alas-tres ang dating ng eroplanong sinakyan ni Irish, ang kinakapatid na susunduin sa International Airport. Gusto niyang makadama ng pagkainis sa Mommy niya kung bakit siya pa ang inutusang sumundo sa inaanak nito? Napabuntong-hininga si Gab ng matanaw mula sa malayo ang kinakapatid na ngayon ay dalagang-dalaga na. Nakasuot ito ng white croptop blouse na nagpalitaw ng pusod nito at denim mini-skirt na ilang pulgada na lang ang haba mula sa tuhod. Kulay puti din ang suot nitong rubber shoes. Halata ang impluwensya ng modernong pananamit ng mga banyagang nakasalamuha nito sa paglaki. Naka-ponytail ang hanggang balikat na buhok
"Ayokong masira sa client natin, ideliver n'yo sa tamang oras Miss Alvarado." Kasalukuyang nasa opisina si Gab. Supplier sila ng mga de-kalidad na damit sa mga kilalang boutique mula toddlers at fashion trends na clothes nang mga young models sa ilang fashion magazines. "Okey po Sir." ni hindi nagtaas ng ulo si Gab habang kinakausap ang sekretarya. Tumalikod na ito. Abala siya sa pagbabasa nang ilang dokumentong kailangang pirmahan. "And please pakidalhan nga pala ako ng kape."mariing utos niya. Sumasakit na naman kasi ang ulo niya sa dami ng trabaho na kailangang tapusin at kape ang una niyang hinahanap kapag gusto niyang kalmahin ang sarili. "Yes Sir." Tumango ito. Limang taon n'ya na itong sekretarya. Isa sa matiyagang nagtiis sa mga patakaran n'ya sa opisina. Una, ayaw n'ya ng palatanong, pangalawa dapat sumusunod lang at hindi nangangatwiran. At nagpapasalamat s'ya dahil masunurin naman ito. "Alma kelan ang kasal ni Sir?" Kumunot ang noo ng dalaga, napah
"Gusto mong kumain kuya?" Seryosong tiningnan n'ya ang dalagang bahagyang natigilan ng makita s'ya. Nakasalampak ito sa sofa at nakataas ang nakatuping mga tuhod ng pabukaka. Kararating lang ni Gab at ang kinakapatid ang bumungad sa kan'ya sa sala. Kumunot ang noo n'ya at tiningnan ang estilo ng pagkakaupo nito. "Ayusin mo nga 'yang upo mo!" Para s'yang tatay na nanita ng anak. "Bakit?" Tiningnan nito ang sarili. "Anong masama sa pagkakaupo ko?" Tila naguluhan pa ito. "Masama? Irish ilang taon ka na nga?" Umayos ito ng upo. Tiningnan ito ni Gab mula ulo hanggang paa at naiiling na nilampasan ito. "Twenty-one." Nakanguso ito na lalong ikinainis ni Gab. "Twenty-one, pero bakit ganyan ka pa rin magkikilos para kang teen-ager na ewan?" Naiinis siya sa ayos nito, magulo ang buhok at itinali kahit hindi pa nakakapag-suklay man lang. Idagdag pa ang nakakainis na kulay ng buhok nito. Nakasuot ng manipis na pantulog at naaaninag ang suot nitong panloob
"Bakit kailangan kong sumama?" tanong nito. "Ayoko ng maraming tanong Irish." Ipapakilala n'ya ito sa mga empleyado n'ya. At dahil co-owner niya ito kailangan niya na din itong turuan ng pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng kompanyang kapwa ipinundar ng kanilang mga magulang. Pareho silang nag iisang anak kaya pareho din silang tagapagmana ng nasabing kompanya. Tumingala si Irish sa pitong palapag na building, six years old lang s'ya ng huling umapak s'ya rito at halos hindi n'ya na matandaan ang hitsura ng naturang establisiyemento. "Irish!" napabilis ang paghakbang ng dalaga ng makitang naiinis na naman ang binata. "Siya si Miss Irish No, anak ng namayapang co-owner ng papa." Ngumiti ang dalaga. Hindi niya magawang ipakilala ito bilang fiancee dahil naiirita s'ya sa kilos-bata nito. "Hello po!" kumaway si Irish sa mga empleyadong nakangiti at panay ang bati ng good morning. Seryosong naglakad si Gab, nakasunod ang dalaga. U
August 15, 2021 Handa na ang lahat ng kailangan ng ikakasal, maging ang venue na pagdadausan ng seremonya. Sa isang kilalang Hotel sa Quezon City gaganapin at piling-pili ang mga bisita na iilan lang naman ang inimbitahan mula sa panig ni Irish at ng Groom. Sa panig ng bride, ang mommy ni Irish at ilang kamag-anak. Sa panig naman ni Gab, ay ang mga magulang at mga piling malalapit na kamag-anak at kaibigan. Bagamat halos ideya na ng wedding planner ang lahat, hindi maikakailang hindi ito mapapahiya sa ikakasal dahil napakaganda ng kinalabasan. Nagkalat ang mga puting bulaklak sa paligid, maging ang kisame nito ay nasasabitan ng mga tila pinong light chandelier na kulay puti rin, nagniningning ang paligid dahil sa kintab ng ilang white crystal balls. Lalong nagpalutang sa ganda ng dalaga ang suot na wedding gown na moderno ang design na s'ya mismo ang pumili, kahit naman kunwa-kunwarian lang na magiging mag-asawa sila gusto n'ya pa ding magsuot ng
"Bakit andami mo namang inorder?" Naiinis na tiningnan ni Gab ang mga inorder nito. "First time ko kasi kumain dito eh, gusto ko matikman ang mga specialty nila." Ang ganda ng ngiti ni Irish. "Hindi naman natin ito mauubos ah!" "Relax Gab, ako ang magbabayad." Naiiling na tiningnan ito ni Gab. Palibhasa'ysanay sa luho ni hindi alam ang salitang pagtitipid. "Open your mouth."Namilog ang mga mata ni Gab. Napatingin siya sa paligid. "Walang nakatingin dahil wala namang may pakialam. Nganga na kasi!" Ingos nito saka tumawa ng mahina. Ibinuka ni Gab ang bibig. Sinubuan siya nito. "See? Sarap diba?" Bumungisngis si Irish, natuwa ito sa pagsunod niya. "Tama na ha." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain, minsan naman ay bigla na lang nitong sinusubuan siya na ewan niya kasi sumusunod naman siya."Hays!" Napapasunod si
"Dito ka naman matutulog sa kwarto ko?" Tumango si Irish, ang luwang ng ngiti. Nakasuot na ito ng ternong pantulog. Napakamot sa ulo si Gab. "Irish, lumipat ka sa kabilang kwarto!" "Hindi nga ako sanay na walang kasama eh." "Sa sofa na lang ako." Tila ayaw talagang sumunod. "Irish lalake pa din ako." Paano niya ba ipapaliwanag na normal siyang lalake? At baka matukso siya. Kulit talaga. "Hindi ka ganun." "Hindi ako lalake?" Tumawa ito. "Gentleman ka." Huwag kang pakasisiguro, aniya ng isip niya. Mabilis itong tumalon sa kama at niyakap ang unan. "Goodnight." Naiiling na kinuha niya ang kumot sa tabi nito at pumuwesto sa malapad na sofa. "Eh pwede naman kasing magshare tayo sa kama, magkatabi na nga tayo kagabi ah." Inis
"Ano 'to?" Gumuhit ang matinding inis sa mukha ni Gab. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa mukha ng asawa at sa nakahaing sunog na pagkain. "Ahm breakfast mo." Ang tamis ng ngiti ni Irish. "Anong klaseng pagkain?!" "Fried rice with bacon, egg and hotdog, hindi ka ba kumakain n'yan?" "Pagkain ang tawag mo dito?" Pinasadahan nito nang tingin ang sunog na pagkain na hindi na halos matukoy kung ano? Namumula ang mukhang tinalikuran nito ang asawa at tinungo ang sala. Nakasunod sa kan'ya si Irish. "Sorry Gab, hindi talaga ako marunong magluto." "Ano bang alam mo? My God, simpleng luto hindi mo kayang gawin." "Eh, bakit ba kasi ayaw mong kumuha ng maid?" Nagkandatulis ang nguso ni Irish na lalong ikinainis ni Gab. "Hindi ka matututo kung aasa ka sa maid! Magbihis ka!" Namilog ang mga mata ni Irish. "Sa labas na lang tayo kakain?" "No! Sa opisina tayo pupunta!" Muli niyang nakita ang pagnguso nito.