Share

Chapter 6

"Bakit andami mo namang inorder?" Naiinis na tiningnan ni Gab ang mga inorder nito.

"First time ko kasi kumain dito eh, gusto ko matikman ang mga specialty nila." Ang ganda ng ngiti ni Irish.

"Hindi naman natin ito mauubos ah!"

"Relax Gab, ako ang magbabayad."

Naiiling na tiningnan ito ni Gab. Palibhasa'y sanay sa luho ni hindi alam ang salitang pagtitipid.

"Open your mouth."Namilog ang mga mata ni Gab. Napatingin siya sa paligid.

"Walang nakatingin dahil wala namang may pakialam. Nganga na kasi!" Ingos nito saka tumawa ng mahina. Ibinuka ni Gab ang bibig. Sinubuan siya nito.

"See? Sarap diba?" Bumungisngis si Irish, natuwa ito sa pagsunod niya.

"Tama na ha." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain, minsan naman ay bigla na lang nitong sinusubuan siya na ewan niya kasi sumusunod naman siya."Hays!" Napapasunod siya ni Irish sa paraan nito.

Tulad ngayon, niyaya siya nitong pumunta ng mall at sa halip na magpahinga ay sumama naman siya. Akala niya siya ang babago rito, pero mukhang siya ang binabago ni Irish. Inabutan siya nito ng ice cream na nakalagay sa cone.

"Masarap 'yan promise, fav ko 'yan eh." Umupo ito sa tabi niya. Naramdaman niyang tila komportable ito ng kasama siya pagkalipas ng maraming taon, ito pa rin ang dating Irish na kalaro at binabantayan niya.

Madalas itong nakatingin sa kaniya at tila nagiging pangkaraniwan na lang rito ang paghawak sa braso niya at paminsan-minsang pagyakap ng kabilang braso sa beywang niya.Sabay silang kumain ng ice cream. At aaminin niya sa sarili, sobrang namiss niya ang simpleng buhay, walang masyadong iniisip, wala sa harap ng computer, wala sa harap ng mga empleyado, malayang ngumiti.

"Sabi sayo masarap eh!"

Nakatitig ito sa nakangiti niyang mukha. Ibinalik n'ya ang seryosong ekspresyon.

Hmp! Okey na nga 'yung kanina ibinalik na naman.

"Umuwi na tayo Irish." Yakag niya sa asawang nagyaya pang magshopping pero tinanggihan niya na.

"Maaga pa." Maktol nito. Tumingin ito sa suot na relo. Hindi nila namalayan ang oras mag alas-otso na pala ng gabi. Wala silang ginawa kundi mamasyal maghapon at umikot ng umikot sa mall.

Masiglang sumakay ng kotse si Irish.

"Sana sa Boracay na lang tayo maghoneymoon Gab." Sambit nito, hindi mawala-wala ang ngiti.

Natigilan si Gab. "Honeymoon? Irish sa papel lang tayo mag-asawa!"

Napamaang si Irish. Galit na naman? Napapahiyang nagyuko ito ng ulo. "Hindi 'yun ang ibig kong sabihin."

"At ano? Umaasa ka bang ituturing kitang asawa Irish?"

"Hi-hindi naman sa ganun."

"Then, what?" Ang taas ng boses nito.

"Bakasyon lang naman. Ba-bakit ka ba nagagalit? Masama ba 'yun?"

"Naiinis ako kung bakit napasok ako sa ganito."

Nakita ni Gab ang pamumuo na ng luha nito. "Isa 'yan sa ikinaiinis ko Irish! Wala ka bang ibang gagawin kundi umiyak?" Hinampas nito ang manibela at lumabas ng kotse.

Pinahid ni Irish ang luha at lumabas din ng kotse. 

"Sorry..."

Nilingon ito ni Gab. Saglit siyang natigilan. Parang may kumurot sa damdamin niya ng makitang nasasaktan ito. Pumasok siya sa loob ng kotse at sumunod din ito.

"Look Irish, i have no idea kung paano ka pinalaki? Ano ang mga gusto mong gawin sa buhay? At hindi ko din alam kung bakit sinusunod kita?" Napahinto si Gab sa pagsasalita ng makitang nagpapahid ito ng luha.

"Umiiyak ka na naman?" Naiiling na pinaandar nito ang kotse.

"Hi-hindi ko kasi mapigilan eh."

"Hindi ka na bata."

"Akala ko, okey na tayo kanina?" 

"Irish, wake-up! Ginagawa ko ito para sa negosyo. At wala ako planong maging babysitter mo!" 

Napakagat-labi si Irish. 

Naiiling na itinuon ni Gab ang atensyon sa kalsada. Nakita n'ya sa sulok ng mga mata ang pagpahid ng luha nito at paminsan-minsang pagsinga ng sipon sa hawak nitong panyo. Namumula ang ilong at pisngi na nakatanaw sa labas ng bintana. 

Mabilis itong nakababa ng kotse nang makarating na na sa tapat ng bahay. Naiiling na sinundan n'ya ito ng tingin. Gusto n'ya itong tawagin na ibaba nito ang sariling gamit pero parang batang kumaripas na ito ng takbo paakyat sa ikalawang palapag.

"Irish..." Itinulak ni Gab ang pintuang bahagyang nakaawang. Nakita n'yang nakaupo ito patalikod sa pintuan. Parang may aspiling tumusok sa bahagi ng damdamin n'ya sa isiping umiiyak pa 'din ito.

"I'm sorry...Hindi ko sinasadya." Napabuntong-hininga si Gab, buong-buhay n'ya ngayon lang siya humingi ng sorry. 

"Alright, napatawad na kita." Ang luwang ng ngiti ni Irish, bigla itong lumingon at parang walang nangyaring away sa pagitan nila. Parang batang yumakap ito sa ka'nya, nakapagkit ang matamis na ngiti.

"What?" Nagdadrama ka lang?" 

"Ops! Walang bawian nagsorry ka na!" 

"Anak ng...Irish, not funny! Huwag mo na itong uulitin!" Inis na kumalas s'ya sa yakap nito at tinalikuran ito. Ang sarap isoli agad sa nanay! 

"Gusto mong maglaro ng scrabble?" Nakasunod ito sa kan'ya.

Inis na nilingon ito ni Gab.

"Pampaantok lang naman." Pahabol nito. 

"My God, Irish! Just leave me alone!"

"A-ayaw mo ng scrabble? Mahina ka sa spelling?"

"Irishhhh!" 

"Alright! Sungit mo!" Ngumuso ito at tinungo ang silid niya.

"Kwarto ko 'yan, Irish!" 

"Kwarto ko na 'din." Bago pa s'ya muling makasagot ay pinagsarhan na siya nito ng pinto. Napakamot sa ulo si Gab at inis na piniling pumunta na lang ng kusina. Kailangan n'ya ng matapang na wine, 'yung pwedeng makapagpawala ng ulirat. Pero nang makita n'ya ang ilang bote ng pale pilsen mas pinili n'yang magbukas ng isa.

Naka-tatlong boteng beer 'din s'ya bago naisipang pumasok na ng silid at matulog. Bumungad sa kan'ya ang asawang komportableng natutulog sa kama, naiiling na pinagmasdan n'ya ito. Angelic-face na may personalidad ng isang thirteen-years old. Ay mali! Mga seven years old siguro. Inihiga n'ya ang katawan sa bakanteng bahagi ng kama at patuloy itong pinagmasdan. Tila naramdaman nito ang presensya niya at dumikit ito sa kan'ya at isiniksik ang sarili sa tagiliran ni Gab. Awtomatikong yumakap ito na ikinapitlag n'ya. Ewan ni Gab, pero gusto n'ya ang pakiramdam na nakayakap ito sa kan'ya. Dahan-dahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong humarang sa mukha. May kung anong damdamin ang bumangon s adibdib ni Gab habang tinititigan ang maamo nitong mukha. No! Sigaw ng isip n'ya! Pipigilan n'ya kung ano man 'yun?

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
haha napakahirap pigilan lalo at gusto mo din aba
goodnovel comment avatar
RIAN
Salamat Sir...
goodnovel comment avatar
RIAN
Thank you po............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status