Share

Chapter 5

August 15, 2021

Handa na ang lahat ng kailangan ng ikakasal, maging ang venue na pagdadausan ng seremonya. Sa isang kilalang Hotel sa Quezon City gaganapin at piling-pili ang mga bisita na iilan lang naman ang inimbitahan mula sa panig ni Irish at ng Groom.

Sa panig ng bride, ang mommy ni Irish at ilang kamag-anak. Sa panig naman ni Gab, ay ang mga magulang at mga piling malalapit na kamag-anak at kaibigan. Bagamat halos ideya na ng wedding planner ang lahat, hindi maikakailang hindi ito mapapahiya sa ikakasal dahil napakaganda ng kinalabasan.

Nagkalat ang mga puting bulaklak sa paligid, maging ang kisame nito ay nasasabitan ng mga tila pinong light chandelier na kulay puti rin, nagniningning ang paligid dahil sa kintab ng ilang white crystal balls.

Lalong nagpalutang sa ganda ng dalaga ang suot na wedding gown na moderno ang design na s'ya mismo ang pumili, kahit naman kunwa-kunwarian lang na magiging mag-asawa sila gusto n'ya pa ding magsuot ng gown na s'ya ang nasunod sa estilo. Kudos sa tumahi, dahil sobrang nagustuhan n'ya talaga ang pagkakayari nito.

Humugot ng malalim na hangin ang dalaga. Sa likod ng malaking pinto, naghihintay si Gab at ang mga piling bisita. Nang pumailanlang ang tugtuging "Beautiful in White". Sumabay din ang kabang noon lamang naramdaman ni Irish. Bumukas ang pinto at nasilayan ni Gab ang magandang bride.

Tila itinulos sa kinatatayuan ang binata, hindi maikakailang napakaganda ng dalagang pakakasalan. Nabura ang imahe ng batang babaeng makulit at isip-bata at iyaking kinaiinisan n'ya. Ngumiti ito ng makitang nakatitig s'ya rito. Pasimpleng ipinilig ni Gab ang ulo at inayos ang sarili.  Sa bride nakatuon ang atensiyon ng lahat, lalo na s'ya na hindi maialis ang paningin sa dalagang ngayon ay nakatayo na sa tapat n'ya.

"G-gab..." Untag nito ng hindi pa rin s'ya kumikilos para kunin ang kamay nito para sabayan papunta sa harap ng huwes na magkakasal sa kanila.

Tumikhim ang Daddy ni Gab at tila natauhan naman ang gwapong binata. Inabot niya ang kamay nito na isinukbit naman sa braso ng binata. 

Muli n'ya itong sinulyapan. Hindi kayang itago ng make-up at ng ngiti nito ang tila lungkot na nabanaag n'ya sa mga mata ng dalaga. Nakadama s'ya ng pinong kirot sa isiping hindi ito masaya ng sandaling 'yun. Hindi nga ba't maging s'ya ay dapat ding maging malungkot ng oras 'yun? Kapalit ng pagpapakasal sa dalaga ay ang kalayaan n'yang pumili ng babaeng pakakasalan. Palihim n'yang pinakiramdaman ang katabi. Hindi man lang ito umiyak tulad ng madalas nitong gawin. Naramdaman n'ya ang kaba nito nang isuot na nila ang singsing sa isa't isa. Malamig ang palad nito at naramdaman niyang nagpapawis ang palad nito.

"Relax.." Tumingin ito sa kan'ya at pilit na ngumiti.

Matapos nilang pirmahan ang kontratang magtatali sa kanila bilang habangbuhay na mag-asawa, inanunsiyo na rin na maaari n'ya ng halikan ang kan'yang asawa. Itinaas ni Gab ang belong nagtatakip sa magandang mukha ng Bride. Nabanaag n'ya ang kaba sa mukha nito ngunit pilit pa ring ngumiti upang pagtakpan ang kaba.

Nagpalakpakan ang lahat ng dumampi ang labi ng groom sa labi ng asawa nito. Nahihiyang inilipat ni Irish ang paningin sa paligid upang makaiwas sa mga titig ni Gab. Bahagyang itinaas n'ya ang kaliwang kamay at ipinakita ang suot na singsing. Muling nagpalakpakan ang lahat. Ang luwang ng ngiti ng mommy n'ya.

"Congratulations anak...Natupad mo na ang promise mo sa Daddy mo, alam kong masayang-masaya s'ya para sayo."

"I love you Mom."Gusto n'yang umiyak pero pinigil n'ya.

"I love you too." 

Naluluhang kinamayan si Gab ng Daddy n'ya, ang higpit ng yakap ng kan'yang mommy Mely.

"Ingatan mo si Irish anak." Ang daddy ni Gab."Matututunan mo din s'yang mahalin." Bulong pa nito.

Matapos ang pictorials at salu-salo na sa mismong venue na rin ginanap ay nag kani-kaniya na ring uwi ang mga ito pati ang mga magulang nila kasama ang mommy ni Irish. Sa bahay ng balae nito sa Antipolo ito tutuloy dahil ayaw na daw sila nitong maistorbo pa para sa honeymoon. Sa mismong hotel na din sila naka-book kaya sa isa sa mga VIP room na naroon na sila magpapalipas ng magdamag ni Irish at naka check- in na sila 'dun for two days.

NAGBIBIHIS si Irish ng pumasok si Gab sa silid. Natigilan ang binata ng makita ang asawang nayakap ang sarili nang mapasukan n'yang nakasuot lang ito ng panloob at pumipili ng pamalit na bihisan. Napalunok si Gab, nakalantad ang makinis at maganda nitong katawan. Parang ang bilis magreact ng nasa ibabang parte ng kan'yang pagka-lalake. Nakaramdam s'ya ng init ng hindi sinasadyang mapatingin sa dibdib nito. Nagkulay-makopa ang pisngi ni Irish.

"S-sorry..." Tumalikod s'ya bago pa tuluyang magwala ang hindi dapat.

Namumulang nagmadaling nagbihis si Irish. Wala silang pagpipilian kundi magsama sa iisang silid. Saan nga naman makakakita ng bagong kasal na magkahiwalay ang silid?

"Sige. . ikaw naman." Humakbang na si Irish at akmang iiwan niya ito ng hawakan ni Gab ang braso n'ya. May kung anong kilabot siyang naramdaman. 

Naguguluhang tumingin si Irish.

"H-hindi tayo pwedeng maghiwalay ng silid ngayong gabi."Tumango si Irish at ngumiti.

"It's alright Gab. . .hindi ko rin kayang matulog sa kwarto ng walang kasama, 'yun lang ba?"Nakatingin ito sa brasong hawak n'ya pa rin. Binitiwan ito ni Gab.

Nang tuluyan itong makalabas ng silid saka nagbihis si Gab. Ibinagsak n'ya ang katawan sa malambot na kama, makakasama n'ya si Irish sa iisang silid. Lalake pa din s'ya at hindi n'ya alam kung hanggang kailan s'ya maaaring magpigil na hindi matuksong tingnan lang ito habang katabi sa kama.

Mahihinang katok ang umuntag sa diwa ni Gab. Nakita n'ya ang nakangiting mukha ni Irish. Bakit ba parang lalo itong gumanda ngayon?

"Hi...bihis ka na?" Hindi n'ya na mabanaag ang pagkailang nito na nakita n'ya kanina sa magandang mukha nito.

"Kanina pa." Humiga ito sa tabi n'ya patalikod.

"Irish..."

"Uhhhmm. .." Nakapikit na ang dalaga.

"Lilipat ako sa sofa." Napabalikwas ito paharap sa kaniya.

"No! Okey lang na magkatabi tayo. M-may tiwala ako sayo." Ang tamis ng ngiti nito.

Napabuntong-hininga si Gab. Paano n'ya ba sasabihin sa kaharap na s'ya ang walang tiwala sa sarili?

"Si-sige matulog ka na." Nabigla si Gab ng bigla itong yumakap sa kan'ya.

"Kuya pa din naman kita diba?" Inalis nito ang mga braso ng asawa, ayaw n'ya ng kakaibang nararamdaman ng sandaling 'yun. Maging ang pagpitlag ng maselang bahagi ng katawan.

"Matulog ka na." Parang gusto n'ya ulit maligo para maibsan ang kakaibang init na nararamdaman.

"Alright." Yumakap na ito sa katabing unan at pumikit.

Marahil dahil sa pagod ay nakatulog agad ito ng mahimbing habang s'ya ang nahirapang antukin man lang.

Paano naman siya makakatulog kung may ganito siya kagandang katabi? Nakita niya ang champaigne na nakapatong sa side table kaya dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising ang nahihimbing na katabi. Magpapaantok muna siya. Nakakailang shots na siya pero bakit mailap ang antok?

Humiga na siya sa tabi ng asawa. Ano ba naman itong mga magulang nila? Inilagay sila sa sitwasyong pampelikula. Sinulyapan n'ya ang asawang bahagya ng naghihilik. Napangiti s'ya nang mapagmasdan ang makinis nitong mukha. Alam n'yang maganda ito pero bakit tila iba ang dating sa kan'ya ni Irish nitong mga nagdaang araw at lalo naman kanina habang naglalakad ito papalapit sa kan'ya? Kinapa n'ya ang damdamin. Hindi pwede, tutol ng isip n'ya. Parang kapatid n'ya lang ito. Hanggang doon lang. Dapat hanggang doon lang.

"Hindi ka pa rin makatulog?" Napamulagat ang binata, seryosong nakatingin ito sa kan'ya.

"Naghilik ka na ah!" Gulat n'yang tanong.

"Binabantayan mo ako?" 

"Hindi. Matulog ka na ulit." Tumalikod s'ya rito para hindi na mangulit pa. Nagsumiksik ito sa likuran n'ya at wala s'yang nagawa kundi hayaan ito. 

"Night Gab."Humugot s'ya ng malalim na hangin at pilit nilalabanan ang kakaibang pakiramdam bilang lalake. Pero sa halip na dalawin ng antok lalong nagising ang kan'yang diwa. Dahan-dahan s'yang tumayo at pumasok ng banyo. Nagbabad s'ya sa bathtub para patayin ang hindi mapigilang init ng katawan. Ayaw n'yang madaig ng nadaramang pagnanasa. 

Napadilat si Irish sa kalagitnaan ng gabi. Kinapa n'ya ang katabi pero wala si Gab.

"Gab!" Matatakutin s'ya at hindi sanay na maiwang mag-isa sa silid. Napabalikwas s'ya. Tanging liwanag ng kulay asul na lampshade ang tanglaw ng kabuuan ng silid.

"Gab?" Natatarantang tumayo s'ya at tinungo ang switch ng ilaw. Pero napatili s'ya ng madaanan ang aninong nakaupo sa sofa.

"Irish, please calm, i'm here." Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi s'ya nainis sa dalaga. Nakadama s'ya ng awa nang makita kung paano ito tila nahintakutan.

Tila nabunutan naman nang tinik si Irish. Mabilis na nilapitan ang asawa at nagulat ito nang bigla n'ya itong yakapin. Nasamyo ni Gab ang mabangong buhok ng asawa. May kung anong biglang tila nabuhay sa pagkatao n'ya.

"Sorry akala ko kasi wala ka eh." Bumitiw ito mula sa pagkakayakap.

Napabuntong-hininga si Gab, para talaga itong bata.

"Saan naman ako pupunta ng ganitong dis-oras ng gabi?" Pinilit n'yang lagyan ng sarkasmo ang tono ng boses. Napakalapit nito sa kan'ya. Baka makalimot s'ya at hilain ito pabalik ng kama. Ibayong atraksiyon para sa kan'ya ang ganung posisyon na halos magkadikit na ang mga katawan nila. Hindi na ito ang batang paslit noon na binabantayan niya larawan na ito nang nang isang magandang babae at hindi s'ya santo para hindi makadama ng pagnanasang maangkin ito.

Ngumiti si Irish habang nakatitig ito sa mukha n'ya. Tila namamangha ito habang nakatitig.

"Sigurado ka bang hindi mo kakambal si Ji Chang-Wook?"

"Pwede ba Irish matulog ka na!" Utos n'ya, bumalik ang inis n'ya rito at nakukulitan na naman s'ya.

"Hindi nga!" Umirap ito.

Kumunot ang noo n'ya, nagtatanong na tinitigan n'ya ito.

"Eh kasi bukod sa charming si Ji, mabait pa."Tumawa ito ng mahina.

Ewan ni Gab pero may bahagi ng damdaming tila nagpasaya sa kan'ya na malamang kamukha s'ya ng ultimate crush nito.

"So, charming ako?" 

"Konti, mas gwapo si Ji." 

"Artista lang 'yun kaya mabait."

"Hindi ah!" 

Muli s'yang pumasok ng banyo para magbawas, parang batang sumunod ito.

"Irish ano ba! Iihi ako!" Asik n'ya nang malingunang nakasunod ito.

"Eh ang dilim eh!" Humawak pa ito sa dulo ng suot n'yang kamiseta.

"Walang momo dito." Gusto n'yang matawa ng manlaki ang mga mata nito. Sa halip kasi na mawala ang takot nito sumama ito sa loob ng banyo.

"O ngayon? Paano ako iihi?" tanong ni Gab, habang nakatingin sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa laylayan nang t-shirt n'ya.

"Hindi ako titingin. Promise!" Nagtaas pa ito ng kanang-kamay.

"Bahala ka na nga!" Inis na ibinaba niya ang garter ng suot na pajama at umihi.

Nakapikit naman ito, natatawang umihi s'ya habang nasa tabi n'ya ito. Ito pa rin ang Irish na alaga n'ya noon na sobrang kulit. 

"Dumilat ka na!" Mariing utos n'ya.

Humawak ito sa braso n'ya at sumabay palabas ng banyo.

"May nakita akong anino sa loob ng banyo!" Pilyong biro n'ya sa tonong nananakot.

Dahil sa narinig nagtitili itong sumakay sa likod n'ya na ikinahalakhak ni Gab. Natumba sila habang nakasakay ito sa likod n'ya. Tumihaya si Gab, hindi ito bumibitaw sa pagkakayakap.

"rish ano ba! I'm just kidding!" Tumatawa pa din si Gab. Pero natigilan ito nang makitang naluluha na ito dahil sa takot. Nakaupo na sila habang magkaharap. Hinawakan n'ya ang baba nito at itinaas. Nakadama siya ng konsensya at napabuga ng hangin. Naaawang tinitigan n'ya ito. Ang sarap pagmasdan ng inosente nitong mukha habang humihikbi. Tila may humihigop sa kan'yang dampian ito ng halik sa labi. Pero nagpigil s'ya at hinaplos na lamang ang pisngi nito.

"Matulog na tayo! Walang momo, anlaki-laki mo na naniniwala ka pa din sa monster." Inalalayan n'ya itong makatayo.

Parang batang yumakap ito sa kan'ya. Nakatulog ito habang nakayakap ang kaliwang braso patagilid na nakaharap sa kan'ya. Nahigit ni Gab ang paghinga nang mapagmasdan ang mapupula nitong labi na ga-dangkal lang ang pagitan sa mukha n'ya. Natutukso na s'yang dampian ito ng halik pero may sumisigaw sa isang bahagi nang utak n'ya na hindi dapat dahil lalampas s'ya sa boundaries na s'ya mismo ang naglagay sa pagitan nila. Humigpit ang yakap nito at isiniksik ang sarili sa tagiliran n'ya, may bahagi ng katawan ni Gab ang biglang kumislot na ikinapikit  nito.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha makatiis ka kaya hahaha
goodnovel comment avatar
Kimberly Relon Oyo-a
Na einlove na c kua......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status