Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Traffic na naman!" Tumingin sa labas ng bintana si Gab. "Araw-araw na hong ganito dito Sir." Naiiling na sumagot ang driver ng binata na si Mang Janno. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan. Tumingin siya sa suot na wristwatch. Alas-singko pasado na pero nasa gitna pa sila ng mala-parking lot na kahabaan ng Marcos Highway. Alas-tres ang dating ng eroplanong sinakyan ni Irish, ang kinakapatid na susunduin sa International Airport. Gusto niyang makadama ng pagkainis sa Mommy niya kung bakit siya pa ang inutusang sumundo sa inaanak nito? Napabuntong-hininga si Gab ng matanaw mula sa malayo ang kinakapatid na ngayon ay dalagang-dalaga na. Nakasuot ito ng white croptop blouse na nagpalitaw ng pusod nito at denim mini-skirt na ilang pulgada na lang ang haba mula sa tuhod. Kulay puti din ang suot nitong rubber shoes. Halata ang impluwensya ng modernong pananamit ng mga banyagang nakasalamuha nito sa paglaki. Naka-ponytail ang hanggang balikat na buhok
"Ayokong masira sa client natin, ideliver n'yo sa tamang oras Miss Alvarado." Kasalukuyang nasa opisina si Gab. Supplier sila ng mga de-kalidad na damit sa mga kilalang boutique mula toddlers at fashion trends na clothes nang mga young models sa ilang fashion magazines. "Okey po Sir." ni hindi nagtaas ng ulo si Gab habang kinakausap ang sekretarya. Tumalikod na ito. Abala siya sa pagbabasa nang ilang dokumentong kailangang pirmahan. "And please pakidalhan nga pala ako ng kape."mariing utos niya. Sumasakit na naman kasi ang ulo niya sa dami ng trabaho na kailangang tapusin at kape ang una niyang hinahanap kapag gusto niyang kalmahin ang sarili. "Yes Sir." Tumango ito. Limang taon n'ya na itong sekretarya. Isa sa matiyagang nagtiis sa mga patakaran n'ya sa opisina. Una, ayaw n'ya ng palatanong, pangalawa dapat sumusunod lang at hindi nangangatwiran. At nagpapasalamat s'ya dahil masunurin naman ito. "Alma kelan ang kasal ni Sir?" Kumunot ang noo ng dalaga, napah
"Gusto mong kumain kuya?" Seryosong tiningnan n'ya ang dalagang bahagyang natigilan ng makita s'ya. Nakasalampak ito sa sofa at nakataas ang nakatuping mga tuhod ng pabukaka. Kararating lang ni Gab at ang kinakapatid ang bumungad sa kan'ya sa sala. Kumunot ang noo n'ya at tiningnan ang estilo ng pagkakaupo nito. "Ayusin mo nga 'yang upo mo!" Para s'yang tatay na nanita ng anak. "Bakit?" Tiningnan nito ang sarili. "Anong masama sa pagkakaupo ko?" Tila naguluhan pa ito. "Masama? Irish ilang taon ka na nga?" Umayos ito ng upo. Tiningnan ito ni Gab mula ulo hanggang paa at naiiling na nilampasan ito. "Twenty-one." Nakanguso ito na lalong ikinainis ni Gab. "Twenty-one, pero bakit ganyan ka pa rin magkikilos para kang teen-ager na ewan?" Naiinis siya sa ayos nito, magulo ang buhok at itinali kahit hindi pa nakakapag-suklay man lang. Idagdag pa ang nakakainis na kulay ng buhok nito. Nakasuot ng manipis na pantulog at naaaninag ang suot nitong panloob
"Bakit kailangan kong sumama?" tanong nito. "Ayoko ng maraming tanong Irish." Ipapakilala n'ya ito sa mga empleyado n'ya. At dahil co-owner niya ito kailangan niya na din itong turuan ng pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng kompanyang kapwa ipinundar ng kanilang mga magulang. Pareho silang nag iisang anak kaya pareho din silang tagapagmana ng nasabing kompanya. Tumingala si Irish sa pitong palapag na building, six years old lang s'ya ng huling umapak s'ya rito at halos hindi n'ya na matandaan ang hitsura ng naturang establisiyemento. "Irish!" napabilis ang paghakbang ng dalaga ng makitang naiinis na naman ang binata. "Siya si Miss Irish No, anak ng namayapang co-owner ng papa." Ngumiti ang dalaga. Hindi niya magawang ipakilala ito bilang fiancee dahil naiirita s'ya sa kilos-bata nito. "Hello po!" kumaway si Irish sa mga empleyadong nakangiti at panay ang bati ng good morning. Seryosong naglakad si Gab, nakasunod ang dalaga. U