Share

Chapter 2

"Ayokong masira sa client natin, ideliver n'yo sa tamang oras Miss Alvarado." Kasalukuyang nasa opisina si Gab. Supplier sila ng mga de-kalidad na damit sa mga kilalang boutique mula toddlers at fashion trends na clothes nang mga young models sa ilang fashion magazines.

"Okey po Sir." ni hindi nagtaas ng ulo si Gab habang kinakausap ang sekretarya. Tumalikod na ito. Abala siya sa pagbabasa nang ilang dokumentong kailangang pirmahan.

"And please pakidalhan nga pala ako ng kape."mariing utos niya. Sumasakit na naman kasi ang ulo niya sa dami ng trabaho na kailangang tapusin at kape ang una niyang hinahanap kapag gusto niyang kalmahin ang sarili.

"Yes Sir." Tumango ito.

Limang taon n'ya na itong sekretarya. Isa sa matiyagang nagtiis sa mga patakaran n'ya sa opisina. Una, ayaw n'ya ng palatanong, pangalawa dapat sumusunod lang at hindi nangangatwiran. At nagpapasalamat s'ya dahil masunurin naman ito.

"Alma kelan ang kasal ni Sir?" Kumunot ang noo ng dalaga, napahinto sa pagtitimpla ng kape, nilingon ang mga ka-opisina.

"Kasal?" Natigilan ang sekretarya. Paanong ikakasal ang Boss, sa pagkakaalam niya wala naman itong girlfriend?

"Ano ba 'yan, secretary ka hindi mo alam?" Dismayadong turan ng kaharap.

"Hindi ko talaga alam. May girlfriend na pala si Sir?" Sa tonong tila nanghihinayang.

"Hays, oo! Ano ba 'yan huli ka sa balita! Bakit hindi mo alam? Eh, araw-araw mong kasama?" Lumapit na din ang ilan nilang ka-trabaho.

"Totoo daw sabi ni Mang Janno. Sinundo nila sa airport 'yung mapapangasawa ni Sir." sabad ni Aye, ito ang pinaka-chikadora sa opisina nila at may pagka-tsismosa.

"Talaga ba?" Namilog ang mga mata ni Ice. Nakakagulat naman kasing talaga ni wala itong ipinakikilalang girlfriend man lang. Nagdududa nga sila kung may oras pa ba itong manligaw dahil subsob ito sa trabaho. Ubod ng gwapo pero zero ang lovelife.

"Oo, at arrange marriage daw." Napatakip pa sa bibig si May.

"Ano? Nakakainis naman! Dapat ako na lang ang pakasalan ni Sir eh." Ngumuso si Charm.

"Ano? Asa ka? Ang ganda kaya 'nung pakakasalan n'ya mukhang modelong koreana." Sumimangot ang pinaka-mataba sa grupo.

"So, ako hindi maganda ganun?" Asik nito.

"May lahi naman kasi silang Korean, eh diba nga kahit si Sir Gab korean ang lolo." Matamlay na sagot ni Alma.

"Si Sir pa naman ang pinapangarap kong mapangasawa. Nakakainis hindi na matutupad!" Ang lakas ng tawanan.

"KUMUSTA 'yung kape ko Alma?"

Muntik nang mapatalon sa pagkagulat ang mga empleyado. Natigilan ang lahat nang makita ang gwapong boss nila na nakakunot ang noo at tila nagtitimpi lang na huwag magalit, nakatayo ito habang nakalagay ang mga kamay nito sa dalawang bulsa at matiim na nakamasid, natatarantang bumalik sila sa trabaho.

Tumalikod na ang gwapong boss nila at bumalik ng opisina nito. Inirapan ni Alma ang mga ka-trabaho. Bakit ba kasi naki-tsismis pa s'ya tiyak masasabon na naman s'ya dahil ayaw nitong nagku-kuwentuhan sila sa oras ng trabaho?

"Anong pinag-uusapan n'yo kanina?" Seryosong tanong ni Gab sa sekretaryang awtomatiko ang pamumutla.

"Ho?" Nahihiyang nakatingin ito sa Boss.

"Alma?" Untag nito nang hindi makasagot ang dalaga.

"S-sir ikakasal na daw po kayo." Napayuko ito at mabilis na nailapag ang kape.

Napabuntong-hininga si Gab. "Totoo, next week na." Nag angat ito ng tingin.

"Umiiyak ka ba?" Kumunot ang noo ni Gab.

"Hi-hindi po Sir. Masaya po ako para sa'inyo."

Bahagyang natawa si Gab, hindi naman lingid sa kan'ya na may gusto ito sa kan'ya. Matagal n'ya na itong napapansin pero wala naman siyang pakialam 'dun lalo pa't ginagawa naman nito ng maayos ang trabaho.

"Three to four years siguro magpa-file din ako ng annulment. Sa ngayon dapat lang talaga akong magpakasal." Saad ni Gab na parang nagkukwento. Napayuko ang kaharap.

"Sir? Bakit niyo po sinasabi sa'kin?"

Naiiling na sumandal sa sandalan ng swivel chair si Gab.

"May gusto ka sa'kin diba?" Ganun s'ya ka-prangka at walang pakialam sa damdamin ng iba. Isa sa mga ugaling ipinakita n'ya sa mga empleyado. Ayaw n'ya ng patumpik-tumpik at gusto n'ya ng deretsahan.

"Ho?" Lalo itong napahiya dahil sa narinig.

"Hindi kita pinapaasa, nagkukwento lang ako. Kung ano man 'yang nararamdaman mo para sa'kin, kalimutan mo na. Hindi 'yan makakatulong sa trabaho mo!" Lalong naluha ang kaharap ni Gab, hindi n'ya mahulaan kung dahil ba sa pagkapahiya o pagkadismaya dahil mag aasawa na s'ya?

"Yes Sir." Lalo itong nawalan ng pag asa.

"You may go." Utos n'ya rito.

"Alma?" Huminto ito sa paghakbang.

"Huwag kang mag aksaya ng oras sa pag iyak, walang dahilan." Sa tonong nag uutos.

"Y-yes Sir."

Naiiling na sinundan n'ya ito ng tingin. Pang-ilan na nga ba ito sa mga naging sekretarya n'ya? Lahat nagkakagusto sa kan'ya. At kapag nadidiskubre n'ya, sinisisante n'ya. Si Alma lang ang tanging hindi niya sinisante. Gusto n'ya kasi itong magtrabaho. Pulido at hindi paulit-ulit. Hindi s'ya nanligaw kahit kailan, dahil s'ya ang tipo ng lalakeng kayang maghintay ng tamang babae sa tamang panahon at hindi n'ya pa nakikita 'yun.

Napapalibutan si Gab ng naggagandahang babae pero tila mga magagandang dekorasyon lang ito sa paningin n'ya. Hindi na mabilang ang mga babaeng nagtangkang paibigin ito ngunit nabibigo lang dahil mas gusto nito ang magpayaman at palawakin pa ang minana nitong negosyo.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
RIAN
Thank you...
goodnovel comment avatar
Kimberly Relon Oyo-a
......... Gnda ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status