Share

IRISH "My Little Bride"
IRISH "My Little Bride"
Author: RIAN

Chapter 1

"Traffic na naman!" Tumingin sa labas ng bintana si Gab. 

"Araw-araw na hong ganito dito Sir." Naiiling na sumagot ang driver ng binata na si Mang Janno. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan.

Tumingin siya sa suot na wristwatch. Alas-singko pasado na pero nasa gitna pa sila ng mala-parking lot na kahabaan ng Marcos Highway. Alas-tres ang dating ng eroplanong sinakyan ni Irish, ang kinakapatid na susunduin sa International Airport. Gusto niyang makadama ng pagkainis sa Mommy niya kung bakit siya pa ang inutusang sumundo sa inaanak nito?

Napabuntong-hininga si Gab ng matanaw mula sa malayo ang kinakapatid na ngayon ay dalagang-dalaga na. Nakasuot ito ng white croptop blouse na nagpalitaw ng pusod nito at denim mini-skirt na ilang pulgada na lang ang haba mula sa tuhod. Kulay puti din ang suot nitong rubber shoes.

Halata ang impluwensya ng modernong pananamit ng mga banyagang nakasalamuha nito sa paglaki. Naka-ponytail ang hanggang balikat na buhok na hindi n'ya maintindihan kung bakit light-green ang napili nitong ipinakulay sa alun-alon nitong buhok.

Ngumiti ito nang lapitan n'ya. "Kuya Gab?" Tumango lang s'ya at iginiya ito pasakay sa sasakyan. Bakas sa mukha ng binata ang pagkadisgusto sa kaharap. 

"Hindi ka ba masayang makita ako?" Tinapunan n'ya lang ito nang blangkong ekspresyon, ang lapad ng ngiti ni Irish na lalo niyang ikinairita. 

"Masaya." Sagot n'ya kahit naiinis siya sa feeling-close nitong gesture gayung ngayon na lang ulit sila nagkita pagkalipas ng maraming taon. 

"Excited na akong makita si Ninang!" Nagulat s'yang matatas itong magtagalog kahit pa may accent na ito ng banyagang kinalak'han.

"Namiss kita Kuya..."

Nakita n'yang ngumuso ito nang hindi s'ya sumagot nanatiling nakatuon ang atensiyon n'ya sa tinatahak ng Honda Civic na sinasakyan nila.

"Kumusta ka na kuya?" Hindi maalis-alis ang ngiti nito.

"Irish sa bahay na tayo mag usap." Pasuplado niyang asik.

Bahagya itong natigilan pero parang batang sinaway ng mga magulang na tumahimik naman ito at naging abala na sa hawak nitong cellphone. Palihim niyang sinisipat sa salamin ang hitsura at ayos nito, gusto niyang mapailing.

Naglayag ang isipan ni Gab habang abala si Irish na pagmasdan ang mga nadadaanan. Hindi pa rin makapaniwala si Gab na ang isang gaya n'ya pakakasal sa ganito kabata na parang kaaawat lang sa dede ng ina.

Nang mamatay ang ama ni Irish wala itong ibang hiniling kundi ang pakasalan n'ya ang anak nito na kaisa-isa ring tagapagmana ng mga magulang nito. Pero hindi ito ang tipo n'ya. Gusto n'ya ng babaeng sopistikada at independent at hindi ang gaya ni Irish, mukhang hindi mabubuhay ng walang yaya at maid.

Pumasok sa isang maluwang na bakuran ang kotse ni Gab. Nagkakandahaba ang leeg ni Irish na silipin mula sa tinted na salamin ang paligid ng bahay. Gustong mapailing ni Gab para kasi itong batang dinala sa isang paborito nitong pasyalan.  Napa-yehey pa ito habang nagmadaling bumaba ng kotse.

Tuwang-tuwa ang mommy ni Gab nang makita ang dalaga. Halata ang pananabik na nagyakapan ang magninang at nakalimutan na ang presensiya ni Gab. Magkasabay na pumasok nang bahay ang dalawa habang nakasunod ang binata.

Dumeretso sa kusina ang magninang, parang batang napatakbo si Irish sa harap ng dining table. Puro paborito niya ang nakahain, parang batang hinipan nito ang candle na may sindi sa ibabaw ng chocolate cake. Ang luwang ng ngiti nito.

"Thank you ninang..." 

"I missed you so much..." Maluha-luha pa si Mely  at muling niyakap ang anak-anakan.

Tumikhim si Gab. Tila napansin naman nang dalawa ang presensiya n'ya.

"Nagkakuwentuhan na ba kayo ni Gab?" kay Irish ito muling tumingin.

Awtomatikong lumingon si Irish sa kinatatayuan ni Gab at nagkasalubungan ang tingin nila. Nawala ang ngiti sa labi ni Irish nang makitang hindi ito masaya.

"Yes Ninang." Nag iwas ng tingin ang dalaga dahil pakiramdam n'ya,  ano mang oras ay kakainin s'ya nito ng buhay. Kanina n'ya pa napapansing naiinis sa kan'ya si Gab at hindi n'ya maintindihan kung bakit?

Umupo ito sa tapat niya at nagsandok ng pagkain nito habang ipinagsasandok naman si Irish ng kaniyang ninang. 

"Yung gagamitin mong kwarto sa itaas ready na anak ha. Pwede ka ng magpahinga pagkatapos mong kumain." sunod-sunod ang bilin ng mommy ni Gab. Hindi ito magkandatuto sa pag aasikaso sa inaanak. 

"Sige po." narinig niyang sagot ni Irish. Naiiling na pinagmasdan ni Gab ang mga ito, magkasundong-magkasundo talaga ang dalawa. 

"Kapag nagutom ka. May mga binili akong paborito mong pang midnight's snack bumaba ka lang ha." hindi nawawala ang ngiti ng mommy ni Gab. 

"Yes Ninang. Ahm. . . Kuya Gab pwede ba tayong magkwentuhan mamaya?" baling ni Irish sa binatang abala sa pagkain.

"Pagod ako." ni hindi nito sinulyapan ang dalaga.

"S-sige sa sunod na lang kuya kapag hindi ka na pagod." 

Tinapunan ito nang masamang tingin ni Gab na ikinayuko nito saka tinapos ang pagkain.

"Gab..." Tawag ni Mely sa anak pero tumayo na ito at hindi pinansin ang ina saka iniwan sila. "O kumain ka pa?" Binalingan na lamang ni Mely ang inaanak.

"Sobrang sarap nyo po talaga magluto ninang. Grabe nabusog ako" Puri ni Irish sa mga inihanda nitong pagkain bahagya pang hinaplos ng dalaga ang tiyan na bundat na sa dami nang kinain nito.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa nang bumalik si Gab. Kababakasan pa rin nang pagkairita ang seryoso nitong mukha.

"Mom, can we talk?" Kapwa napalingon ang dalawa.

Bihis na si Gab at presko na ito sa white T-shirt at urban short. Dumako ang paningin ni Gab sa dalagang nagdadalawang-isip kung ngingitian ba siya o mananatiling nakatingin na lang?

"Iwan mo na muna kami ni Mommy." Utos niya rito na ipinahalata ang pagkainis.

Tumayo si Irish at h*****k sa pisngi ng ina ni Gab saka iniwan ang mag-ina. Umakyat na ito sa ikalawang palapag ng bahay.

"Gab, ayokong makipagtalo." Napabuntong-hininga si Mely. Ilang taon na ba nilang pinagtatalunan ang pagpapakasal nito kay Irish. 

"Mom, talaga bang ipapakasal n'yo ako sa batang 'yun?" May diin ang boses ni Gab.

"Hindi na siya bata, can't you see na dalaga na si Irish. Nasa tamang edad na kayo. And besides nangako ka sa Daddy ni Irish."

Hindi sumisigaw ang mommy niya pero kapag ayaw nitong makipagtalo napipilitan itong magtaas ng boses. 

"Mom sa gitna ng modernong panahon at talagang naniniwala pa kayo sa pangakong ganyan? Napaka-tradisyunal ng mindset niyo."Napatiim-bagang si Gab.

"Sige sabihin mo 'yan sa Tita Amanda at Tito Alfred mo!" Nagtaas agad ng boses ang mommy n'ya. Iisa ang ibig sabihin 'nun hindi ito magpapatalo. Inis na iniwan n'ya ito. Hindi pa s'ya nanalo sa ina kahit kailan.

Umakyat s'ya sa ikalawang palapag ng bahay at inis na binuksan ang pinto. Lalo s'yang naimbyerna ng makita mula sa bukas na silid ang dalagang nakatihaya at komportable ito habang nakahiga sa kama. Dagli itong bumangon nang makita siya.

"Hi kuya!" Seryosong tinitigan n'ya ito. Hindi niya ibinalik ang matamis nitong ngiti lalo lang s'yang naiinis sa tila kainosentehan nito. Hindi ba nito nararamdamang naiinis s'ya rito?

"Matuto kang magsara ng pinto!" asik n'ya.

Ngumuso lang ito. Mukhang spoiled pa na alagain. Hays!

Inis na pumasok s'ya ng silid. Ilang linggo mula ngayon ikakasal na s'ya rito. Nakaplano na ang buhay n'ya. Plinano na ng mga magulang. Pero wala siyang magawa kundi sundin ang mga ito. Nagpalit s'ya ng pantulog at pumili ng ilang books na maaaring basahin. Magpapaantok muna s'ya at pilit na kakalimutan ang nakatakdang pagpapakasal.

Nakakadalawang pahina pa lang s'ya sa binabasa ng marinig ang malakas na tili mula sa katapat na silid. Mabilis s'yang lumabas ng silid at tinungo ang pinanggalingan ng tili. Mabuti na lamang at matigas ang ulo nito dahil hindi ito naglock ng silid kaya nabuksan niya agad.

"Anong nangyari?" 

Awtomatikong lumingon ito. Nagtakip ito ng bibig at namilog ang mga mata.

"Naistorbo ba kita Kuya Gab?" Tila nagulat pa ito.

"Sumigaw ka ng pagkalakas-lakas tapos itatanong mo kung naistorbo mo ako?" Gusto n'ya itong singhalan pero baka marinig ng mommy n'ya.

"Sorry. . ." Nag peace sign ito. "Si Ji Chang-Wook kasi eh."

"Ano?" Kumunot ang noo ni Gab, ipinakita nito ang pinanonood sa laptop. Inis na tinitigan n'ya ito."

"Dahil lang sa korean-novela Irish?" Naisuklay ng binata sa buhok ang palad. Ganito ba talaga ang ipapakasal sa kaniya? Asal-bata?

"Sorry Kuya Gab, kinilig kasi ako eh." Inis na tinalikuran n'ya ito.

"Maglock ka ng pinto Irish." 

"Alright, Kuya." Malambing ang boses nito, muli n'ya itong nilingon.

"Pakiusap kung kikiligin ka pwede bang huwag ka ng sumigaw." Tumango lang ito at ngumiti. Naiiling na bumalik s'ya ng silid. Kung ganito ang pakakasalan n'ya paano n'ya naman ito pakikisamahan araw-araw? Hays...

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha masaya kasama si Irish gab
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
hahaha tatanda ka ng maaga gab ...
goodnovel comment avatar
Alona Inmenzo Orozco
gusto ko ito story n ganito.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status