Share

Chapter 7

"Dito ka naman matutulog sa kwarto ko?" Tumango si Irish, ang luwang ng ngiti. Nakasuot na ito ng ternong pantulog. Napakamot sa ulo si Gab.

"Irish, lumipat ka sa kabilang kwarto!"

"Hindi nga ako sanay na walang kasama eh."

"Sa sofa na lang ako." Tila ayaw talagang sumunod.

"Irish lalake pa din ako." Paano niya ba ipapaliwanag na normal siyang lalake? At baka matukso siya. 

Kulit talaga.

"Hindi ka ganun."

"Hindi ako lalake?" Tumawa ito.

"Gentleman ka." Huwag kang pakasisiguro, aniya ng isip niya.

Mabilis itong tumalon sa kama at niyakap ang unan.

"Goodnight."

Naiiling na kinuha niya ang kumot sa tabi nito at pumuwesto sa malapad na sofa.

"Eh pwede naman kasing magshare tayo sa kama, magkatabi na nga tayo kagabi ah."

Inis na sinulyapan ito ni Gab. Hindi naman ito mukhang liberated. Ayaw niyang mag isip ng kung anu-ano, pero napapaisip siya kung may experience na ito dahil tila komportable na may kasamang lalake sa iisang silid.

Muli niya itong sinulyapan. Tila mahimbing na itong natutulog. Dahan-dahan siyang lumapit at tumayo sa tapat nito at pinagmasdan ang maamo nitong mukha.

Itinaas niya ang kumot mula sa paanan nito at kinumutan.

"Thank you Gab." Nagulat ang binata at nabitiwan ang kumot. Pero nakapikit pa din ito. Naiiling na bumalik siya sa sofa. Binuksan ang laptop at nagsimulang magtrabaho. Workaholic si Gab, hindi siya sanay ng walang ginagawa kahit pa nasa bahay lang. May natitira pa siyang isang Linggo bago bumalik sa opisina na pansamantalang ipinagkatiwala sa assistant.

Tumayo siya at nagsalin ng wine sa baso at inilapag sa mesa. Kasabay ng pagbabasa ng email ang pakonti-konting pag inom ng wine na madalas niyang gawin kapag nagpapaantok siya. Pero tila naninibago siya ng sandaling 'yun dahil may kasama na siya sa iisang silid.

Naiiling na tiningnan niya ito mula sa kinauupuan. 

"Hindi ka pa ba matutulog?" Dumilat ito.

"Marami pa akong dapat tapusin."

Bumangon ang asawa at umupo sa tabi n'ya.

"Irish, ayokong naiistorbo sa trabaho."

"Manonood lang ako, promise."

Napabuntong-hininga si Gab.

"Matulog ka na!"

"Kapag natalo mo ako sa scrabble." Nakangiti ito na tila naghahamon.

Inis na shinutdown n'ya ang laptop at matiim itong tinitigan.

"Hinahamon mo ba ako?"

Nakakunot ang noo ng asawa habang nakaplaster pa rin sa labi ang pilyang ngiti.

"O ano? Tama yata ako eh, mahina ka sa spelling?" 

"Let see!" 

Masiglang kinuha ni Irish ang scrabble board. At nagsimula silang maglaro.

"Ay bakit ang daya!" Humahagikgik nitong sinilip ang hawak na phone ni Gab. Nakita nitong nasa g****e app ito.

"Guide lang ha ha ha..." 

"Ay walang ganyan!" Ngumuso ang asawa. Tuwang-tuwa si Gab habang pinagmamasdan ito. 

"Ops talo ka!" 

"Eh, madaya ka eh!" 

"Matulog ka na, ha ha ha..."

"Isa pa." 

Nagtaas ng kamay si Gab. 

"Ayoko na, matutulog na ako." Tumayo siya at iniwan ito. Pero mas mabilis itong nakasampa sa kama.

Naiiling na tinalikuran n'ya ito. 

"Knock knock!" 

"Matulog ka na!"

"Knock knock nga!" 

"Alright, who's there?"

"Fish."

"Fish who?"

"Fish be with you! Good Night!" Ang lakas ng tawa ni Irish. Ewan ni Gab? Pero napangiti s'ya nito.

"Alright, Knock knock!" 

"Who's there?"

"The one."

Humagikgik ito saka sumagot. "The one who?"

"The one ko sayo, The-mi mo alam." 

Mas lumakas ang tawa nito, at hindi n'ya napigilang hindi ito sabayang humalakhak. Pakiramdam ni Gab bumabalik s'ya sa pagkabata. Hindi n'ya maikakailang napapasaya s'ya nito.

"Isa pa." Hirit nito.

"No, matulog na tayo!" 

"Last na ito, promise. Knock knock!"

"Who's there?"

"Old man."

"Irish ha!"

"Sige na, please..."

"Who's there?"

"You!" 

"Me?" 

"Yeah!" Ang lakas ng tawa nito.

"Ah ganun!" Napipikong niyakap n'ya ito at kiniliti. Panay ang tili ni Irish habang umiiwas. Napuno ng halakhakan ang silid. Nagpagulong-gulong sila sa kama at dahil sa pagpupumiglas ng asawa ay nahulog ito sa kama habang nakapatong s'ya rito. 

Kapwa sila natigilan nang magkasalubong ang paningin. Bumilis ang pagpintig ng puso ni Irish. Nanatili sila sa ganung posisyon, nakakubabaw sa kan'ya si Gab habang nasa ilalim s'ya nito. Pareho silang nawalan ng imik at nanatiling nakatitig sa isa't-isa.  Halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Napalunok si Gab nang mapatitig sa mapupulang labi ng asawa. Tila may magnet ang mga labi ni Irish na tila humihila sa kan'ya.

Napapikit si Irish nang tawirin n'ya ang ilang pulgadang pagitan nila. Mabilis na sinakop ng labi ni Gab ang mga labi n'ya, dampi 'nung una pero lumalim ito. Awtomatikong naibuka ni Irish ang bibig na sinamantala ni Gab at tila nagsaliksik pa ito. Napasinghap si Irish nang bitiwan nito ang labi n'ya pero binigyan lang pala siya nito ng pagkakataong huminga at muli itong sinakop ng bibig ni Gab.

Napakapit siya sa batok nito na ikinaungol nito. Gumapang ang h***k ni Gab sa kan'yang mukha at tuluyan na siyang nadarang sa init na hatid ng asawa. Humihigpit ang yakap ni Irish na tila nagpagising sa diwa ni Gab. Kung gaano ito kabilis natuksong h***kan siya ay ganun 'din ito kabilis na natauhan.

Mabilis itong bumangon at umalis sa ibabaw ng asawa.

"I'm so sorry..."

Nanatiling nakatingin si Irish. Maging siya ay hindi makapaniwala. Hindi man lang siya tumanggi at tila nagustuhan n'ya pa.

"W*-wala ka namang kasalanan."

"No, mali ako. Sa sofa na ako matutulog." Tumalikod na si Gab at tinungo ang sofa ng silid.

Naiwang nanatiling nakaupo si Irish. Tila kaybilis ng pangyayari. Sumikdo ang d****b n'ya. Bakit parang may puwang na sa puso n'ya si Gab? Sa simula pa lang alam n'yang kuya ang turing n'ya rito. Kuyang magpuprotekta sa ka'nya tulad ng sinabi ng kaniyang Daddy Alfred.

Kinapa n'ya ang damdamin. Dama n'ya ang pag-usbong ng kakaibang damdamin para sa asawa. Damdaming alam n'yang matutuwa ang kani-kanilang mga magulang. Ang matutunan n'yang mahalin ang lalakeng pinakasalan. At tila unti-unting natutupad ang pangako n'ya sa kaniyang Daddy ang mahalin ang lalakeng ninais nitong mapangasawa n'ya at dapat n'yang makasama habang-buhay. 

Tumayo si Irish at humiga sa kama patalikod sa sofang kinahihigaan ng asawa, namumulang nagtalukbong s'ya ng kumot nang biglang maalala kung paano siya nito hinalikan? Impit siyang napatili.

"Hindi ka na teen-ager, Irish!" Narinig n'yang saway nito. Pero sa halip na ikasimangot ay ikinangiti niya.

Palihim namang gumuhit ang ngiti sa labi ni Gab bago tuluyang pumikit at makatulog.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ay naku salamat naman ana tuloy tuloy na kayo
goodnovel comment avatar
RIAN
Ay hala hehehe...️
goodnovel comment avatar
Jho B. Pimentel
Kilig ang lola nyo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status