Share

His old maid secretary
His old maid secretary
Author: KokoyIsMyLife

Kabanata 1

"Ala'y sinong nasa c.r?" tanong ni Sylvia habang palapit sa pinto ng banyo.

"Si Spike," tugon naman ng kaniyang inang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Nayayamot siyang kumamot sa buhok. Saglit niyang sinulyapan ang wall clock. Hindi siya pwedeng ma-late o maunahan man lang ng kaniyang boss.

"Spike!" Katok niya sa pinto.

Nang walang sumagot ay itinapat niya ang kaliwang tenga sa pinto. Sumasabay pa ang bunso niyang kapatid sa rap na tumutugtog mula sa cellphone nito.

"Spike! Dalian mo riyan! Ala'y Hindi ako pwedeng ma-late. Patay ako sa bagito kong boss!" hurimintado ni Sylvia habang sunod-sunod ang malalakas na katok.

"Ano ba'ng problema mo?" bahagyang sinilip lang ng kapatid niya ang ulo sa bukas na pinto.

"Ikaw! Lumabas ka na riyan! Kailangan ko ng maligo at mahuhuli ako!"

"Ala'y bakit kasi tanghali ka na magising?" sagot pa nito.

"E, bakit nasagot ka pa? Lumabas ka na riyan. Huwag ka ng magsasatsat!"

Nang lumabas si Spike ay nagmadali na si Sylvia na pumasok sa banyo. Ligong uwak na lang ang ginawa niya para mas mabilis.

Nagbihis at nagsakbit na siya ng kaniyang bag. Habang naglalakad ay sinusuot niya ang kaniyang plum shoes.

"Inang, mauna na ako!" paalam niya nang makababa ng hagdan at nagmano sa ina.

"Hindi ka na ba mag-aalmusal?" tanong nito.

"Ala'y, hindi na. Late na nga ho ako."

"Nasaan si Spike? Magpapahatid ako sa kaniya?"

Mabilis na nilibot ni Sylvia ang mga mata para hanapin ang bunsong kapatid. Dumaan ang kaniyang kuya na si Sol naatubili sa pagse-served ng mga customer.

Sa ibabang bahay nila ay ang maliit nilang 'Batangas Flavor' kung saan nagse-served sila ng mga tatak Batangas na pagkain. Katulad ng kapeng barako, sinaing na tulingan at kung anu-ano pa.

Lehitimong Batangueño at Batangueña sila kaya nang lumipat dito sa Manila ay ito ang naisip nilang business.

"Kuya Sol, si Spike?"

"Nasa labas na, kanina pa. Magde-deliever iyon."

"Bwisit na bagets 'yon! Ang sabi ko, hintayin ako!" naiinis niyang wika at tuluyan nang lumabas.

"Aray! Ano ba?!"

"Bata ka pa pero bingi at makakalimutin ka na!"

"Bakit ba?!" asik ni Spike habang hinihimas ang brasong hinampas niya.

"Hindi ba sabi ko sa iyo, hintayinn mo ako?" sagot ni Sylvia habang umuupo sa likod ng scooter motor ng kapatid.

"Bakit kasi hindi ka na lang mag-taxi?" patuloy nitong reklamo habang nagmamaneho.

"Bakit ayaw mo ba akong isabay?" daldal pa rin ni Sylvia sa likod.

Sandaling inayos niya ang pagkakaupo. Kung hindi lang siya talaga tatanghaliin ay sasakay na lang siya ng taxi. Pahirapan din kasing mag-back ride na suot ang pencil skirt.

"Baka may makakita pa sa akin, sabihin may girlfriend akong matanda!"

Agad niyang binatukan ang ulo nito sa inis ay makalimutan na niyang nagmamaneho ito.

"Ala'y, bastos ereng bata ha?!'

"Ayos-ayusin mo Spike ha, parang hindi mo ako ate ha?!" singhal niya sa likod kahit na nakakain na niya ang ilang hibla ng buhok dahil sa sobrang lakas ng hangin.

"Totoo lang nama-"

"Hindi ka pa titigil?! Itutulak kita riyan!" agap ni Sylvia sa kapatid.

Nang huminto ang motor ay awtomatikong bumaba siya at umakyat sa hagdan.

"Ate!" tawag ni Spike.

Galit siyang humarap dito at halos malaglag ang eye ball sa pagkakadumilat.

"Ano na naman?!"

"Iyong helmet," patamad nitong tugon.

Natigilan si Sylvia bahagyang umangat ang tingin, suot pa nga niya ang helmet.

My God! Tumatanda na nga yata siya!

Nagkukumahog siyang umakyat ng hagdan. Wala na siyang oras para ayusin ang nakatali niyang buhok. Ang goal niya maunahan niya ang kaniyang boss.

"Good morning, Miss S!" bati ng mga co-workers na nasasalubong niya.

Nang buksan ni Sylvia ang pinto ng office nila ay naabutan niya ang mga kasamahan na nakaupo na sa mga sari-sariling desk.

"Ang aga, haggard?!" bungad at natatawang bati ni Lorie, ang kaniyang bestfriend since college.

Ang mga mata niya ay nakatuon sa office ng kaniyang boss dahil glass wall ay visible ang nasa loob.

"Nariyan na ba si Hudas? I mean, si Boss?" Hinihingal niyang tanong habang pagod na naglalakad palapit sa sariling desk.

"Waley pa, kaya relax!"

Nahahapong ibinagsak ni Sylvia ang sarili sa swivel chair matapos ibaba ang tote bag. Kung sa araw na ito ay nauna ang kaniyang boss ay masisira ang dalawang taon niya bilang sekretarya nito.

"Ano ba 'yang hitsura mo?" asar naman ni Gabe sa kaniya at umupo sa ibabaw ng mesa niya.

"Wow! Talagang galing sa iyo 'yan?!" bwisit niyang tanong sa binabae niyang kaibigan at hinarap ang sarili sa isang maliit na salamin na nasa ibabaw ng kaniyang desk.

"Girl, kahit ganito ako, mas maganda pa rin ako sa iyo. At hamak na mas bata kaysa sa iyo."

Nag-apiran pa sina Gabe at Lorie na para bang hindi siya kaibigan kung apihin.

"Ngayon pa lang, umalis na kayo sa harapan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay malamutak ko iyang malaking mukha mo!"

"Joke lang, ito naman hindi na mabiro," bawi agad ni Gabe.

"Jokes are half meant true," seryosong tugon ni Sylvia habang padabog na inaayos ang mga gamit sa desk.

"Ay, ang seryoso naman agad ni Ate. Binibiro lang, iba talaga 'pag nagkaka-edad," sambit pa rin ni Gabe.

Bubuka pa lang niya ang bibig para sumagot nang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok ang kanilang kasamahan.

"Nariyan na si Boss!" malakas na anunsiyo nito.

Para silang ipo-ipo sa bilis kung kumilos.

Kaniya-kaniya silang balik sa lamesa at tumindig ng diretso.

At nang muling bumukas ang pinto ay inuluwa ang isang binata. Pormal at napakalinis tingnan sa suot na suit and tie with round sunglasses.

Meet Troye Matthew Ledesma. The youngest son of one of the most successful business personalities, Gordon and Liyan Ledesma.

"Good morning, Sir!" magalang na bati ng bawat isa na pirming nakatayo at bahagyang nakatungo.

Dire-diretso lang si Troye patungo sa kaniyang office. Nang mapatapat sa desk ng sekretarya ay saglit itong luminga.

"Miss Dimaculangan, in my office now."

Pilit na ngumiti si Sylvia at tumango. Kahit na gusto ng tumaas ang sulok ng kaniyang labi dahil sa bwisit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status