Tumango-tango si Troye habang nakataas ang sulok ng labi. Sa sobrang seryoso ng pag-uusap ng mga empleyado niya ay hindi na namalayan ng mga ito ang pagdating niya.
At dinig na dinig niya ang mga sinasabi ng kaniyang butihing sekretarya.
Naalarmang tumayo si Sylvia, sandaling siniglayan niya ang mga kaibigan. Yukong-yuko ang mga ito at kunyaring atubiling-atubili sa pagkain. Muli niyang binalikan ng tingin ang kaniyang boss.
"Narinig ninyo po ba ang sinabi ko?"
"Yep. Hindi mo naman ako kasing-tanda para mabingi," kaswal na tugon nito.
Peke siyang tumawa at hinampas sa balikat ang amo. Nakita niya ang paglipad ng masamang tingin ng binata sa parteng hinamapas niya kaya agad siyang pumormal.
"Anyway, Sir. Ano po ba'ng ginagawa ninyo rito? Do you need anything?"
"Maglu-lunch ako sa labas. Don't ever try to call me or bother me, a'ight?"
"If you need anything or you need to tell me something. Hintayin mo na lang ako sa office. Got it?" pormal nitong bilin at bahagya pang ibinaba ang mukha para mapatapat sa mukha ni Sylvia.
"I got you, Sir. Enjoy your lunch."
Sandaling tinitigan ni Troye ang mukha ng sekretarya. Kung 6'2 ang height niya, sa tantiya niya ay 5'4 ito. Hindi naman pangit ang sekretarya niya, iyon nga lang hindi rin maganda.
Kung ilalarawan niya nga ito ay simple pero may espesyal sa pagkatao nito.
Kung tutuusin ay itim lang ang hanggang balikat na buhok ni Sylvia. Katamtaman ang katawan, ang isa sa mga gusto niyang parte ng mukha nito ay ang mga mata, lalo na sa tuwing lumalaki sa galit sa tuwing inaasar niya.
Minsan na rin tinangka ni Troye na kurutin ang may katabaang pisngi ng secretary pero agad itong nakaiwas. Hindi man ito kagandahan pero masarap pa rin pagmasdan.
Para sa kaniya ang gandang mayroon ang sekretarya ay maihahalintulad niya sa kalikasan.
Natural.
"Bakit po kayo nakatitig, Sir?" takang tanong ni Sylvia matapos mapansin na nakatulala ang kaniyang boss sa mukha niya.
Palihim naman nag-angat ng paningin sina Lorie, Gabe at Patrick.
Napaatras siya nang ilapit ni Troye ang mukha sa kaniya habang nakatitig ng seryoso sa kaniyang mga mata.
"S-sir."
"Ano ba'ng trip ninyo?" nagkakandabulol ang dila niya sa pagtatanong habang inilalayo ang mukha.
"Is that wrinkles?" blankong ekspresyong na usisa nito.
Mabilis na lumayo pa ng husto si Sylvia. Awtomatikong tumindig naman ng diretso si Troye at inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na black slacks.
"Bye everyone, enjoy your lunch! And after that, go back to your work. Doon ninyo na ituloy ang tsimisan ninyo!" wika nito at kaswal na tumalikod.
Napapadyak na lamang siya dahil sa inis habang sinusundan ng nakasusuyang tingin ang boss.
"Anong nakatatawa?" singhal ni Sylvia sa mga kaibigan na palihim na natawa.
"Wala!" guilty reaksyon ng mga ito.
"Magde-dessert pa sana ako, nauyam na ako sa inyo!" Hinablot niya ang tupperware niya at tumalikod.
"Kapag talikod ko, 'pag tapos ninyo na akong pagtsismisan ay huwag ninyo munang babasain ang mga bibig ninyo at baka mapasma ang mga iyan!"
"Lalo na 'yong sa iyo, Gabe. Malaki pa naman iyan!" litanya ni Sylvia bago lumabas.
"Hello, babe!" parang ahas na lumingkis ang isang babae kay Troye.
Hindi naman tinanggihan ng binata ang warm welcome na iyon. Agad silang nagdiretso sa isang lamesa. Nasa isa silang Chinese restaurant at kasama niya ngayon ay ang kagabing kasayaw niya lang sa bar.
"Nag-order ka na, Lin?" pa-cute na tanong niya nang makaupo sila.
"It's Chin, babe," Nakangiti pa ring pagtatama nito sa kaniya.
"Oh, yes! I'm sorry, babe! You look like my old friend, Lin kasi," palusot ng binata.
Sa totoo lang ay hindi niya alam ang pangalan ng ka-date niya. Hindi niya rin alam kung pang-ilan ito sa listahan niya. Iisang hitsura lang naman kasi ng mga babae ang nakatatagpo niya sa bar.
Maputi, makinis, at sexy.
"It's okay, babe. Let's eat?" maarteng alok nito kasabay ng malagkit na tingin sa kaniya.
"Alright," Abot-tengang ngiting tugon ni Troye at kumindat pa.
Habang atubili sa pagsagot ng mga tawag si Sylvia sa telepono ay napatingin siya sa sariling cellphone.
Hudas calling?
Kahit na nakatapat pa sa tenga ang telepono at may kausap ay sinagot pa rin niya ang tawag nito. At sa kabilang tenga niya idinikit.
"Hello, Sir?"
"Miss Dimaculangan."
"Yes, Sir. Your meeting with the CEO of Ledesma Company will be tommorow morning."
"Where and when?" tanong ng kausap ni Sylvia sa telepono.
"At River Side Restaurant. 9 in the morning."
"Miss Dimaculangan, do you hear me?" nayayamot na singit naman ni Troye sa kabilang linya.
"Can we move 10 in the morning?" request ng investor.
"Can you come over here?" tanong naman ng kaniyang boss.
"What?!" mataas agad ang boses ni Troye na paikot-ikot na naglalakad tapat ng sasakyan.
Napasulyap si Sylvia sa hawak na telepono at cellphone. Agad niyang ibinaba ang linya ng kaniyang boss.
"Hello, Mr. Aviendo. I'm sorry, can I call you later?"
"Sure!"
Nang matapos siyang magpasalamat at maibaba ang hawak na telepono. Awtomatikong hinagip niya ang cellphone.
"Sir?"
"Hindi mo susundin ang utos ko?" galit na tono nito.
"Calm down, Sir. Hindi para sa inyo ang sagot na iyon. May kausap ako sa telepono, investor. Okay?"
Tila natahimik naman si Troye bago huminga ng malalim. Tinanw niya mula sa loob ng restaurant ang ka-date. Kung mamalasin nga naman ay naiwan niya ang kaniyang wallet kaya nagpaalam muna siya rito para tawagan ang sekretarya.
"I think I left my wallet inside the office," mahina niyang saad.
Narinig niyang tumawa ng malutong si Sylvia sa kabilang linya. Kaya agad na nagdugtong ang kilay ng binata.
"What's funny, Miss Dimaculangan?"
"Wala naman," nang-aasar na tugon nito.
"I don't have enough time to argue with you. So just check my wallet and bring it here."
"Saan ba kayong lupalop nag-lunch?"
"Sa Chinese Restaurant, remember 'yong meeting place with Mr. Go?"
"What? Napakalayo naman? Diyan pa talaga kayo kumain, marami namang restaurant sa paligid nitong building ha?!" daldal niya habang hinahanap ang wallet nito sa loob ng office.
"I"ll give you five minutes, bye."Mariing napapikit si Sylvia nang busy tone na lang ang narinig sa kabilang linya."Bwisit talaga," nayayamot niyang sambit kasabay nang pagbaba ng cellphone."No, it's on me!" boluntaryong pagbabayad ng ka-date n Troye."Okay lang. Ako na!"Nakangiwing pinagmamasdan ng binata ang paglabas nang pera ng dalaga sa wallet para magbayad. Gusto na lang niyang magpakain ngayon sa lupa dahil sa sobrang hiya.First time niyang babae pa mismo ang nagbayad ng order nila. God, he is a well-known CEO on this generation and yet, he can't pay for simple bills!"It's alright. You can treat me next time," makuhulugang saad ni Chin at hinagod ng makalagkit na tingin ang binata.Halos magkandarapa si Sylvia palapit sa restaurant. Tagaktak din ang pawis sa lahat ng parte ng katawan ng dalaga."Impakto talaga iyang boss ko! Hindi na naawa. Ang init kaya sa Pilipinas, tapos tatawagan niya ako ng ala-una para lang ipadala 'tong letseng wallet niya?" namumula at galit na pa
Bagsak ang mga balikat na umuwi si Sylvia sa bahay. May iilang tao at kumakain at namimili."Ala'y ang aga mo!" bati ni Sol sa kaniya."Nariyan na ba si Sylvia?" narinig niyang tanong ng kaniyang ina mula sa itaas."Ere na inang!" sagot naman ng kaniyang kuya.Matamlay na tinapik ni Sylvia ang balikat ni Sol bago tuluyang umakyat sa hagdan."Bakit ang aga mo?" usisa ng kaniyang inang makasalubong niya sa hagdan."Wala lang po."Nasundan na lang ng tingin ni Sonia ang pangalawang anak. Naabutan ni Sylvia ang hipag sa sala. Karga-karga ang isang taong gulang niyang pamangkin na si Sophia."Ate," bati niya at napangiti nang makita ang magandang mukha ng bata."Himala! Hindi ka yata gabi na umuwi!"Lumapit siya rito at sinilip ang tulog na pamangkin. Bago itinuon ang mga mata sa asawa ng kapatid na si Jellie."Nabwisit ako sa bagito kong boss," kahit gustong sumigaw ni Sylvia ay pinigilan niya baka magising ang pamangkin.Inabot sa kaniya ni Jellie ang bata na agad naman niyang kinarga.
Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Sylvia habang nakatitig sa kisame. Kasalukuyan pa rin siyang nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot. Nang tumunog ang alarm clock ay wala pa rin sa sariling kinapa niya iyon sa side table.Nang mahawakan ay pinagmasdan niya ang bilog na alarm clock, patuloy ito sa pagtunog. Kumilos siya, at inilagay iyon sa ilalim ng unan. Bago muling ipinagpatuloy ang pagtulala sa kisame.Nagdadalawang-isip na siyang pumasok sa trabaho. Lalo na't sa tuwing sumasagi sa isip ang nagpag-usapan nila ng hipag na si Jellie."Ate!" Malakas at may bahid na inis ang boses ni Spike sa pagkatok ng pinto ni Sylvia.Isang masamang tingin ang ipinukol niya roon. Wala sana siyang balak sumagot, napilitan siya nang halos masira ang pinto ng kwarto niya dahil sa lakas ng kalampag doon ng bunsong kapatid."Bakit ba?!" asik niya."Hindi ka raw ba papasok, sabi ni Mama!" balik-sigaw nito.Napairap si Slyvia, at muli na namang nag-isip tungkol sa trabahong naghihintay sa kaniya.Pa
Umuusok ang ilong ni Sylvia dahil sa umaapaw na galit. Mukhang nanadya talaga ang boss niyang iyon. Isang matalim na tingin ang itinitig niya sa lamesa."Lorie, sinong nagdala nito?" seryosong-seryoso niyang aniya nang luminga sa kaibigan na agad nang nakabalik sa sariling lamesa na malapit lang sa kaniya."Ang alam ko, dinala ni Patrick 'yan," patay-malisyang sagot naman ni Lorie habang nagsasalamin, at naglalagay ng lipstick.Nanlilisik na mga mata ang binato ni Sylvia sa nakasaradong opisina ni Troye. Dinadagdagan talaga nito ang bwisit niya sa buhay trabahong mayroon siya.Tanggap naman niya ang maraming trabaho. Pero hindi ganitong, sandamakmak. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang mga folder.Walang ingat niya itong pinagbubuksan isa-isa, at walang ano-anong ibinabato niya ito sa gilid. May pagkakataon pa na napangingiti siya sa inis, lalo na sa tuwing nababasa ang laman ng folder.Dahil kahit hindi na sakop ng kaniyang trabaho ay naroon. Hindi magkamali si Lorie, lahat ng dapa
Hindi kumukurap ang mga mata ni Sylvia habang nakadako ang tingin sa wall clock na nakasabit sa isang gilid. Bawat paghinga niya ay katumbas ng pag-ikot ng kamay ng orasan.Hinampas niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa kasabay nang pagtayo nang tumapat ito sa orasan ng kanilang uwian. Parang mga tangang nakatulala sa kaniya ang mga nakapaligid na kasamahan.Buong kumpiyansang bumuga siya ng hangin. Hinawi ang likod patalikod, at lumipad ang matalas na mga mata sa nakasaradong pinto ng amo.Napatingala si Troye nang may kumatok. Katatayo lamang niya habang kinukuha ang cellphone. Oras na ng uwian, at kadalasan ay parang mga batang nagtatakbuhan ang mga empleyado niya para lang maunang makauwi.Kaya't sino kaya ang kumakatok?Nang muling tumunog ang pinto ay sandali niyang sinulyapan ang suot na wrist watch. Naiinis siyang kumamot sa maputing leeg."Come in," bahagyang nilagyan ng pagkairita ang himig.Tumikwas ang isang kilay ng binata nang iluwa ng nagbukas na pinto ay ang sekretary
Tiningan ni Troye si Sylvia tuwid sa mga mata.Hanggang sa unti-unti niyang nilukot gamit ang isang palad ang papel. Halata naman sa hitsura ng kaniyang sekretarya ang pagkabigla sa ginawa niya."You're kidding," matatag niyang paniniwala na nakapagkunotnoo rito.Buong lakas niyang ibinato ang bumilog na papel. At tumalsik iyon sa kung saan na agad na sinundan ng tingin ng sekretarya."Anong-" halos hindi alam ni Sylvia ang sasabihin sa ginawa ng amo.Nanlalaki ang 'di lang mga mata, lahat ng may butas na parte ng katawan niya dahil sa sobra-sobrang inis."I will not accept it."Pagkatapos ng mga salitang iyon ay basta na lamang lumayas ang binata. At naiwan siya sa loob, kulang na lamang gumuho ang pinto nang isara nito ng ubod ng lakas."Ang laki mo talagang tinik sa buhay ko," naiiyak niyang usal habang salat-salat ang noo.Nagpalipas si Sylvia nang ilang segundo sa loob. Inayos niya muna ang sarili bago lumabas. Nang mapihit ang seradura, at makaharap ay nakatayo ang mga kasamahan
Parang binabarena ang ulo ni Sylvia habang nakapikit. Kahit gustuhin niyang matulog ay gising na ang diwa niya. Pakiramdam niya ay may nakadagang kung anong mabigat sa magkabilang talukap ng mga mata niya nang buksan iyon.Malabo man ay alam niyang nasa loob siya ng silid. Wala sa sariling napatingin siya alarm clock, daig pa niya ang nakakita ng multo nang makita ang oras."Naku po," tanging saad niya, at halos lumipad ang kumot nang hawiin niya.Natatarantang tumayo si Sylvia, nang isuot ang pares ng tsinelas ay na out of balance pa siya dahil sa pagmamadali. Nang tuluyang maisuot ay nagmamadali pa rin siyang naglalakad.Hanggang sa matigilan siya ng kusa.Naging malikot ang mga mata niya habang may kung anong pilit na iniisip.Bakit ba siya nagkakandarapa sa pagmamadali?Saan ba siya pupunta?Saan ba siya papasok?Bilog na bilog ang itim niyang mga mata habang paatras pabalik sa kama. Dahan-dahan siyang umupo, at kumapit sa bed sheet.Natulala siya sa isang dako ng silid. Napahag
"Aba, ngayon ko lang yata nakita ang anak mo, Sonia!' bulalas ng suki nila sa kanilang tindahan.Ngumiti si Sylvia, at ipinagpatuloy ang paglalagay sa plastic ng mga binili nitong sinaing na tulingan. Inabot niya rito habang may matamis pa rin ngiting sa labi."Oo, huwag kang mag-alala. Madalas mo na 'yang makikita rito sa tindahan."Lumapit ang kaniyang ina sa tindahan. At sinuklian ang kaibigan nitong costumer. Pinagmamasdan pa rin siya ng ginang, tila ba pinag-aaralan ang mukha niya."May asawa na ba siya?" mahinang usisa nito kay Sonia, at lumapit pa sa kaniyang ina para siguro hindi niya marining ang tinatanong."Wala pa.""Bakit? Hindi ba, pangalawa sa panganay 'yan.""E, 'di may edad na 'yan. At pwedeng-pwede na mag-asawa," patuloy na sundot nito habang parang hahalikan na ang kaniyang ina sa sobrang lapit nito.Nagkatinginan si Slyvia, at Sonia. May kahulugan ang tingin nito dahilan para iiwas niya ang mga mata."Sige na, Sonia. Mauna na ako, at kakain pa nang pananghalian 'yo