Pabagsak na isinarado ni Troye ang pinto ng opisina. Inalis niya rin ang pagkakabutones ng itim na suit bago hinubad. Agad niya iyong ibinato nang ubod ng lakas sa sahig habang hingal na hingal dahil sa galit.Nagtungo siya sa glass wall, umaasang maiibasan ng magandang tanawin ang hindi niya kayang dalhin na emosyon.Bakit wala siyang makitang pagsisisi sa mukha ng dating sekretarya?Kahit konti, o lungkot man lang.Ganoon ba siya kasamang amo para hindi ma-appreciate nito ang samahan nila sa mga nakalipas na taon?"That old maid is unfair," gigil niyang bigkas."Sir!"Lumingon ang binata nang bumukas ang pinto. Pumasok si Amari sa loob habang may dalang folders."Don't you know how to knock on the door?" anas niya habang may patong-patong ang mga linya sa noo."I did, Sir. Before I went inside," kalmado nitong rason."You should wait for my response, if I will you let you in or not," pagtuturo niya rito bago inirapan.Dahil pakiramdam ng binata ay nanghihina siya ay nagtungo ito sa
"Benz," patamad na tawag ni Troye sa kaibigan na nakatalikod, at nag-aayos ng mga alak sa counter."Dude, whats good in the hood?" tuwang-tuwang sagot nito nang mapaharap sa kaniya.Dahil magbubukas pa ay walang masyadong customer ang bar ni Benzon. Nanatili pa rin ang blankong ekspresyon nang ihagis niya ang isang folder. Napatingin doon ang kaniyang kaibigan."Ano 'yan?" usisa nito habang may hawak na baso at pinupunasan iyon.Ang isang kamay ni Troye ay nasa loob ng bulsa. Tinatamad pa rin siyang umupo sa isa sa mga stool chair."Bakit ba ganiyan ka makatingin, galit ka ba?" nagtatakang wika ni Benzon."Why did you send that woman?" matabang niyang saad."Are you talking about, Amari?Tumango siya nang bahagya habang hindi pa rin inaalis ang mga matang walang mabasang nararamdaman niya sa loob."Cause you need a secretary, a new assistant."Nagpatuloy na si Benzon sa ginagawa. Habang siya ay nanood lamang dito. Sa maghapon na nagdaan ay pagod na pagod siya. Sa Mansion naman ay wala
"Ano 'yan, ha?"Awtomatikong ibinaba, at itinago ni Sylvia ang hawak na cellphone. Bago tiningala si Sol na galing sa likuran. Itinago niya ang pagkabigla, at pilit na sumeryoso."Wa-wala," nagkakandautal niyang sagot, at inilagay sa likod ang kamay na may hawak-hawak."Wala raw?" singit ni Spike na nasa harapan nila at nakain."Ilang araw ka ng tutok na tutok diyan sa cellphone mo. Baka kung ano na 'yan, ha?" panimulang pang-aasar ng nakatatandang kapatid."Wa-wala ito, nagbabasa lang ako ng-"Napatili si Sylvia nang basta na lamang may humablot ng cellphone niya mula sa likuran. Nang tingnan niya iyon ay si Spike ang may hawak, at kinukutkut na ito."Ano ka ba?!""Akin na nga 'yan!" agaw niya.Para silang mga batang nagkakasatan sa harap ng kanilang tindahan. Binabawi niya ang gamit pero dahil mas matangkad ang bunsong kapatid ay hindi niya iyon makuha."Spike, akin na 'yan!""Make me yours, and I'll make you mine app!" malakas, at nagsasalpukang mga kilay na pagbabasa nito."Ano?"
"Hello?""O, bakit?" asik niyang tugon sa pagtawag ni Gabe sa kaniya."Highblood naman agad 'to," nagtatampong himig ng kaibigan sa kabilang linya."Bakit ka napatawag?""Ala'y kung magmamaganda ka na naman para mag-deliver ako riyan. Hay, naku, ngayon pa lang, sorry na agad!"Patuloy lamang si Sylvia sa paglilinis ng lamesa. Maaga siyang nagising para agad na makatulong sa kanilang business. Sa hapon kasi ay kailangan na niyang magpunta sa date nila ng naka-matched."Ito naman. Napakasungit!""Nag-me-menopouse ka na ba ha?"Malamlam ang mga mata niyang ibinato ang hawak na basahang kasalukuyan niyang ipunupunas sa ibabaw no'n. Tumikwas ang kilay niya habang nakapameywang."Alam mo, ikaw, Gabe!""Lumayo-layo ka sa CEO ng Ledesma Company, kasi namamana mo na 'yong ugali niya," pikon niyang wika."Joke lang!""Bakit ba ang init-init ng ulo mo?!""Minsan na nga lang maglambing sa iyo, na dalhan mo kami rito ng kape, e.""Para naman makita ka namin, miss ko na rin kasi ang chikahan natin
"Ala'y sinong nasa c.r?" tanong ni Sylvia habang palapit sa pinto ng banyo. "Si Spike," tugon naman ng kaniyang inang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Nayayamot siyang kumamot sa buhok. Saglit niyang sinulyapan ang wall clock. Hindi siya pwedeng ma-late o maunahan man lang ng kaniyang boss. "Spike!" Katok niya sa pinto. Nang walang sumagot ay itinapat niya ang kaliwang tenga sa pinto. Sumasabay pa ang bunso niyang kapatid sa rap na tumutugtog mula sa cellphone nito. "Spike! Dalian mo riyan! Ala'y Hindi ako pwedeng ma-late. Patay ako sa bagito kong boss!" hurimintado ni Sylvia habang sunod-sunod ang malalakas na katok. "Ano ba'ng problema mo?" bahagyang sinilip lang ng kapatid niya ang ulo sa bukas na pinto."Ikaw! Lumabas ka na riyan! Kailangan ko ng maligo at mahuhuli ako!" "Ala'y bakit kasi tanghali ka na magising?" sagot pa nito. "E, bakit nasagot ka pa? Lumabas ka na riyan. Huwag ka ng magsasatsat!" Nang lumabas si Spike ay nagmadali na si Sylvia na pumasok sa banyo. Ligon
"Sir," magalang na bati ni Sylvia nang makapasok sa malamig na opisina ng amo."Coffee," seryosong utos nito habang iniikot-ikot ang swivel chair at may hawak na papel na tila binabasa."Iyong Starbucks po ba?"Binato lamang siya nito ng tingin agad naman siyang ngumiti. Alam naman niyang Starbucks ang lagi nitong iniinom. Gusto niya lang umasang magpapatimpla na lang ito sa kaniya, kasi naman napakalayo pa ng bilihan ng sosyal na kapeng paborito nito."Faster," maawtoridad nitong ulit.Napapikit si Sylvia dahil sa inis. Kailan ba ito makakadama ng awa o kahit pakisama man lang sa kaniya?Napatingin si Troye nang ibagsak ng sekretarya niya ang pinto. Dahil nakalabas na ito ay wala siyang nagawa kung 'di kagatin ang ibabang bahagi ng labi."Bwisit talaga," kausap niya sa sarili habang patamad na naglalakad palabas ng office."Kung alam niya lang kung gaano kalayo ang lintek na bilihan ng kape niya na iyon," reklamo niya."Good morning!" bati ni Patrick.Matuling napadako ang mga mata n
Tumango-tango si Troye habang nakataas ang sulok ng labi. Sa sobrang seryoso ng pag-uusap ng mga empleyado niya ay hindi na namalayan ng mga ito ang pagdating niya.At dinig na dinig niya ang mga sinasabi ng kaniyang butihing sekretarya. Naalarmang tumayo si Sylvia, sandaling siniglayan niya ang mga kaibigan. Yukong-yuko ang mga ito at kunyaring atubiling-atubili sa pagkain. Muli niyang binalikan ng tingin ang kaniyang boss."Narinig ninyo po ba ang sinabi ko?" "Yep. Hindi mo naman ako kasing-tanda para mabingi," kaswal na tugon nito.Peke siyang tumawa at hinampas sa balikat ang amo. Nakita niya ang paglipad ng masamang tingin ng binata sa parteng hinamapas niya kaya agad siyang pumormal."Anyway, Sir. Ano po ba'ng ginagawa ninyo rito? Do you need anything?""Maglu-lunch ako sa labas. Don't ever try to call me or bother me, a'ight?""If you need anything or you need to tell me something. Hintayin mo na lang ako sa office. Got it?" pormal nitong bilin at bahagya pang ibinaba ang muk
"I"ll give you five minutes, bye."Mariing napapikit si Sylvia nang busy tone na lang ang narinig sa kabilang linya."Bwisit talaga," nayayamot niyang sambit kasabay nang pagbaba ng cellphone."No, it's on me!" boluntaryong pagbabayad ng ka-date n Troye."Okay lang. Ako na!"Nakangiwing pinagmamasdan ng binata ang paglabas nang pera ng dalaga sa wallet para magbayad. Gusto na lang niyang magpakain ngayon sa lupa dahil sa sobrang hiya.First time niyang babae pa mismo ang nagbayad ng order nila. God, he is a well-known CEO on this generation and yet, he can't pay for simple bills!"It's alright. You can treat me next time," makuhulugang saad ni Chin at hinagod ng makalagkit na tingin ang binata.Halos magkandarapa si Sylvia palapit sa restaurant. Tagaktak din ang pawis sa lahat ng parte ng katawan ng dalaga."Impakto talaga iyang boss ko! Hindi na naawa. Ang init kaya sa Pilipinas, tapos tatawagan niya ako ng ala-una para lang ipadala 'tong letseng wallet niya?" namumula at galit na pa