Share

Kabanata 22

"Ano 'yan, ha?"

Awtomatikong ibinaba, at itinago ni Sylvia ang hawak na cellphone. Bago tiningala si Sol na galing sa likuran. Itinago niya ang pagkabigla, at pilit na sumeryoso.

"Wa-wala," nagkakandautal niyang sagot, at inilagay sa likod ang kamay na may hawak-hawak.

"Wala raw?" singit ni Spike na nasa harapan nila at nakain.

"Ilang araw ka ng tutok na tutok diyan sa cellphone mo. Baka kung ano na 'yan, ha?" panimulang pang-aasar ng nakatatandang kapatid.

"Wa-wala ito, nagbabasa lang ako ng-"

Napatili si Sylvia nang basta na lamang may humablot ng cellphone niya mula sa likuran. Nang tingnan niya iyon ay si Spike ang may hawak, at kinukutkut na ito.

"Ano ka ba?!"

"Akin na nga 'yan!" agaw niya.

Para silang mga batang nagkakasatan sa harap ng kanilang tindahan. Binabawi niya ang gamit pero dahil mas matangkad ang bunsong kapatid ay hindi niya iyon makuha.

"Spike, akin na 'yan!"

"Make me yours, and I'll make you mine app!" malakas, at nagsasalpukang mga kilay na pagbabasa nito.

"Ano?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status