Share

Kabanata 5

Bagsak ang mga balikat na umuwi si Sylvia sa bahay. May iilang tao at kumakain at namimili.

"Ala'y ang aga mo!" bati ni Sol sa kaniya.

"Nariyan na ba si Sylvia?" narinig niyang tanong ng kaniyang ina mula sa itaas.

"Ere na inang!" sagot naman ng kaniyang kuya.

Matamlay na tinapik ni Sylvia ang balikat ni Sol bago tuluyang umakyat sa hagdan.

"Bakit ang aga mo?" usisa ng kaniyang inang makasalubong niya sa hagdan.

"Wala lang po."

Nasundan na lang ng tingin ni Sonia ang pangalawang anak. Naabutan ni Sylvia ang hipag sa sala. Karga-karga ang isang taong gulang niyang pamangkin na si Sophia.

"Ate," bati niya at napangiti nang makita ang magandang mukha ng bata.

"Himala! Hindi ka yata gabi na umuwi!"

Lumapit siya rito at sinilip ang tulog na pamangkin. Bago itinuon ang mga mata sa asawa ng kapatid na si Jellie.

"Nabwisit ako sa bagito kong boss," kahit gustong sumigaw ni Sylvia ay pinigilan  niya baka magising ang pamangkin.

Inabot sa kaniya ni Jellie ang bata na agad naman niyang kinarga. Kinuha sa kaniya nito ang nakasabit na tote bag sa balikat.

"Lagi ka naman n'on binubwisit. Ano bang bago?" Natatawang aniya nito habang naglilipit ng ilang gamit ng bata.

Marahang umupo si Sylvia sa sofa habang pinagmamasdan ang tulog na si Sophia.

"Wala naman na si Trevor sa kumpanyang iyon. Bakit hindi ka pa umalis?"

"Buti sana kung ganoon lang iyon kadali."

"Alam mo naman nangako ako kay Sir. T, aalalayan ko ang bunso niyang kapatid," paliwanag niya at tiningnan ang hipag.

Inihagis ni Jellie ang ilang maliliit na unan sa kabilang sofa bago tuluyang sinalubong ang tingin ni Sylvia.

"Masyado kasing malakas sa iyo si Sir. T. mo e. Kaya ngayon stress ka."

Napabuntong-hininga siya, naalala niya tuloy nang hilingin ng kaniyang dating boss na alalayan ang kapatid nitong si Troye. Noong mismong araw nang kasal nito sa isang kilalang stylist na si Klaudia Labrico.

Nakilala niya si Trevor sa University. They are both one of the top students. Hindi man magka-batch at ahead man siya rito ay naging hadlang iyon para maging malapit sila.

In short they became friends despite of their differences.

Sa age, status of living and looks.

Perong parang anghel na padala ng Diyos ang binata.

He was so generous, humble, sweet and genuine man.

"Bakit naman kasi nagpakasal agad iyon 'no?" untag sa kaniya ng hipag.

Lumapit ito na may hawak na feeding bottle kay Sylvia at kinuha muli si Sophia. Siya naman ay muling tumindig habang nakasimangot.

"Hindi ko nga rin alam. Ang sabi niya sa akin noon, they can't live or even breathe without each other," naiinis niyang tugon.

"Ang sabihin mo, good catch na kasi si Sir. T."

"Hindi na talaga iyon pakakawalan ng jowa no'n!" dagdag pa ni Jellie habang inaalog-alog ang batang kasulukuyang nasa bibig ang bote ng gatas.

Napatango si Sylvia, hindi niya masisisi si Klaudia. Sa angking anyo at katangian ni Trevor, aba, talagang magsisigurado ka na!

Lalo na nang sumikat ito matapos umupong CEO Ng Ledesma Company. Pero talbog ang lahat nang minsang hintayin siya nito sa labas ng kumpanyang kauna-unahan niyang pinagsilbihan.

Ang akala niya noon ay magtatapat ang binata ng pag-ibig sa kaniya. Kaya't gandang-ganda siya sa sarili habang naglalakad palapit dito.

Pero bahagya siyang nadismaya nang alukin siya ng trabaho. At iyon ang bilang sekretarya na hindi naman niya pinagsisihan.

Working with him is not like literally working.

"E, iyong boss mo ngayon, hindi mo type?"

Awtomatikong napalinga si Sylvia sa hipag habang malalim ang gitla sa noo.

"Hindi, 'no!" bayolente niyang reaskyon.

"Gwapo rin naman iyon ha?" Nakangiting panunukso ni Jellie.

"Gwapo na kung gwapo, asal hayop nga lang," walang gana niyang sagot.

Naglakad na si Sylvia patungo ng kaniyang silid. Hawak pa lang niya ang doorknob para pihitin ay muling nagpahabol ang kaniyang hipag.

"Syl, ito payo lang ha?"

"Bakit hindi ka humanap ng papa?"

"Papa? Hindi naman nawawala si Papa. Iyon nga lang nasa langit na," sagot niya at muling humarap Kay Jellie.

"Papa. Papa-ibigin ang ibig kong sabihin," pagtatama nito.

Natigilan siya at nanatiling nakatitig dito. Kahit kailan yata ay hindi sumagi sa isip niya ang ganoong bagay.

Pinaniniwalaan niya noon pa man na darating iyon.

Darating ang pag-ibig at hindi niya kailangan hanapin.

Pero 35 years na niya iyong pinanghahawakan. At sa tagal na iyon ay heto pa rin siya nag-iisa.

"Hindi ka na bumabata. Enjoy mo na 'yong buhay mo," patuloy na payo ni Jellie nang ihiga ang tulog na anak sa crib.

"Masarap magmahal at lalo na mahalin din pabalik."

"Tama ka naman diyan," mahinahong pagsang-ayon ni Sylvia habang nakatitig sa kawalan.

"E 'di, go!"

Pinilig niya ang ulo at pinagtagpo ang tingin nila ng hipag.

"May trabaho ako. Hindi ko iyon kayang mapagsabay-sabay."

Habang nakaharap sa salamin si Sylvia ay pinagmasdan niya ang kabuuan.

Katulad ng sabi ng iba, hindi naman talaga jaw dropping ang beauty niya. Hindi rin siya pangit, typical Filipina lang.

Hindi din siya out-going person. She prefer to stay inside the house. Magbasa at tumulong sa business nila ito ang ginagawa niya tuwing free sa trabaho.

Siguro iyon ang dalawang bagay na kulang kaya walang kulay ang lovelife niya.

Sa edad ngayon ay dapat nagse-settle down na siya with someone who she wanted to be with. Mayroong kahawak-kamay na batang lalake at may kargang mas batang babae.

Like her batchmates, na nakikita at madalas niyang makasalubong ang mga ito with their families.

Ayaw niyang maiingit pero hindi ba iyon naman ang pangarap ng bawat isa sa atin?

Ang makasama ang gusto nating tao at bumuo ng isang pamilya.

Bakit hindi ba niya naiisip ang ganitong kaimportanteng bagay?

Huminga ng malalim si Sylvia at itinuon ang matatapang na mga mata sa salamin.

She need to change her life for good.

She need to find her elusive destiny.

She need to find the love, the love that can't find her.

Saglit siyang natigilan , paano niya magagawa iyon kung may trabaho siyang masakit sa ulo?

"Mag-resign na kaya ako?" tanong niya sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status