Share

Kabanata 16

"Ano na?" mahinang tanong ni Sylvia habang tensyonadong kaharap ang hipag na si Jellie.

May pagkakataon na silang mag-usap. Wala ng tao sa paligid, ganoon na rin ang pamilya nila, may kalaliman na kasi ang gabi. Doon lamang sila nakakuha ng oras para masinsinang magplano.

"Okay, may offer ako sa iyo."

Tumango si Sylvia habang nakadukwang sa lamesa. Magkadaupan ang mga palad niyang nasa ibabaw ng mesa. Intense siyang naghihintay sa pahayag ng hipag.

"Heto," isang sketch book ang inilatag nito sa harapan niya. Curious siyang sumilip doon.

"Ito ay ang blind dates."

Nilagyan ni Jellie ng bilog ang unang salita. Tumango naman siyang bahagya habang nakatitig lamang doon.

"Puwede kang magpareto sa mga kaibigan mo, o sa amin na puwede mong i-date. Mas exciting kung wala kang idea sa hitsura nila para may thrill ng konti," sabik na agad nitong paliwanag.

"Next, try mong mag-reach out sa mga dating crush mo-"

"No way!" angil ni Sylvia, at dumiretso nang pagkakaupo.

"Relax. Ito naman, i-che-chec
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status