Share

Kabanata 20

Pabagsak na isinarado ni Troye ang pinto ng opisina. Inalis niya rin ang pagkakabutones ng itim na suit bago hinubad. Agad niya iyong ibinato nang ubod ng lakas sa sahig habang hingal na hingal dahil sa galit.

Nagtungo siya sa glass wall, umaasang maiibasan ng magandang tanawin ang hindi niya kayang dalhin na emosyon.

Bakit wala siyang makitang pagsisisi sa mukha ng dating sekretarya?

Kahit konti, o lungkot man lang.

Ganoon ba siya kasamang amo para hindi ma-appreciate nito ang samahan nila sa mga nakalipas na taon?

"That old maid is unfair," gigil niyang bigkas.

"Sir!"

Lumingon ang binata nang bumukas ang pinto. Pumasok si Amari sa loob habang may dalang folders.

"Don't you know how to knock on the door?" anas niya habang may patong-patong ang mga linya sa noo.

"I did, Sir. Before I went inside," kalmado nitong rason.

"You should wait for my response, if I will you let you in or not," pagtuturo niya rito bago inirapan.

Dahil pakiramdam ng binata ay nanghihina siya ay nagtungo ito sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status