Share

Kabanata 10

Parang binabarena ang ulo ni Sylvia habang nakapikit. Kahit gustuhin niyang matulog ay gising na ang diwa niya. Pakiramdam niya ay may nakadagang kung anong mabigat sa magkabilang talukap ng mga mata niya nang buksan iyon.

Malabo man ay alam niyang nasa loob siya ng silid.

Wala sa sariling napatingin siya alarm clock, daig pa niya ang nakakita ng multo nang makita ang oras.

"Naku po," tanging saad niya, at halos lumipad ang kumot nang hawiin niya.

Natatarantang tumayo si Sylvia, nang isuot ang pares ng tsinelas ay na out of balance pa siya dahil sa pagmamadali. Nang tuluyang maisuot ay nagmamadali pa rin siyang naglalakad.

Hanggang sa matigilan siya ng kusa.

Naging malikot ang mga mata niya habang may kung anong pilit na iniisip.

Bakit ba siya nagkakandarapa sa pagmamadali?

Saan ba siya pupunta?

Saan ba siya papasok?

Bilog na bilog ang itim niyang mga mata habang paatras pabalik sa kama. Dahan-dahan siyang umupo, at kumapit sa bed sheet.

Natulala siya sa isang dako ng silid. Napahag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status