Share

Kabanata 6

Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Sylvia habang nakatitig sa kisame. Kasalukuyan pa rin siyang nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot. Nang tumunog ang alarm clock ay wala pa rin sa sariling kinapa niya iyon sa side table.

Nang mahawakan ay pinagmasdan niya ang bilog na alarm clock, patuloy ito sa pagtunog. Kumilos siya, at inilagay iyon sa ilalim ng unan. Bago muling ipinagpatuloy ang pagtulala sa kisame.

Nagdadalawang-isip na siyang pumasok sa trabaho. Lalo na't sa tuwing sumasagi sa isip ang nagpag-usapan nila ng hipag na si Jellie.

"Ate!" Malakas at may bahid na inis ang boses ni Spike sa pagkatok ng pinto ni Sylvia.

Isang masamang tingin ang ipinukol niya roon. Wala sana siyang balak sumagot, napilitan siya nang halos masira ang pinto ng kwarto niya dahil sa lakas ng kalampag doon ng bunsong kapatid.

"Bakit ba?!" asik niya.

"Hindi ka raw ba papasok, sabi ni Mama!" balik-sigaw nito.

Napairap si Slyvia, at muli na namang nag-isip tungkol sa trabahong naghihintay sa kaniya.

Pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status