Share

Chapter 32: Black Out

Alas-otso ng gabi nang magsimulang kumain ang magpamilya. Mahaba ang kanilang hapagkainan at maraming mga pagkain ang nakahanda kahit tatlo lang naman silang kumakain ngayon.

Napaayos ako ng tindig sa pagtayo sa gilid nila nang biglang bumaling ang ina ni Chadrick sa akin matapos kumain.

“Mario, mas mabuti kung sa kuwarto ng anak ko kana rin matutulog. Aalis kami ni Ricardo ngayong gabi dahil may importante kaming a-asikasuhin. Mapapanatag ang loob ko kung sasamahan mo ang aking anak sa kuwarto niya.”

Laglag panga akong napatingin kay Mrs. Aldovar. Dahil sa gulat, nailipat ang tingin ko kay Chadrick na bigla naman nag-iwas ng tingin sa akin.

“May problema ba tayo sa sinabi ko?” si Mrs. Aldovar nang mapansing hindi ako makasagot sa kaniya.

“Wala, ma’am. Tama po kayo para nababantayan ko ng maayos ang anak niyo.”

Hindi ako puwedeng magreklamo. Pinasok ko itong trabaho kaya dapat kong panindigan at sundin ang ipappagawa sa akin. Sadyang nagulat lang ako sa naging request ng kanyang ina.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status