Share

Chapter 25: Deeper

"Mi-Mia? Anong ginagawa mo rito?"

Hindi ko mahanapan ng tamang salita ang tanong niya dahil sa sobrang gulat. Namaling kotse ang napasok ko!

"P-Pasensiya na, akala ko itong kotse ang ginamit namin kanina mali pala ako ng pinasukang sasakyan." Mabuti naman at nakaya ko pang magsalita sa harapan niya.

Napatingin siya sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Agad naman niya itong binitawan at sabay nag-iwas ng tingin sa akin.

"You should go now. Papunta na rito ang manager ko," aniya at sabay ibinalik ang pagpikit ng mga mata.

Iyon lang? Wala na ba siyang sasabihin na iba?

Ito ang unang pagkikita namin makalipas ng dalawang taon. Hindi man lang niya ako ka-kamustahin? Kasi ako, ang dami kong gustong sabihin sa kaniya.

Hindi ko sinunod ang sinabi niya bagkus umupo ako ng maayos sa backseat.

"Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakakausap," buo ang boses kong sinabi. Parang nawala nalang bigla ang kabang nararamdaman ko kanina.

"What are you doing?" baling niya nang makitang hindi ako lalab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status