Share

Chapter 27: Hiring

"Pumasok na kayo sa kuwarto niyo!" galit na sigaw ni mama nang makitang nandito pa rin kami sa loob ng kuwarto nila.

Kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari ay sinunod ko pa rin ang sinabi nila. Dinala ko si Sky sa aking kuwarto. Gulong-gulo ang isipan ko kaya nahirapan ako makabalik agad sa pagtulog. Si Sky natagalan sa pag-iyak bago nakatulog.

Sana isang masamang panaginip lang lahat ng ito dahil hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari bukas.

Kinaumagahan, naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw mula sa nakabukas na bintana kaya nagising ako. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa upuan katabi ng kama ko. Napansin kong natutulog pa si Sky. Pagtingin ko sa nakasabit na orasan sa itaas ng kama ko ay ala-sais palang ng umaga.

Nang maalala ang nangyari kagabi ay lumabas ako at agad nagtungo sa kabilang kuwarto. Pagpasok ko nakita ko si mama nag i-impake ng mga damit.

"Ma? Bakit nag i-impake kayo? Si p-papa?" Hindi ko na maiwasan mataranta.

Kinabahan ako nang makitang wala si pap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status