Share

Chapter 29: Late

"Saan ka nakakuha ng ganoong kalaking pera?"

Napabaling ako kay Mama nang magtanong siya. Nakabalik na rin ako sa ospital at tuluyan na ngang nabayaran ang gastusin para sa operasyon ni Papa bukas kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayon.

Magkatabi kami ngayon ni Mama sa mahabang upuan dito sa labas ng emergency room dahil ipinagbabawal pa nilang pumasok kami sa loob. Bahagyang hinawakan ko ang dalawang kamay niya nang makitang hindi pa rin siya mapakali. Nag-aalala yata siya kung saan ko nakuha ang ganoong kalaking pera.

"Ma, hindi na po iyon mahalaga kung saan ako nakahanap ng ganoong kalaking pera. Ang mahalaga matutuloy na rin ang operasyon ni Papa bukas. Huwag kayong mag-aalala Ma hindi po galing sa ilegal na pamamaraan 'yong pera," pagpapaliwanag ko sa mahinahong boses.

Hangga't maari ayokong sabihin ang totoo kay Mama kung saan ako nakakuha ng perang iyon dahil ayokong mag-alala siya sa papasukan kong trabaho. Babaeng magpapanggap bilang lalaki para lang maging bodyguard ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status