Share

Chapter 28: Hired

Habang nasa byahe ako ay panay ang pag-iisip ko kung paano ko siya makakausap. Paano kung wala siya roon? Paano kung nakahanap na siya ng bodyguard? Hindi puwede!

"Manong, bayad po!"

Nagbayad agad ako nang huminto ang taxi sa tapat ng hotel. Paglabas ko, walang pag-aalinlangang pumasok ako sa loob kahit may staff na nakabantay sa entrance.

Patungo na sana ako sa front desk area nang napahinto ako nang makita ang pamilyar niyang likod. Kahit hindi ko kita ang mukha niya alam kong siya iyon. Kausap niya ngayon ang receptionist.

Nang paalis na siya sa front desk area ay napansin kong hindi pa rin bumibitaw ng tingin sa kanya ang babaeng receptionist. Abot langit ang ngiti at kilig nito habang may hawak na papel. Napansin ko pa ang signature ni Bente Pesos sa hawak niyang papel. Siya nga iyon!

Nataranta lang ako nang makitang papasok na siya sa elevator. Halos tumakbo na ako para lang masundan siya pero nabigo ako nang tumama sa mukha ko ang pinto ng elevator nang sumarado ito kaya napa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status