Share

Chapter 30: 24/7

"Matatagalan pa bago makalabas ang papa mo, anak. Bagama't naging matagumpay ang una niyang operasyon subalit sinabi ng doktor na kailangan pa ng malalim na pagsusuri sa kalagayan niya..." Napahinto saglit si mama at huminga ng malalim sa kabilang linya.

"Maaring magkaroon siya ng pangalawang operasyon, iyan ang sinabi ng doktor, anak. H-Hindi ko na alam kung saan pa tayo makakahanap ulit ng malaking pera." Ramdam ko ang panginginig sa boses ni Mama.

Sumikip ang dibdib ko sa narinig kaya nagpakawala muna ako nang malalim na hininga bago nagsalita. "Huwag po kayong mag-aalala sa pera, ma. Mahahanapan po natin iyan ng solusyon. Gagaling po si papa."

Nang matapos ang tawagan namin ni mama doon ko na naramdaman ang mga luhang gustong kumawala kanina pa.

"Mia? Matagal ka pa diyan?"

Agad kong pinahiran ang magkabilang pisngi ko nang marinig ang boses ni tita mula sa labas ng aking kuwarto.

"Lalabas na po!" Kinuha ko ang aking maliit na back pack na nakasabit sa ding-ding at sabay isinakbit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status