Share

Chapter 5: Sine

Chapter 5

Sine

"Oh my gosh! Nandito na si Gabriel?!" si Bianca nang marinig ang sinabi ng kapatid ko.

Isang taon na ang nakakalipas simula noong umalis sila ng kaniyang pamilya. At ngayon, nandito na sila? O, baka si Gabriel lang ang umuwi rito dahil napaaga ang bakasyon nila?

"Paano ba iyan, Mia! Mahihirapan ka ng pumili dahil nandito na si Gabriel," natatawa niya pang sinabi at kumanta pa nga siya. "Sino’ng pipiliin mo? Gusto mo o ang soulmate mo?"

Napailing na lamang ako. Kinanta niya pa talaga ang sikat na kanta ni KZ Tandingan pero pinalitan niya lang iyong lyrics. Kanina ang tamlay niyang tingnan pero ngayon nang dumating lang si Gabriel ang lakas ng mang-asar. Ang bilis talaga magbago ng mood ang babaeng ito.

"Ewan ko sa'yo! Tapusin mo na nga 'yan!" singhal ko. Tumawa nga lang siya ng malakas habang nagwawalis pa rin sa sahig at kumanta pa ulit ang bruha. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na nga kami nang matapos sa paglilinis.

"MM!" si Gab at agad yumakap sa akin nang makita ako.

Napangiti ako. Masaya akong nandito na ulit siya.

"I missed you a lot."

Naramdaman ko pa bigla ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakayakap siya sa akin kaya hindi ko agad mahanapan ang tamang salita. Pero sa huli, sinuklian ko rin siya ng isang mahigpit na yakap. "Gano’n din ako. Mabuti at nandito ka na ulit, Gab."

"Kasama mo rin ba sila Tita?" tanong ko nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Yup. Mabuti nalang napa-aga ang bakasyon namin kaya naka-sabay ako pag-uwi rito."

Napatango ako.

"Hay, naku, Gabriel! Dumating ka lang dito hindi mo na ako pinapansin? Si Mia lang ba ang na-miss mo?"

Napabaling ako sa katabi ko na si Bianca. Nakasimangot ang mukha nito ngayon. At pinagkrus pa nga nito ang magkabilang braso nang nakatingin kay Gabriel.

"Syempre, na-miss din kita, Langka!" si Gabriel at sabay pinisil ang magkabilang pisngi ni Bianca.

Napatawa na lamang ako habang pinapanood silang dalawa.

"Aray!" napasigaw pa nga si Bianca. At napahawak pa nga rin siya sa pisngi kung saan banda pinisil ni Gabriel.

"Bianca ang pangalan ko Gabriel hindi Langka! Nakakainis ka!" reklamo ni Bianca. Bakas din ang pagkabasungot nito sa mukha.

"E, iyan naman 'di ba ang palayaw mo? Langka? Hindi ba Langka?" pang-aasar ulit ni Gabriel.

Mas lalo lang tuloy bumusangot ang mukha ni Bianca dahil sa iritasyon.

Napailing na nga lang ako habang pinagmamasdan sila. Para silang mga bata pa rin kung umasta. Hindi na ako magtataka kung magbabardagulan na naman itong dalawa dahil ganito sila palagi parang aso't pusa. Ganyan ang love language nila walang oras na hindi nagbabangayan.

"I hate you, Gabriel!" singhal nga niya kay Gabriel.

“I love you, Langka!” At nag-finger heart pa nga.

“Ito sa‘yo,” si Bianca at itinaas pa nga nito ang middle finger bago nag-walk out.

Nang makaalis nga si Bianca ay walang tigil pa rin sa pagtawa ng malakas si Gabriel.

"Kababalik mo lang inaasar mo na agad si Bianca?" Napailing pa ako sa harapan niya.

“Hindi ko siya inaasar MM. Sadyang mabilis lang talaga siyang mapikon.”

"Nga pala, may gagawin ka ba bukas?" pag-iiba niya ng usapan nang kumalma na nga siya sa kakatawa.

"Wala naman. Bakit?"

Wala akong gagawin bukas dahil natapos ko na ang mga gawain sa school.

"Great! Magpapasama ako sa'yo sa bukas.”

“Magpapasa? Saan?” Hindi ko tuloy maiwasan maging excited.

“Sa Mall may bibilhin ako.”

B-bibilhin? May bibilhin lang siya?

Bagsak balikat nga akong napabaling sa kaniya. “S-Sige, sasamahan kita.”

Ano ba, Mia! Huwag ka nang assuming diyan na yayain ka niya sa isang date! Magkaibigan lang kayo! Magkaibigan! Hindi magka-ibigan!

Para na nga akong tangang nakikipagtalo sa isip ko.

KINABUKASAN ay maaga nga akong nagising at naligo. Masaya pa rin naman ako kahit nagpapasama lang si Gabriel. At least, siya ang kasama ko ngayong araw. Nakasuot ako ngayon ng black sleeveless turtleneck at pinarisan ko ng denim jacket dahil medyo maulan ngayon. Dark blue faded jeans naman ang pinares ko sa pang-ibaba. Mas kumportable kasi ako kapag ganitong mga outfit ang sinusuot ko. Nang dumating na nga si Gabriel sa bahay ay agad na kaming nagpaalam kina Mama’t Papa. Umalis na rin kami at nagtungo sa Mall.

"Anong bibilhin mo pala?" tanong ko sa kaniya nang dumating na nga rin kami sa Mall.

"Kuwintas," aniya.

Kuwintas? Para saan? At kanino niya ibibigay? May girlfriend na ba siya?

"May girlfriend ka na?" gulat na tanong ko sa kaniya.

"Wala," mahinahong sagot niya.

Kung ganoon, may pag-asa pa Mia!

"Kung wala pala e, bakit ka bumibili ng kuwintas?" tanong ko ulit sa kaniya dulot ng pagtataka.

"She's my friend, MM. At malapit na ang birthday niya kaya naisipan kong regaluhin siya ng kuwintas."

Bahagyang napatango ako. Ang suwerte naman ng kaibigan niyang iyon para regaluhin siya ng kuwintas ni Gab. Nasa loob na nga rin kami ng isang jewerly shop dito sa Mall. Nasa tabi niya lang ako habang siya naman ay tumitingin sa mga kuwintas na naka-display sa ilalim ng mahabang salamin.

"Ano sa tingin mo ang maganda rito, MM?" baling niya sa akin.

Hindi ko alam pero parang nawalan nalang ako bigla ng gana ngayon. Hindi pa rin umaalis sa isipan ko kung sino bang kaibigan ang tinutukoy niya. Hindi naman ako ang tinutukoy niyang kiabigan dahil tapos na ang birthday ko last month pa. Ang saklap. Kaya walang ganang ibinaba ko ang aking tingin sa mga kuwintas na nasa ilalim ng salamin. Naagaw lang ng pansin ko ang isang simpleng kuwintas na may pendant na half moon, na kulay pilak.

"Ito. Simple lang pero maganda," sabay turo ko rito.

"Alright. Iyan ang bibilhin ko," agad niyang tugon. Parang hindi siya nagdalawang isip bilhin ang napili ko.

"Gusto mo ba siya?" Hindi ako makatingin ng diritso sa mga mata niya habang tinatanong iyon. Parang alam ko na ang isasagot niya kaya parang ayokong marinig.

"Yes."

Aray naman. Parang wala na talagang pag-asa dahil sa bibig pa niya mismo lumabas na may nagugustuhan na siya at ang masakit pa roon ay hindi ako ang tinutukoy niya. Isang malaking sampal ba ito sa akin para sumuko na sa nararamdaman ko sa kaniya?

Ilang sandali lamang ay binili na rin niya ang kuwintas. At pagkatapos ay kumain na rin kami sa isang fast food dahil tanghali na rin.

"Gusto mo ba manood tayo ng sine?" biglaang tanong niya.

Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. Parang nagliwanag pa ang mukha ko dahil sa naging tanong niya. "Oo naman!" masiglang tugon ko nga rito.

Pumayag agad ako kahit hindi ako mahilig manood ng mga pelikula. Si Gabriel nangyaya manood? Tatanggi pa ba ako? Kapag siya rin naman ang mangyaya, I can make an exception.

"Alright. Dahil sinamahan mo ako ngayon dito kaya manonood tayo sa sinehan,” nakangiti pa nga niyang sinabi.

Nang matapos nga kaming kumain ay nakabili na rin siya ng dalawang ticket at mamaya pa naman ng alas-dos ipapalabas ang pa-panoorin namin kaya naghintay pa kami ng isang oras. Inabala na lang muna na namin ang pag-uusap habang nakaupo kami sa mahabang upuan dito sa gilid. Napatigil nga lang kami sa pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Hello? Ma? Nandiyan na si Lola? Ngayon? Sige. Papunta na ako diyan."

Nang matapos nga ang pag-uusap nila ng Mama niya ay napabaling siya sa akin. "MM, pasensiya na kailangan ko na pala umuwi sa amin ngayon. Dumating na pala si Lola sa bahay at hinahanap daw niya ako," paliwanag niya.

"Naku! Ayos lang, Gab. Umuwi ka na sa inyo baka na-miss ka na ng Lola mo." Ngumiti pa ako sa harapan niya upang ipakita sa kaniya na ayos lang talaga.

"Ihahatid na muna-"

"Huwag na! Ayos lang, Gab. Sayang naman iyong binili mong ticket kung hindi ko pa-panoorin," putol ko sa sasabihin niya.

"Are you sure?"

Tumango ako sa kaniya nang nakangiti pa rin. "Uuwi naman ako kaagad sa bahay kapag natapos ko panoorin ang pelikula."

Napapayag ko naman siya kaya nauna na siyang umalis. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago pumasok sa sinehan. Nang pumasok na nga ako sa loob ay sa bandang gilid na ako umupo. Mabuti nalang ka-kasimula palang. Napansin ko pang hindi gaano karami ang mga tao rito sa loob kahit malaki ang sinehan na ito.

Kasalukuyang nakatuon ang pansin ko sa panonood nang biglang may naramdaman akong umupo sa tabi ng upuan ko. Nagtaka pa ako kung bakit sa tabi ko pa siya umupo. E, ang dami pa kayang bakanteng upuan pero hindi ko nalang ito pinansin bagkus ibinalik ko na lamang ang pansin sa panonood. Mas tumitindi na nga ang eksena ngayon dahil nasa kalagitnaan na kami at malapit ng matapos.

"Dapat naghintay siya kung mahal niya talaga."

Napaayos pa nga ako sa pag-upo nang biglang nagsalita ang katabi ko. Boses lalaki. Nadala yata siya sa eksena.

"Kung mahal niya talaga ang girlfriend niya dapat hindi niya ginawa iyon. Hindi dapat siya nagloko," dagdag pa nga nito. Parang disappointed nga siya sa ginawa ng lalaki. Dalang-dala

Well, ako rin naman disappointed sa ginawa ng lalaki. At nalulungkot ako para sa babaeng OFW dahil hindi siya hinintay nito bagkus ay naghanap nga ito ng iba at nakabuntis pa ng ibang babae ang boyfriend niya.

Hay, pati tuloy ako naapektuhan kahit isang pelikula lang naman ito!

"Fuck that asshole. He just wasted eleven years."

Nagsalita na nga ulit ang katabi ko. Bakit ba ang ingay niya? Hindi tuloy ako makapag focus sa eksena! Puwede bang manood nalang siya ng tahimik? Pero teka, bakit pamilyar sa akin ang boses niya?

"Am I right, MM?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status