Share

Chapter 10: Grandson

Chapter 10

Grandson

"May asawa na po ba ang apo niyo Lola?"

Napatigil si Lola sa paglabas ng mga gulay sa loob ng plastic bag dahil sa naging tanong ko at bahagyang napatawa. "Wala, hija. Sa pagkakaalam ko ay single ang apo ko. Wala pa siyang pinapakilalang nobya." Ibinalik ni Lola ang pansin sa ginagawa niya kanina.

"Ilang taon ka na ba, hija?"

"Twenty-one po."

"Twenty-one? Matanda pala nang limang taon ang apo ko sa iyo. Pero puwede na rin." Parang may gusto pang idugtong si Lola pero hindi na niya tinuloy.

Ibig sabihin ay dalawampu't anim na taon na pala ang edad ng apo ni Lola.

"Noong estudyante pa lamang siya ay nagtatrabaho na ang apo ko, hija. Masipag na bata iyon at mabait. Sa dami ng pinagdaanan sa buhay ay nakayanan niya lahat. Hindi naging madali ang nakaraan niya kaya hanga ako sa batang iyon dahil malaki na ang naabot sa buhay niya."

Namangha ako sa sinabi ni Lola tungkol sa apo niya. Hindi ko man alam ang buong kuwento pero ramdam ko ang pagiging proud ni Lola sa kaniya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status