"Si Cathy Saura." aniya.
Hindi alam ni Jarred kung ano ang mararamdaman. May dahilan ba kaya ginawa iyon sa kaniya ni Cathy. She's an efficient employee, wala siyang masabi sa galing nito bilang HR Head Dept. Napasinghap si Jasmine dahil sa sinabi niya na nakatakip ang bibig.
"Bakit niya iyon nagawa?" manghang tanong ni Jasmine. Tinitigan niya ito na may malamlam na mga mata at napailing-iling.
"Hindi ko alam. Magaling si Cathy at talaga namang walang nagrereklamo na mga empleyado sa kaniya. Nagtataka lang ako kung bakit siya nakipagsabwatan kay Beatriz." aniya na may pagkakunot ng noo. Kababakasan ng lungkot ang mukha ni Jasmine.
"Baka may dahilan kaya niya iyon nagawa. Magset ka ng meeting sa kaniya at kausapin mo siya para malaman mo ang side niya. Baka nagawa niya iyon dahil kailangan."
Napatingin siya sa maamong mukha ni Jasmine, bakit ba napakamaunawain nito? Bakit ba napakabait nito? Kaya nga sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo niya itong minamahal. Na para bang nakakakatakot na maagaw sa kaniya si Jasmine.
"Why?" tanong ni Jasmine na kagat ang labi. Napangiti siya at mabilis na hinalikan ito sa labi.
"Hindi ko lang maiwasang humanga sa kalinisan ng iyong puso at kagandahang loob. Habang tumatagal mas lalo kitang minamahal." aniya habang matiim na nakatitig rito. Inirapan siya ni Jasmine.
"Mambobola ka talaga! Pumasok ka na nga!" anito pero namumula ang pisngi nito. Tinulak pa siya nito patayo.
"Ay! Sadista!" biro niya rito pero may kasamang pagtawa habang naglalakad palabas ng bahay habang itinutulak siya sa likod ni Jasmine at pareho silang tumatawa.
Nang nasa tabi na siya ng sasakyan na siya pumihit sa paharap rito at niyakap ito sa bewang at mabilis na siniil ng halik ang labi nito. Pero, saglit lamang iyon. Nang maghiwalay ang labi nila. Tinitigan niya ito.
"Yung pangako mo mamayang gabi huh?" aniya. Tiningnan siya nito ng masama.
"Opo. Makakalimutan ko pa ba iyon? No girls around, okay? Kung hindi sa labas ka ng kwarto matutulog!" bata nito na may kasamang panlalaki ng mga mata. Hinalikan niya it sa noo.
"Opo, master. Takot ko lang sayo at syempre ikaw lang ang bukopd tanging babae na papayagan kong makalapit sakin." aniya at kinindatan ito at kinalas ang mga kamay na nakayakap dito tsaka nagtungo sa sasakyan. Bago niya iyon minaniobra, kinawayan niya ang fiancee. Gumanti rin ito ng kaway.
"Ingat!" sigaw nito.
"I will." aniya at bbinuhay na ang makina ng sasakyan at minaniobra iyon palabas ng compound ng mansiyon.
Hinihintay ni Jarred si Cathy sa kaniyang opisina mkga alas una y medya ng tanghali. Limang minuto na siyang naghihintay ng bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok si Cathy na may kimeng ngiti sa mga labi.
Tinitigan niya ito, hindi niya akalain na ang isang empleyado niya na matagal niya ng pinagkakatiwalaan ay siyang trtraydor sa kaniya. Inilahad niya ang kamay sa sofa para doon ito maupo.
"Sit there, Ms. Saura." aniya.
Umupo naman roon si Cathy. Tumayo siya at nagtungoo sa katapat nitong sofa. Bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Ms. Ferran na may dalang dalawang tasa ng kape. Inilapag nito iyon sa mesa.
"Salamat, Ms. Ferran." aniya.
Ngumiti lamang ito at naglakad na patungo sa pintuan at lumabas. Kinuha niya ang tasa ng kape na para sa kaniya at ang isa ay inilapag sa harap ni Cathy.
"Salamat po, Sir. Ano po ang pag-uusapan natin?" tanong nito. Ramdam ni Jarred ang kaba sa boses nito na pinipilit nitong itago.
"Hindi na ako magpapaligoy pa Ms.Saura. Madami pa kasi akong gagawin." aniya sabay tingin sa orasan na nakasabit sa wall. Nakita niya na bahagya itong natigilan. Tiningnan niya ang kamay nito na medyo nangingig.
"Gusto kong malaman kung bakit mo iyon nagawa. May naging pagkukulang ba ako bilang boss mo para traydurin mo ako?" tanong niya habang nakatitig dito ng matiim at inaarok sa mga mata kung ano ang magiging reaksiyon nito.
Kanina pa kinakabahan si Cathy habang nakaupo sa sofa. May ideya na siya kung bakit siya pinatawag ng kaniyang boss na si Jarred Racqueza. Inaamin niya na nagkamali siya sa naging desisyon niya sa pagtulong kay Beatriz sa plano nito.
Pero ano pa ang magagawa niya? Nagawa na niya na at may naipambili siya ng gamot ng kaniyang ina at pampapacheck-up nito. Nag-iipon na din siya pampa-chemotheraphy nito. Naguiguilty siya lalo na ngayon na kaharap niya ito habang nakatingin sa kaniya ito.
Kung tatanggalin siya nito sa trabaho, ayos lang. Kasalanan niya at deserved niya ang mga nangyayari sa kaniya. Nagpadalos-dalos siya sa mga naging desisyon niya at hindi inisip kung ano ang kaya nitong gawin.
"Hindi na ako magpapaligoy pa Ms.Saura. Madami pa kasi akong gagawin." anito.
Hindi niya maiwasang manginig sa tono ng pananalita nito. Naroon ang galit at pagkadismaya. Well, hindi niya masisisi si Mr. Racqueza dahil ramdam niya ang buong tiwala nito sa kaniya bilang HR Head.
Gusto kong malaman kung bakit mo iyon nagawa. May naging pagkukulang ba ako bilang boss mo para traydurin mo ako?" tanong nito habang matiim na nakatitig sa kaniya.
Napalunok siya sa intesidad ng titig nito sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin vdahil hindi niya kayang salubungin ang mapang-usig nitong mga mata.
"Hindi ko po sinasadya Sir. Natukso po ako sa perang inalok sakin ni Beatriz, kailang--an ko po ka--si ng pera para sa pagpapagamot at pambili ng gamnot para kay inang para maagapan po ang sakit niya na cancer." paliwanag niya habang nakayuko pa rin.
Hindi niya naiwasan na mapaluha dahil sa labis na pagsisisi. Nakita niya ang panyo na nakalahad sa kaniya kaya dali-dali siyang nag-angat ng mukha at tinitigan si Mr. Racqueza.
"Wipe your tears, ayaw kong may nakikita na babaeng umiiyak." anito.
Hindi niya maiwasang mapahanga rito, napakaswerte ni Jasmine kay Sir Racqueza. Iniabot niya iyobn at pinunasan ang luhang naglandas csa kaniyang pisngi.
"Napakaswerte po ni Ma'am Jasmine po sa pagkakaroon niya ng kagaya niyo po." aniya.
"Nope. Maswerte ako sa kaniya dahil binago niya ako at may mabuti siyang puso. Dahil kung ako lang ang masusunod, i will terminate you now dahil kahit anupaman ang rason mo. Hindi yun dahilan para gawin mo iyon sa kapwa mo. Pero alam ko na hindi sang-ayon si Jasmine sa desisyon magiging deasisyon ko. And i will talk to her later if what i should do." anito sa seryusong tinig. Hindi tuloy niya maiwasan na panindigan ng balahibo. Huminga ito ng malalim.
"Okay. Dahil alam ko na ang rason, you go to your office now. Tatawagan kita bukas kung ano ang ibibigay kong parusa dahil sa ginawa mo. Don'tvworry i won't terminate you. The company needs an efficient employee like you. Be prepare of what punishment i will give to you." anito.
Tuluyan na siyang napaluha. Ang kaalamang hindi siya nito iteterminate ay malaking bagay na iyon sa kaniya./ Oo, may mga iba pang kompanya na pwedeng applayan pero makahanap ng trabahong maganda ang sahod, may allowance at iba pang benepisyo.
"Maraming-maraming salamat po, Sir. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob po sa inyo." aniya. Doon lang ngumiti ang kaniyang boss.
"Your welcome. Everyone deseves a second change. We are not perfect, we make mistakes. But the most important thing is we learned from our miastakes and don't repeat it again." anito. Ngumiti siya at isinaulo ang mga sinabi niya.
"Copy, Sir." aniya at naglakad patungo sa office door. Habang nasa elevator partungo sa departamento niya doon lang siya nakahinga ng maluwag. Thanks God, usal niya sa sarili.
"Maraming salamat po, Manong Samyo." ani Genesaret sa matandang nagtitinda ng mga bulaklak sa isang flower shop sa bayan."Walang anuman, iha. Balik ka ulit ah?" anito. Ngumiti siya sa matanda at tumango."Oo naman po!" aniya at ikinaway ang kamay rito."Mauna na po ako." aniya habang naglalakad patungo sa glass door ng flower shop habang ikinakaway parin ang kamay rito."Mag-iingat ka!" anito na tinugon niya ng tango.Nang makalabas siya, tinungo niya ang bisekleta niya na nasa tabi lang ng shop. Inilagay niya sa basket ang mga pinamili at umangkas sa bisekleta. Malapit na siya sa daan ng biglang may sumulpot na sasakyan sa kanan niya. Hindi niya napansin iyon, dahil sa labis na pagkagulat nawalan siya ng balanse na naging dahilan para matumba siya. Na nagdulot sa kaniya ng sugat sa kamay at paa. Naiiyak na siya dahil sa sakit. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napasulyap siya doon. Nakahanda na siyang bulyawan ang lalaki pero natigilan siya ng makita ang kabuuan ng lalaki
Nang makarating si Jarred sa mansiyon at makababasa kaniyang sasakyan. Nagtungo siya sa pintuan at agad siyang pumasok sa kabahayan tsaka hinanap ng kaniyang mata si Jasmine. Nakita niya ito sa kusina na abala sa pagtulong kay Ate Tessa. Nang humarap sa kaniya si Jasmine, nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti ito at nilapitan siya. Ipinalibot ang mga kamay nito sa kaniyang leeg. Si Ate Tessa naman na nakamasid sa kanila ay masuyong nakangiti, masaya ito dahil sa nakikitang sweetness ng dalawa."Kamusta yung babae?" anito habang natamang nakatingin sa kaniya. Hinaplos ni Jarred ang mukha ng katipan."Hindi ka nagseselos?" tanong niya na ikinapagtaka niya. Kumunot ang noo ni Jasmine."Bakit naman ako magseselos? Alam ko naman na ako lang ang mahal mo. Walang dahilan para pagselosan pa ang babae." anito na masuyong nakatitig sa kaniya. Pinisil niya ang ilong nito."Gusto ko iyan. Hm, ayos naman na siya, mukhang galos lang naman ang tinamo niya." sagot niya. Tumango-tango ito."Kamusta
"Sigurado ba kayo na sa huwes kayo magpapakasal?" tanong ni Celeste kina Jarred at Jasmine na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa sa salas. Tiningnan siya ni Jarred. Tumango siya."Opo, sigurado na po kami, Tita Celeste dahil hindi po namin alam kung anong pwedeng mangyari lalo at hindi namin alam kung nasaan si Beatriz, gusto ko rin po na sana na kapag ikakasal ulit kami, magigng ring bearer po ang magiging anak. Pasensiya na po kung yun po ang desisyon ko." hinging paumanhin niya. "At ginusto ko rin po ang desisyon ni Jasmine." segunda ni Jarred. Napatingin siya sa kasintahan at nginitian. Tumango lamang si Jarred na may ngiti sa mga labi."OKay, kung yan ang desisyon niyo. Wala na kaming magagawa pero ang gusto sana namin ay sa simbahan kayo ikasal pdero okay na rin iyon ang mahalaga maikasal na kayo." ani Tita Celeste. Hindi nakapunta ang kaniyang mga magulang dahil may biglaang meeting na kailangan nilang daluhan at nangako na babawi sila."Salamat po." aniya at bahagyang yumu
Tumagilid ng higa si Jasmine paharap kay Jarred. Ngumiti si Jarred ng magtama ang kanilang mga mata na tinugon naman niya ng isang masuyong ngiti. Hinawi nito ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatakbong sa kaniyang mukha at iniipit iyon sa kaniyang tainga. Nang matapos nitong gawin iyon, hinaplos nito ang kaniyang pisngi."Gusto mo ba sumama bukas? Pupunta ako kina Tita Raquel para imbitahan siya sa kasal natin." ani Jarred habang hinahaplos pa rin ang kaniyang pisngi at mataman nakatitig sa kaniya. Titig na punong-puno ng pagmamahal. Tumango si Jasmine at siya naman ang humawak sa pisngi nito."Oo, pupunta ako para ma-meet ko rin ang mga kamag-anak mo sa ina. Gusto ko silang makilala." aniya.Umusog siya para magdikit ang kanilang katawan. Ramdam niya sa ilalim ng kumot ang hubad na katawan ni Jarred at ang nag-uumigt*ng nitong sandata na animo'y handa sa anumang digmaan. Ipinalibot niya ang kamay sa katawan nito."Tiyak na matutuwa sila sa iyo, na ang isang Jarred Racqueza ay n
Sabay na lumabas si Jasmine at Jarred ng kusina tsaka nagtungo sa salas. Nagpaalam muna silang dalawa na magbibihis muna. At nang makapagbihis, sabay silang nagtungo sa salas at naupo sa sofa na kaharap ng kinauupuan ng mag-ama. Ngumiti si Jasmine sa dalawa at tumayo tsaka nilapitan ang bisita at inilahad ang kamay."Jasmine Saderra po, future wife po ni Jarred." pagpapakilala niya sa sarili. Tiningnan niya si Genesaret na tumayo at ngumiti pero ramdam niyang pilit lamang iyon. Napakunot-noo siya. Ano ang ibig sabihin nun? Agad na tinanggap ni Mr. Viesta ang kaniyang kamay."Mr. Allan Viesta, iha," nilingon nito ang anak. "at siya naman si Genesaret Viesta ang aking unica hija." pagpapakilala nito sa anak. Nang bitawan ni Mr. Viesta ang kaniyang kamay, tumayo si Genesaret at nakipagkamay sa kaniya."Nice to meet you. Sobrang bait ng asawa mo, inalagaan niya ako noong nadisgrasya ako." anito. Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Sasagot na sana siya ng sumingit sa usapan nila si Jar
Ngayon ang araw na pupunta sina Jarred at Jasmine sa tita nito na si Raquel. Abala sa sarili si Jasmine, tinitingnan ang sarili sa salamin. Inaanggulo ang sarili kung bagay ba ang dress na suot niya. Nang makontento, ngumiti siya at itinuon ang pansin sa paglalagay ng kalorete sa mukha. Si Jarred naman ay nangingiti na nakatingin sa kasintahan. Hindi niya mapigilang humanga sa taglay nitong kagandahan na siyang laging hinahanap-hanap niya sa tuwing nasa trabaho siya. Ang kagandahan na kailanman ay hindi niya pagsasawaang titigan."I'm done!" ani Jasmine at humarap kay Jarred."Bagay ba?" tanong niya sa kasintahan. Tumango ito bilang pagsang-ayon. Tumayo ito at nilapitan siya tsaka hinapit sa bewang. Pinakatitigan siya nito."Basta ikaw ang nagsusuot, bagay na bagay baby." puri nito sa kaniya na ikinangiti niya. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito na hindi pambobola lamang ang sinasabi nito. Inilapat niya ang labi sa pisngi nito."Thank you for giving me self-confidence."
Huminto ang sasakyan sa labas ng gate ng isang katamtamang laking bahay. Lumang istilo ito. Agad na bumaba ang magkasintahan at tinungo ang gate kung saan may doorbell sa gilid niyon. Pinindot ni Jarred ang doorbell ng tatlong beses. Sa pagpunta sa lugar na ito ay nagtatanong-tanong si Jarred sa mga taong nadadaan nila para humingi ng direksyon patungo rito. Ipinalibot niya ang tingin sa labas, walang gaanong bahay na makikita. Iilan lamang ang nakatayo at medyo malayo na iyon. "Sino iyan?" ang tawag na iyon ang nagpabalik ng kaniyang paningin sa loob ng compound ng bahay. Nasa tabi lamang niya si Athalia. Nakita niya ang isang ginang na papalapit sa kinaroroonan nila. Nagsalubong ang kilay niya para mukhaan kung sino ang ginang na papalapit. Biglang nagliwanag ang bakas ng kaniyang mukha ng mamukhaan kung sino ito. "Tita Raquel!" sigaw niya kasabay ng pagkaway rito. Nanlalaki ang mga mata ni Raquel ng mamukhaan kung sino ang nasa labas ng gate. Dali-dali itong naglakad patung
Kitang-kita ni Jarred ang pagliwanag ng mukha ni Raquel dahil sa kaniyang balita. Kitang-kita ang kasiyahan roon. Tumayo si Raquel at lumapit sa kaniya para bigyan siya ng isang mahigpitt na yakap. Dagli naman siyang tumayo para tanggapin ang yakap ng kaniyang Tita Raquel. Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap. Hinaplos ni Raquel ang kaniyang pisngi."Masaya ako para sa iyo, iho." tiningnan nito si Jasmine na mataman lamang na nakatingin sa kanila. Nginitian nito si Jasmine at iniunat ang mga kamay rito."Pwede ba kita mayakap, iha?" tanong nito. Dagling tumayo si Jasmine at tinanggap ang paanyaya nito. Humiwalay si Raquel sa pagyayakapan nila at tinitigan si Jasmine."Alagaan mong mabuti si Jarred, huwag kayong papayag na masira ang inyong samahan ng kung sinuman. magpakatatag kayong dalawa," tumingin ito kay Jarred "hindi madali ang buhay may asawa. madami kayong pagsubok na pagdaraanan, pero malalampasan niyo iyon kung nagtitiwala kayo sa isa't-isa." mahabang sermon nito sa kanila.