Share

Understanding

Nang makarating si Jarred sa mansiyon at makababasa kaniyang sasakyan. Nagtungo siya sa pintuan at agad siyang pumasok sa kabahayan tsaka hinanap ng kaniyang mata si Jasmine. Nakita niya ito sa kusina na abala sa pagtulong kay Ate Tessa. Nang humarap sa kaniya si Jasmine, nagtama ang kanilang mga mata.

Ngumiti ito at nilapitan siya. Ipinalibot ang mga kamay nito sa kaniyang leeg. Si Ate Tessa naman na nakamasid sa kanila ay masuyong nakangiti, masaya ito dahil sa nakikitang sweetness ng dalawa.

"Kamusta yung babae?" anito habang natamang nakatingin sa kaniya. Hinaplos ni Jarred ang mukha ng katipan.

"Hindi ka nagseselos?" tanong niya na ikinapagtaka niya. Kumunot ang noo ni Jasmine.

"Bakit naman ako magseselos? Alam ko naman na ako lang ang mahal mo. Walang dahilan para pagselosan pa ang babae." anito na masuyong nakatitig sa kaniya. Pinisil niya ang ilong nito.

"Gusto ko iyan. Hm, ayos naman na siya, mukhang galos lang naman ang tinamo niya." sagot niya. Tumango-tango ito.

"Kamusta ang pag-uusap niyo ni Cathy?" tanong nito.

Iginiya niya si Jasmine sa upuan para doon maupo. Nang makaupo sila, inihilig ni Jasmine ang ulo sa kaniyang balikat. Hindi niya tuloy maiwasan na mapangiti sa sweetness ni Jasmine.

Parte ba ito ng pagbubuntis niya? Kung parte ito ng pagbubuntis niya, parang gusto niyang buntisin ito lagi. Hindi niya maiwasan na mapailing sa naisip. Kung ano-ano ang nasa isip niya.

Hinawakan niya ang kamay nito at marahang hinaplos. Ikwenento niya na sa katipan ang naging pag-uusap nila ni Cathy. Nang matapos siyang magkwento. Umalis sa pagkakasandal sa kaniya si Jasmine at tinitigan siya ng nakangiti.

"Mas lalo tuloy kitang minamahal dahil sa ipinapakita mo sa mga empleyado mo. Masaya ako sa ginawa mong pagbibgay ng pangalawang pagkakataon sa kaniya." sinsirong pahayag nito habang titig na titig sa kaniyang mga mata Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito.

"Ikaw ang dahilan kaya naging ganito ako. Ikaw ang dahilan kaya lumambot ang puso ko sa mga empleyado ko. Sa ating dalawa, ako ang patay na patay sa iyo." aniya at kinintalan si Jasmine ng halik sa noo. Napatingin sila kay Ate Tessa ng magsalita habang inilalapag ang pagkain sa mesa.

"Masaya ako para sa inyong dalawa. Sana magtuloy-tuloy na iyan, kelan ang kasal?" tanong nito sa nanunudyong boses.

"Ahm, sa huwes muna kami magpapakasal ate." sagot ni Jarred at tiningnan si Jasmine, baka sakaling bawiin nito ang sinabi niya. Tiningnan siya nito.

"Bukas asikasuhin na natin ang kasal Jarred, kausapin mo si Judge Imperal at kakausapin ko sina tita, tito, mom at si dad para mapaghandaan na natin. Ako na rin ang kakausap sa mga kaibigan mo." ani Jasmine sa seyusong boses.

"Ayaw mo talaga makasal tayo sa simbahan?" tanong niya na hindi naiwasang malakipan ng lungkot ang boses. Ginagap nito ang kamay niya.

"Jarred, diba napag-usapan na natin ito? Hindi ko alam kung nasaan si Beatriz, hindi natin alam baka may plano siya. Ang gusto ko lang naman ay makasal tayo at mabasbasan na ng kasal ang bata." paliwanag ni Jasmine. Huminga si Jarred ng malalim. Parang may nakadagan sa kaniyang dibdib.

"Papanhik lang ako sa itaas para makapagbihis." aniya at tumayo na tsaka lumabas ng kusina na hindi lumilingon tsaka pumanhik ng hagdan.

Hindi dapat ganito ang ipinapakita niya kay Jasmine lalo at buntis ito. Bumuga siya ng marahas na hiniga. Hindi niya mapigilan ang sarili. Isa sa mga pangarap niya ang iharap sa dambana si Jasmine.

Mukhang hindi naman na manggugulo si Beatriz, syempre hindi niya naman hahayaan na mangyari iyon lalo at hindi nila alam kung nasaan ito. Maging si Mr. Monero ay hindi alam kung nasaan ito. May humaharang daw sa impormasyon nito kaya hindi nito matukoy kung nasaan ito.

Mayaman ang pamilya ni Beatriz, nasa ibang bansa ang magulang nito at doon nagtratrabaho. Mas ginusto lang talaga ni Beatriz na manatili dito sa Pilipinas para sa pagpapatayo ng negosyo niya at pamamahala nito. Nang marating niya ang kwarto agad siyang nagbihis para makasabay sa hapunan.

"Pupuntahan ko lang po si Jarred, Ate." ani Jasmine. Ayaw niya pa man din na nagtatampo ito sa kaniya. Kailangan din nitong malaman ang rason kung bakit ayaw muna niya ng engrandeng kasal.

"Mabuti pa nga iha, mabuti na rin na masabi mo ang gusto mong sabihin sa kaniya at kung ano ang rason mo." ani Ate Tessa ng nakangiti. Nilapitan niya ito at niyakap.

"Salamat po." aniya. Hinagod nito ang kaniyang likod.

"Baka dahil rin sa pagbubuntis kaya ganiyan ang nararamdaman mo ngayon." umalis ito sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan. "Sige na, puntahan mo na ang iyong tampororot na kasintahan at landiin para mawala ang tampo." biro ni Ate Tessa na ikinatawa niya.

Tumalikod na siya at lumabas ng kusina at pumanhik ng hagdan patungo sa kwarto nila ni Jarred. Nang marating iyon, kumatok siya sa pintuan ng dalawang beses. Nakarinig siya ng yabag mula sa loob.

Ilang sandali lang ay pumihit ang doorknob at bumukas iyon, tumambad sa kaniyang harapan si Jarred na nakadamit pambahay. Lumilitaw parin ang kaniyang taglay na kagwapuhan sa simpleng kasuotang iyon.

"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong niya. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya tsaka binuhat.

"Jarred!" hiyaw niya dahil sa ginawa nito at hinampas ito ng malakas sa balikat.

"Wrap your legs around my waist." utos nito na dagli naman niyang sinunod. Hindi niya mapigilang mapakagat-labi dahil ramdam niya ang pagkalal*ki nito sa kaniyang pang-upo.

"Sorry, hindi ko sinasadyang mahampas kita." hinging-paumanhin niya.

Kinindatan siya nito at iginiya sa kama at naupo ito. Kaya nakakandong na siya rito at mas lalong ramdam niya ang nag-uumigting nitong sandata.

"Ayos lang. basta ikaw ang gagawa nun kahit gaano pa kasakit handa kong tiisin." aniya habang titig na titig sa kaniya. Inirapan ko siya.

"Humuhugot?" tanong niya.

"Basta ba may maibabaon, baby." sagot niya na nakataas ang sulok ng labi.

Hindi niya maiwasang mamula dahil sa biro nito dahil alam niyang may halong kahalayan iyon. Sinimangutan niya ito at ipinalibot ang mga kamay sa kaniyang leeg.

"Ang halay mo talaga kahit kailan." aniya. Tumawa ito at hinalikan siya sa leeg. Napapikit siya dahil sa sensasyon na dala ng kaniyang halik.

"Jarred." da*ng niya at hindi maiwasan na umawang ng mga labi ng pasadahan nito ng dila ang kaniyang leeg. Napasabunot siya sa buhok nito.

"Uhhmm." d***g niya.

Mukhang tumigil na si Jarred sa ginagawa dahil hindi na niya nararamdaman ang pangahas nitong dila sa kaniyang leeg. Habol niya ang hininga ng magmulat siya ng mata. Nagtama ang mga mata nila ni Jarred.

"I miss you." anito habang titig na titig ito sa kaniya.

"I miss you too. Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko napagbigyan ang gusto mo, baby. Masyadong matagal kapag sa simbahan tayo ikakasal. Aabutin iyon ng buwan, at malaki na ang tiyan ko nun dahil hindi naman basta-basta ang paghahanda ng kasal. Syempre, gusto ko rin na kapag ikakasal tayon, ring-bearer ang anak natin.

Gusto kong masaksihan niya ang pinaka-importangteng araw ng buhay natin. Ang pagmamahalan nating dalawa, pinag-isipan ko na ito kanina at alam ni Ate Tessa ang desisyon ko at sumasang-ayon siya roon." Nagbaba siya ng tingin. "Sorry, Jarred." aniya at isinubsob ang mukha sa leeg ng fiance. Ramdam niya ang pagtaas-baba ng dibdib ni Jarred.

"Naiintindihan ko. Ako dapat ang humingi ng paumanhin dahil hindi kita inintindi, alam kong buntis ka pero pinapairal ko ang gusto ko." anito.

Umalis siya sa pagkakasubsob sa leeg nito at tinitigan ito. Punong-puno ng pagsisisi ang mata nito. Ngumiti siya. Hindi pa rin talaga nagbabago si Jarred, siya pa rin talaga ang iniintindi nito.

"Naiinitindihan ko. Kaya heto ako na ang humihingi ng paumanhin. And you're forgiven." aniya at ngumiti.

"I love you." anito.

"I love you too." at naglapat ang kanilang mga labi.

Pagkatapos ng halik na iyon, sabay silang lumabas ng kwarto at nagtungo sa hapag-kainan para pagsaluhan ang hapunan na inihanda ni Ate Tess at ni Jasmine. Makikita sa mukha ng dalawa ang labis na kagalakan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status