Share

Genesaret Viesta

"Maraming salamat po, Manong Samyo." ani Genesaret sa matandang nagtitinda ng mga bulaklak sa isang flower shop sa bayan.

"Walang anuman, iha. Balik ka ulit ah?" anito. Ngumiti siya sa matanda at tumango.

"Oo naman po!" aniya at ikinaway ang kamay rito.

"Mauna na po ako." aniya habang naglalakad patungo sa glass door ng flower shop habang ikinakaway parin ang kamay rito.

"Mag-iingat ka!" anito na tinugon niya ng tango.

Nang makalabas siya, tinungo niya ang bisekleta niya na nasa tabi lang ng shop. Inilagay niya sa basket ang mga pinamili at umangkas sa bisekleta. Malapit na siya sa daan ng biglang may sumulpot na sasakyan sa kanan niya. 

Hindi niya napansin iyon, dahil sa labis na pagkagulat nawalan siya ng balanse na naging dahilan para matumba siya. Na nagdulot sa kaniya ng sugat sa kamay at paa. Naiiyak na siya dahil sa sakit. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napasulyap siya doon. 

Nakahanda na siyang bulyawan ang lalaki pero natigilan siya ng makita ang kabuuan ng lalaki. Sa lahat ng gwapong lalaki na nakita niya, ito na ata pinakagwapo sa lahat. Dahan-dahan lumapit sa kaniya ang lalaki pero nakatanga pa rin siya. Tsaka lang siya bumalik sa kasalukuyan mula sa pagsipat sa lalaki ng magsalita ito.

"Miss, okay ka lang?" tanong nito. Napakurap-kurap siya sa adonis na nasa kaniyang harapan.

"HIndi ako okay, hindi ko alam kung makakatayo pa ako." aniya at pinilit na may lumabas na luha sa kaniyang mga mata. Kitang-kita niya ang awa sa m,ga mata ng lalaki.

"Gusto mo bang dalhin kita sa ospital para matingnan ka?" tanong nito sa nag-aalalang boses. Tumango siya at pilit na sinalubong ang mapang-akit nitong mga mata.

"Yes, please. Pero hindi ako makalakad eh. Okay lang ba na buhatin mo ako?" tanong niya na pinilit na palambutin ang boses at mukha. Mukhang nag-alinlangan pa ang lalaki pero kalaunan ay pumayag din.

"Okay." anito at dahan-dahan siyang binuhat patungo sa kotse nito. Binuksan nito ang passengers seat gamit ang kaliwang kamay at maingat siyang inilapag roon. Ngumiti siya rito.

"Salamat." aniya. 

Tumango lamang ito na para bang ipinagdadamot ang ngiti nito. Bakit kaya? Hindi ba ito nagagandahan sa kaniya? Hindi naman pwede, dahil madami ang nagsasabi na maganda siya! Pinilit niyang ikalma ang sarili at binalingan ito ng makasakay na ito at maniobrahin ang sasakyan. 

"Anong pangalan mo?" tanong niya rito. Saglit siya nitong tinapunan ng tingin at muling ibinalik ang tingin sa harapan.

Lumingon si Jarred sa babae ng tanungin nito ang pangalan niya. Maganda ang babae at mukhang may kaya ito sa buhay.

"Jarred Racqueza." aniya at muling ibinalik ang tingin sa daan. Inilahad nito ang kamay sa kaniyang harapan.

"Genesaret Viesta, but you can call me Gene." anito. 

Sa totoo lang, ayaw magkaroon ng kontak sa mga babae lalo kapag hindi niya ito kilala, Gusto niya nakikita man siya ni Jasmine, maging tapat siya rito. 

Pero sa ngayon, wala namang masama kung tatanggapin niya ang pakikipagkamay nito lalo at halatang mabait naman ito. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

"Jarred Racqueza." aniya at akmang hihilain na sana niya ang kamay niya pero di niya mahila. Siguro ng maramdaman nito na hinihila niya ang kamay ay dagli nitong binitawan iyon.

"Sorry, ang lambot kasi ng kamay mo." puri nito. Ngumiti siya at ibinalik muli ang tingin sa harapan ng mapansin na malapit na sila sa ospital.

 "Malapit na tayo." pagpapaalam niya rito.

Nang marating nila ang ospital, lumabas siya ng sasakyan at umikot patungong driver's seat para alalayan si Genesaret. 

"Awts! Di ko talaga kayang maglakad." anito na may lungkot sa mga mata at pinipilit tumayo pero napapaupo pa rin. 

Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pangkuin ang dalaga. Nang makapasok sila sa ospital, dali-dali silang inasikaso ng nurse at kumuha ng strecher. Inihiga niya ang dalaga ng makalapit ang nurse sa kanila na may dalang strecher.

"Salamat." aniya. 

Ngiti lamang ang iginanti ng nurse at iginiya sila sa room kung saan para sa mga minor bruise at aksidente. Nang marating nila iyon, agad na ipinasok ang dalaga sa loob. Nangungusap na napatingin sa kaniya ang dalaga.

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong nito na kababakasan ng lungkot ang boses. 

Hindi niya tuloy maiwasang mainis sa pagiging demanding ng babae. Sino ba ito para samahan pa niya sa loob?

"Sila na ang bahala sayo. Tatawagan ko muna fiance ko para ipaalam na narito ako." aniya. 

Kinuha sa suot na pulo ang cellphone at tinawagan si Jasmine. Hindi tuloy niya nakita ang pagtalim ng mga mata ni Genesaret habang iginigiya ito patungo sa loob ng silid pagamutan.

Hindi maiwasang mainis ni Gene dahil sa narinig mula sa bibibg ni Jarred. ibig sabihin ikakasal na ito! Sabagay, kahit naman kasal na ito, gagawin niya ang lahat mapasakaniya lang ito. 

May annullment naman at sisiguraduhin niya na mapapasakaniya si Jarred. Hindi niya alm, pero simula ng makita niya ito. Nakaramdam na siya ng matinding atraksiyon dito.

"Miss, ayos na ang mga gasgas mo at wala namang bali kaming nakita. Minor scratches lang kaya pwede ka ihatid ng kasama mo sa inyo." anang nurse na siyang nag-assist sa kaniya.

Ngumiti siya rito, akmang aalalayan siya nito pero kaagad niyang iwinaksi iyon. Bastos na siya kung bastos wala siyang pakielam! Dahil ang gusto niyang humahawak sa kaniya ay si Jarred.

"Okay na, kaya ko na ang sarili ko." aniya at lumabas na ng silid kasama ang bill niya. 

Nadatnan niyang may kausap si Jarred na palagay niya ay ang fiance nito. Hmp! Maghihiwalay kayo, sinisiguro ko iyan! isiguraduhin ko na sakin mapupunta si Jarred Racqueza! Aniya sa sarili. Nginitian niya si Jarred ng lumingon ito sa gawi niya. Lumapit ito sa kaniya.

"Okay ka na? Kamusta ka daw?" tabnong nito. 

Pero kitang-kita niya na parang hindi naman ito sincere sa sinabi. Mukhang mahihirapan siyang paamuin ito, pero gagawin niya ang lahat makuha lang ang loob nito maging ang puso nito.

"Okay na ako. Pwede ba ako magpahatid sa bahay? Ipapakuha ko nalang sa driver namin yung bike bukas." ani ko. Tumango siya.

"Sandali at babayaran ko lang bill natin." aniya at pumunta na sa Billing Section ng hospital sa may pasilyo. Umupo siya sa inupuan kanina ni Jarred. Ilang sandali pa ay bumalik na si Jarred at niyayang umalis para ihatid siya. Nang nasa sasakyan na siya nito, pinagbuksan siya nito ng pintuan.

"Salamat." aniya pero walang tugon ito. 

Huminga siya ng malalim at pumasok na sa loob. Maging ito ay pumasok na sa loob. Binuhay ni Jarred ang sasakyan at minaniobra iyon palabas ng parking area ng ospital tsaka tinahak ang daan pabalik. Samantala, ibinigay naman niya ang direksiyon dito.

"Anong trabaho?" tanong niya rito nang hindi ito umiimik.

"CEO ako ng Racqueza Steel Corporation." anito. Wow! Siya pala ang CEO ng RSC!

"Wow! Actually, my father is an investor. Kung sakali, willing ka ba na tanggapin siya bilang investor mo?" tanong ko na nagbabakasali na pumayag siya. Sinulyapan lan siya nito saglit at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Pag-iisipan ko, Genesaret."

"Call me Gene." aniya. Tumango lang siya. Nang malapit na kami sa bahay. Saktong nasa bakuran si Mr. Viesta at inaasikaso ang mga halaman ng asawa.

"Dad!" aniya at kinawayan ang ama. Lumingon naman ang kaniyang ama at napakunot-noo nang makita ang mga benda niya sa braso at paa. Lumabas na rin ng sasakyan si Jarred.

"Magandang hapon po. Hindi ko po sinasadya na pagliko ko po sa isang kanto kanina ay nabangga ko po siya na naging dahilan para matumba siya at magasgasan." paliwanag ni Jarred. Lumapit si Mr. Viesta at sinuri ang kaniyang mga benda.

"Okay lang po ako, dad. Huwag niyo pong sisihin si Jarred, kasalanan ko po dahil hindi ko po tinitingnan ang daan ng palabas na po ako ng shop ni Manong Samyo." paliwanag niya habang nakatingin ng may pagsuyo sa kaniyang ama. Huminga ito ng malalim.

"Okay. Pero magkakapeklat yan, anak." nito na nag-aalala. Lumapit siya rito at umabresete.

"Okay lang po ako at matatanggal rin ang peklat. Okay?" aniya rito at tumingin kay Jarred na abala sa cellphone. 

Mukhang kausap nito ang fiance nito. Nang matapos ito, bumaling ito sa kanila at ngumiti tsaka dahan-dahang lumapit.

"Kabastusan naman po kung aalis ako ng hindi nagpapaalam." anito at inilahad ang kamay kay Mr. Viesta. Hindi maiwasan ni Gene na mas lalong humanga rito. "Jarred Racqueza po. The owner of Racqueza Steel Corporation." anito. Tinanggap naman ng kaniyang ama ang pakikipagkamay nito.

"Mr. Allan Viesta. Nice to meet you Mr. Racqueza. I'm an investor, pwede mo ako magoing investor sa kompanya mo." anang kaniyang ama. 

Gustong magpasalamat ni Gene sa taas dahil mukhang umaayon sa kaniya ang pagkakataon. Mabuti nalang talaga at nadatnan nila sa bakuran ang kaniyang ama, tiyak na hindi makakatanggi si Jarred.

"Sure po, you can visit to my office in RSC, Mr. Viesta para mapag-usapan natin ang tungkol diyan. Pero sa ngayon kailangan ko na pong umuwi dahil gumagabi na po." anito na may masuyong ngiti sa mga labi.

"Sure. Mag-iingat ka." paalala ni dad. Bago pa man ito tuluyang makapasok sa sasakyan ay agad siyang lumapit rito.

"Salamat." aniya na may sinseridad.

"No worries." anito at tuluyan ng pumasok sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon pabalik. 

Hindi ko hahayaan na maging ganiyan ang pakikitungo mo sakin, Jarred. Hindi ang fiance mo ang nararapat sayo, kundi ako! Sinisiguro ko na maghihiwalay kayo!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status