Share

The Wedding (Special Chapter 5)

Ito na ang araw na pinakahihintay ni Jasmine. Ang muling pag-iisang dibdib nila ni Jarred. Narito siya ngayon sa kaniyang kwarto at inaayusan ni Celine. Habang nakatingin siya sa repleksiyon niya sa salamin, hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ibang-iba ang babae na nakikita niya sa kaniyang harapan. Babaeng punong-puno ng pag-asa ang mababakas sa kaniyang mukha. Napakaganda rin niya ng mga sandaling iyon. Gandang para lang kay Jarred. Pumalakpak si Celine nang matapos siya nitong ayusan.

"Ayan! Perfect!" bulalas ni Celine habang nakangiti na nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. Nagtama ang mga mata nila. Makikita sa mga mata ni Celine ang kasiyahan para sa kaniya.

"Napakaganda mo, Jasmine. Walang tulak kabigin ang iyong kagandahan. Tiyak na mas lalong maiinlove sa iyo si Jarred," anang kaniyang kaibigan. Ngumiti siya. Maski din naman siya ay lalong naiinlove sa asawa.

"Thank you, Celine. Maraming salamat dahil ikaw ang kaibigan ko," aniya at nilingon ang kaibigan. Ngumiti ito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status