Share

Marriage Proposal (Special Chapter 3)

Si Jarred na ang naghatid kay Jayron sa eskwelahan. Hindi na sumama si Jasmine dahil may mga aasikasuhin pa ito sa opisina. Preparatory na siya ngayon. Nang marating ang eskwelahan, inihatid na niya sa silid-aralan ang anak. Ipinakisuyo niya ang anak sa guro nito na si Mrs. Lee.

"Kayo na po ang bahala kay Jayron, Ma'am Lee," aniya. Tumango na may kasamang ngiti ang guro.

"Oo naman po, Mr. Racqueza," sagot nito.

"Susunduin ka ni Daddy mamaya, huh?" aniya.

"Okay po," sagot nito. Inakay na ni Mrs. Lee si Jayron patungo sa silya nito.

Nginitian niya ang guro at umalis na ng silid-aralan. Nang marating niya ang kanyang mamahaling kotse, pumasok siya at pinasibad iyon patungo sa Jewelry Shop ni Celeste. Nang marating iyon, ipinark niya ang sasakyan sa parking area ng shop saka lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng jewelry shop. Nang makapasok siya, ngiti ang ibinungad sa kaniya ng saleslady.

"Good day, Sir Racqueza," bati nito. Tipid niya itong nginitian.

"Good day rin. Nandiyan ba si M
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status