Share

Gender Reveal (Special Chapter 8)

Makalipas ang anim na buwan, may kalakihan na ang tiyan ni Jasmine. Nahirapan man siya sa pagbubuntis pero kinakaya niya. Naging maselan din ang paglilihi niya pero dahil sa pag-alalay sa kaniya ng asawang si Jarred, hindi niya naramdaman ang hirap. Ginawa nila ang lahat para maging malusog ang bata. Umiwas rin siya sa mga bagay na makakapagdulot sa kaniya ng stress at pagod.

Umabsent muna siya sa trabaho ngayong araw. Nagprisinta ang kaniyang ama na ito na muna ang bahala sa mga trabaho niya ng araw na iyon. Sabagay, nandoon naman si Claria para gabayan ang kaniyang ama. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ang repleksiyon sa salamin. Napangiti siya habang tinitingnan ang may kaumbukan niyang tiyan. Tatlong buwan na lang ilalabas na niya ang kanilang anak ni Jarred.

Hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang anak. Pupunta pa lang ngayon si Jasmine sa OB-Gyne para magpa-ultrasound. Sasamahan siya ng kaniyang ina. Hinihiling na sana ay babae ang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status