Share

The Advice

Alas-onse ng umaga ay nagpasyang umuwi si Jarred para manghalian sa mansiyon. Pagkatapos niyang kausapin kanina si Jasmine na halatang wala sa mood dahil sinusungitan siya nito. Nagpabili ito ng cokefloat at hamburger dahil naglalaway daw. 

Napailing-iling nalang si Jarred habang sinasariwa iyon sa kaniyang ala-ala habang nasa isang fastfood chain at inoorder niya ang pinapabili nito. Hindi niya rin pinapansin ang mga tinging ipiupukol ng mga babaeng service crew sa kaniya. 

Yung isang crew naman na katabi ng crew na pinag-orderan niya, dahil sa kakatitig sa kaniya hindi niya napansin na may costumer pala sa harapan, ayun! Nabungangaan ng costumer. Kawawang crew.

Nang maibigay ng crew ang order niya ay lumabas na siya ng restaurant at nagtungo sa sasakyan. Inilapag niya ang dala sa passenger's seat. Mamaniobrahin na sana niya ang sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone niya. 

Alam niya na ito ang tumatawag dahil may sariling ring tone si Jasmine para kung iba ang tumatawag pwede niya ipagsawalang-bahala, pero kung si Jasmine ang tatawag kung anuman ang ginagawa niya itinitigil niya iyon. Ganun niya ito binibigyang importansiya at halaga at ganun niya ito kamahal.

"Hello, heart. Napatawag ka? Miss mo na ako nuh?" biro niya rito.

"Oo, namiss kita pero mas namiss kong kumain ng cokefloat at hambuger. Nakabili ka ba, heart? Nagcra-crave na ako." anito na may kasama pang pagmamaktol. Tinawanan niya ito.

"Makakalimutan ko ba ang pinabili mo? Syempre nakabili na ako. Basta ba may kiss-pirin, yakap-sul, at syempre di mawawala ang bioges*x na kapalit nito. Makukuha ko ba ang mga iyon mamayang gabi?" tanong niya rito. Tumawa ito ng malakas.

"Oo na, dalian mo heart pinagluto kita ng sisig at beefsteak. I love you." anito. Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito. 

"I love you, too. Bye!" aniya.

Ito ang pumatay nang tawag. Pagkatapos mailagay sa dashboard ay minaniobra na niya ang sasakyan pauwi. Ang sarap umuwi sa taong mahal mo lalo at magiging isang buong pamilya na sila.

Pagdating sa mansiyon, agad na lumabas ng sasakyan si Jarred at nagtungo sa loob ng bahay. Pagkapasok niya, narinig niyang may nag-uusap sa kusina. Agad siyang nagtungo roon at nang makapasok, nakita niya sina Ate Tessa at Jasmine na abala sa pagpreprepara ng pananghalian. Napasulyap sa kaniya si Jasmine, at bumaba ang tingin sa hawak niya.

"Omg! Yung pinapabili ko, narito na!" hiyaw ni Jasmine, napasulyap naman sa kaniya si Ate Tessa at ngumiti.

"Good afternoon, Sir Jarred." bati nito, ngumiti siya pabalik dito.

"Magandang tanghali din, Sir." anito. 

Nang makalapit si Jasmine sa kaniya. Agad niyang ibinigay rito ang dala niya. Ibinaba muna ni Jasmine at plastic at niyakap siya tsaka mabilis na hinalikan sa labi. Sumimangot siya.

"Bakit dampi lang, heart. Dapat torrid." aniya habang nakanguso. Tinampal siya ni Jasmine sa balikat.

"Dba sabi ko mamayasng gabi? Nandito si Ate Tessa, nakakahiya." ani Jasmine at umupo sa sa upuan sa mesa. 

Sumunod naman siya, umupo siya sa tabi nito para mapagsilbihan niya ito. Samantala, nasa harap naman nila si Ate Tessa. Tumawa si Ate Tessa.

"Kayo talaga. Alam mo ba kanina hindi mapakali habang hinihintay ka dahil gustong-gusto na talaga niyang matikman yang binili mo." anito at nagsimula ng magsandok ng kanin para sa sarili. Ganun din ang ginawa niya, naghain na rin siya para sa sarili at kay Jasmine kaapg natapos na ito sa kinakain.,

"Grabee! Hirap magbuntis ate. Pero masaya ako dahil magkakaroon na kami ng anak." ani Jasmine at tiningnan siya ng buong paghanga at pagmamahal. 

Hinalikan niya ito sa noo at pinakatitigan. Titig ng isang lalaking sobrang minamahal ang katipan na ilang sandali nalang ay magiging kabiyak na niya.

"Kaya nagpupursige ako para sa kinabukasan niyo at ni baby. Gusto ko magkaroon kayo ng magandang buhay sa pilking ko." aniya, nakatitig din ito sa kaniya ng may buong paghanga at pagmamahal.

"Salamat. Nagpapasalamat ako sa itaas dahil ibinigay ka niya sakin." anitopero pagdaka'y nag-iwas ng tingin at ipinalibot ang tingin sa mesa.

"Pero kailangan na natin kumain. mamaya na ang sweetness!" anito na naging dahilan para matawa silang pareho ni Ate Tessa. 

"Masaya ako dahil anumang unos ang dumating sa buhay niyo, nananatili kayong matatag ang nanghahawak sa isa't-isa. Sana kung may nais mang sumira sa inyo, dapat ang paniwalaaan niyo ang isa't-isa. Hindi sa kung sino lamang na tao na walang ambag sa buhay at relasyon niyo." payo ni Ate Tessa. 

Iba talaga magpayo si Ate Tessa. Damang-dama mo yung mga sinasabi nito at ramdam mo ang pagmamalasakit na nakapaloob sa bawat letrang lumalabas sa bibig nito.

"Makakaasa po kayo, Ate Tessa." magkapanabay nilang bigkas na naging dahilan para mapuno ng tawanan ang loob ng kusina.

Nakaupo si Jasmine sa sofa kasama si Jarred, nagpapahinga muna ito bago pumasok sa trabaho. Nakaunan sa kaniyang hita ang katipan habang hinahaplos niya ang buhok nito. Tinawagan nito si Ms. Ferran na mala-late ito ng pasok. Ang boss nga naman, papasok kapag gusto lalo at masisipag ang mga empleyado nito. 

Nagbibigay kasi ng bonus si Jarred kapag may empleyado siyang nagagawa ng tama at maayos ang trabahong nakaatang sa mga ito. Kaya kahit magtrabaho ng isang araw si Jarred sa kompanya ang maayos pa rin ang pamamalakad niyon. 

"Kamusta ka naman sa opisina?" tanong niya dito. Mula sa pagkakapikit ay nagmulat ng mga mata si Jarred at tinitigan siyang mabuti.

"Hindi okay. Namimiss kita agad. Sana lagi kitang kasama." anito na may kasamang pagsimangot. Pinisil niya ang ilong nito.

"Heart!" ani Jarred. Agad naman niyang tinanggal ang kamay sa ilong nito at hinaplos haplos ang pisngi ng katipan.

"Uhm, i like it baby." ani Jarred na may kasamang pagpikit ng mga mata. 

"Tutal hindi pa naman malaki ang tiyan ko. Pwede bang magtrabaho muna sa kompanya namin? Medyo naboboring na kasi ako rito. Yun nga lang si ate walang kasama, so mas better na mag-hire ka pa ng isa para may kasama si ate." aniya. 

Gusto niyang subukan mamahala ng kompanya at para makapagpahinga pansamantala ang kaniyang magulang. Dahil sa sinabi niya, napabangon sa pagkakahiga si Jarred at pa-indian seat na humarap sa kaniya. Samantala, itinaas nya ang isang paa at itiniklop iyon para magkaharap sila.

"Hindi kita pinipigilan, baby. Pero iniisip ko pa lang na naroon ka at may mga lalaking umaaligid sa iyo ay pakiramdam ko hindi ako makapagconcentrate sa trabaho." anito na may bahid ng lungkot ang nga mata. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ito.

"May tiwala ka ba sakin o wala?" tanong niya rito. 

"Syempre meron, sa mga lalaki ang wala akong tiwala." anito na may talim sa mga mata. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"Sa tingin mo naman hahayaan ko na lumapit sila sakin? Syempre hindi." aniya rito. 

Karamihan sa mga Head Department ay lalaki, ipapasuyo nalang niya sa iba ang ibibigay ng mga ito na report para hindi lang magselos itong lintik niyang kasintahan. 

"Dahil sa ang ibang Head Department ay lalaki, sa mga babae ko ipapasuyo ang reports na ipapasa nila sakin. Kaya huwag ka ng magselos diyan. Okay?" aniya. Tumaas ang sulok ng labi ni Jarred.

"Talagang patay na patay ka sakin nu?" pang-aasar nito sa kanitya. Sinipa nitya ito pero di naman malakas. Dangan nga lamang hinawakan iyon ni Jarred at hinalikan ang kaniyang paa! 

"Jarred! Ano bang ginagawa mo?!" tanong niya habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.

"Sinasamba ka." anito habang matiim na nakatitig sa kaniya. At sa isang kisap-mata dinaganan siya nito. Napalunok siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya.

"Jarred, ba---" 

Naputol na ang iba pa niyang sasabihin ng ilapat nito ang labi sa kaniyang mga labi at mapusok siyang hinalikan. Habang ang isang kamay naman nito ay nasa kaniyang dibdib at minamasahe iyon. Napaungol ng mahina si Jasmine, mabuti nalang sana itaas si Ate Tessa. Parehas silang hinihingal ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

'I love you." anito.

"I love you too." aniya. 

Umalis sa pagkakakubabaw sa kaniya si Jarred at tinulungan siyang makaupo. Nang parehas na silang nakaupo at nakasandal ang katawan sa sofa biglang nagsalita si Jarred.

"Kilala ko na kung sino ang kasabwat ni Beatriz." anito na ikinagulat niya. Bumaling agad siya rito at pinakatitigan.

"Sino?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status