Share

Inviting

Ngayon ang araw na pupunta sina Jarred at Jasmine sa tita nito na si Raquel. Abala sa sarili si Jasmine, tinitingnan ang sarili sa salamin. Inaanggulo ang sarili kung bagay ba ang dress na suot niya. Nang makontento, ngumiti siya at itinuon ang pansin sa paglalagay ng kalorete sa mukha.

Si Jarred naman ay nangingiti na nakatingin sa kasintahan. Hindi niya mapigilang humanga sa taglay nitong kagandahan na siyang laging hinahanap-hanap niya sa tuwing nasa trabaho siya. Ang kagandahan na kailanman ay hindi niya pagsasawaang titigan.

"I'm done!" ani Jasmine at humarap kay Jarred.

"Bagay ba?" tanong niya sa kasintahan. Tumango ito bilang pagsang-ayon. Tumayo ito at nilapitan siya tsaka hinapit sa bewang. Pinakatitigan siya nito.

"Basta ikaw ang nagsusuot, bagay na bagay baby." puri nito sa kaniya na ikinangiti niya. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito na hindi pambobola lamang ang sinasabi nito. Inilapat niya ang labi sa pisngi nito.

"Thank you for giving me self-confidence."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status