Share

Visit

Huminto ang sasakyan sa labas ng gate ng isang katamtamang laking bahay. Lumang istilo ito. Agad na bumaba ang magkasintahan at tinungo ang gate kung saan may doorbell sa gilid niyon. Pinindot ni Jarred ang doorbell ng tatlong beses.

Sa pagpunta sa lugar na ito ay nagtatanong-tanong si Jarred sa mga taong nadadaan nila para humingi ng direksyon patungo rito. Ipinalibot niya ang tingin sa labas, walang gaanong bahay na makikita. Iilan lamang ang nakatayo at medyo malayo na iyon.

"Sino iyan?" ang tawag na iyon ang nagpabalik ng kaniyang paningin sa loob ng compound ng bahay.

Nasa tabi lamang niya si Athalia. Nakita niya ang isang ginang na papalapit sa kinaroroonan nila. Nagsalubong ang kilay niya para mukhaan kung sino ang ginang na papalapit. Biglang nagliwanag ang bakas ng kaniyang mukha ng mamukhaan kung sino ito.

"Tita Raquel!" sigaw niya kasabay ng pagkaway rito.

Nanlalaki ang mga mata ni Raquel ng mamukhaan kung sino ang nasa labas ng gate. Dali-dali itong naglakad patung
AtengKadiwa

Sorry ito lang ang update. Bawi ako sa mga susunod na chapters. Enjoy reading! ☺️

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status