Share

The Visitors

Tumagilid ng higa si Jasmine paharap kay Jarred. Ngumiti si Jarred ng magtama ang kanilang mga mata na tinugon naman niya ng isang masuyong ngiti. Hinawi nito ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatakbong sa kaniyang mukha at iniipit iyon sa kaniyang tainga. Nang matapos nitong gawin iyon, hinaplos nito ang kaniyang pisngi.

"Gusto mo ba sumama bukas? Pupunta ako kina Tita Raquel para imbitahan siya sa kasal natin." ani Jarred habang hinahaplos pa rin ang kaniyang pisngi at mataman nakatitig sa kaniya. Titig na punong-puno ng pagmamahal. Tumango si Jasmine at siya naman ang humawak sa pisngi nito.

"Oo, pupunta ako para ma-meet ko rin ang mga kamag-anak mo sa ina. Gusto ko silang makilala." aniya.

Umusog siya para magdikit ang kanilang katawan. Ramdam niya sa ilalim ng kumot ang hubad na katawan ni Jarred at ang nag-uumigt*ng nitong sandata na animo'y handa sa anumang digmaan. Ipinalibot niya ang kamay sa katawan nito.

"Tiyak na matutuwa sila sa iyo, na ang isang Jarred Racqueza ay napakaswerte dahil natagpuan niya ang isang Jasmine Saderra." anito na titig na titig sa kaniya. Ngumiti siya at tumitig rin dito.

"Ako ang maswerte sa iyo, Jarred. Dahil ang isang mayamang negosyante ang napagtiyagahan ang isang katulad ko. Hindi ko nga inaakala na babalikan mo ako, dahil wala naman akong maipagmamalaki sa iyo." aniya at napakagat labi. Niyakap siya ni Jarred at mas lalo naman niyang isiniksik ang katawan rito.

"Don't say time, baka magtampo na naman ako at hilingin kong kapalit ay ang ngkinin ka ulit." biro ni Jarred na ikinatawa niya tsaka nag-angat ng mukha at pinangigilan ang pisngi nito.

"Ikaw talaga! Napakahalay mo." aniya at binitawan na nag pisngi nito. Ngumisi si Jarred.

"Sayo lang naman ako mahalay eh. Tingnan mo, nabuntis kita, diba?" anito at kinindatan siya. Inirapan niya ito.

"Malamang! Eh nagsalubong ang sperm cell at egg cell natin eh!" aniya na ikinatawa ni Jarred. Natigilan ito.

"Wait! Ipagluluto lang kita ng meryenda." anito.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito. Jarred is always the sweetest. Agad na nagsuot ng damit si Jarred. Nang matapos, nilapitan siya nito at hinalikan sa noo.

"Sumunod ka nalang. Okay?" aniya. Tumango siya.

"Okay." aniya.

Tumalikod na si Jarred at lumabas ng kaniyang kwarto. Nang mag-isa nalang siya, hindi niya maiwasang isipin si Beatriz. Asan na kaya siya? May binabalak na naman kaya itong masama sa kanila? Sana, wala na. Gusto na niyang maging maayos na ang pagsasama nila ni Jarred. Naudlot ang kaniyang pag-iisip ng mag-ring ang cellphone niya na nasa bedside table. Agad niyang kinuha iyon at tiningnan ang caller.

Mom calling... Agad niyang sinagot iyon tsaka inilagay sa tenga ang cellphone.

"Mom, napatawag po kayo? Kamusta po?" tanong niya.

"Gusto ko lang sana humingi ng pasensiya anak dahil hindi kami nakapunta ng iyong dad diyan para pag-usapan ang kasal. Sigurado ka na ba talaga na sa huwes mo gusto magpakasal?" tanong nito.

Napakagat-labi siya. Hindi niya maiwasang isipin kung nagiging mahina ba siya dahil mas inuunahan niya ang takot niya? Pero desidido na siya. At tsaka isa rin naman sa dahilan niya ay ang kaniyang anak. Tumango siya na para bang nasa harapan ang kausap.

"Opo mom, sure na po ako. At tsaka dahil na rin po sa anak ko, mom." sagot niya. Huminga ng malalim ito.

"Okay, kung iyan ang desisyon mo. Bibisitahin ka nalang namin diyan anak. Mag-iingat ka lagi. Excited na kami na lumabas si baby!" anito na ikinatawa niya lang.

"Sige po mom. Mag-iingat din po kayo." aniya at hinayaang ang ina ang pumatay ng tawag.

Inilapag niya ang cellphone sa bedside table at bumaba ng kama tsaka nagbihis. Pagkatapos magbihis, lumabas na siya ng kwarto at nagtungo sa kusina kung saan nagluluto ng meryenda si Jarred.

Napangiti siya. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at pinakatitigan ang makisig nitong katawan. Nakasando lamang ito at kitang-kita niya ang paggalaw ng mga muscles nito sa katawan.

"Staring at me like that is a sin, baby." ani Jarred. Napailing nalang siya. Mukhang alam na nito ang presensiya niya. Lumapit si Jasmine sa kasintahan at niyakap ito mula sa likuran.

"Ano ang niluluto mo?" tanong niya at sinilip ang niluluto nito.

"Sopas," anito at nilingon siya, "tiyak na magugustuhan mo ito." aniya at kinindatan siya." hinalikan niya ito sa leeg na naging dahilan para mabitawan nito ang hawak na sandok. Natatawang umalis siya sa pagkakayakap rito at nagtungo sa mesa at naupo. Humarap ito sa kaniya.

"Jasmine! Bakit mo ako ginugulat ng ganoon?!" anito sa kunwari galit na boses. Nagmamaang-maangan siya.

"Bakit? Masama na ba na halikan kita sa batok? Magpasalamat ka nga at hinalikan kita." biro niya at itinukod ang siko sa mesa at ginamit ang kamay pansalo sa kaniyang mukha. Huminga ng malalim si Jarred.

"Alam mo naman kung gaano kalakas ang epekto mo sakin, Jasmine." aniya. Ngumiti siya.

"Bilisan mo na ang pagluluto, gutom na ako at si baby." pagmamaktol niya. Umiling-iling si Jarred.

"Okay, boss. Basta ikaw." ani Jarred at humarap na sa kalan.

Nang matapos ito ay inilapag na nito sa mesa ang isang mangkok ng sopas at pinagsaluhan nila iyon habang nagkwekwentuhan ng mga bagay-bagay.

Nang matapos silang kumain. Nakarinig sila ng sunod-sunod na doorbell. Agad na tumayo si Jarred.

"Ako na ang magbubukas." anito. Tumango siya bilang tugon at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Iniwan ni Jarred si Jasmine sa kusina na maganang kumakain. Tumaba rin si Jasmine, at mas bumagay iyon sa kaniya. Nang makalabas siya ng bahay at marating ang gate. Agad niyang binuksan iyon. Tumambad sa kaniyang harapan sina Mr. Allan Viesta at si Genesaret Viesta. Kumaway si Gene sa kaniya.

"Hi!" bati nito. Ngumiti lamang siya sa dalaga. Tumingin siya kay Mr. Viesta.

"Kayo po pala, Mr. Viesta," binalingan niya si Genesaret. "at Ms. Viesta. Pasok po kayo." aniya at niluwagan ang pagkakabukas ng gate.

Nang makapasok ang dalawa. Agad niyang iginiya ang mga ito papasok sa mansiyon. Samantala, si Genesaret naman ay hindi maiwasang humanga sa ganda ng view ng bahay mula sa labas. Nang makapasok sila. Iwenestra niya ang sofa sa salas.

"Maupo muna po kayo, Mr. and Ms. Viesta at tatawagin ko lamang si Jasmine, ang fiancee ko po. Nasa kusina po kasi siya at nagmemeryenda." ani Jarred. Tumango si Mr. Viesta, samantala naging mailap naman ang mga mata ni Genesaret.

"Ikakasal ka na pala." anito.

Tumango ng may kasamang ngiti si Jarred at agad na nagtungo sa kusina para tawagin ang kasintahan. Nang makarating sa kusina, tapos nang kumain si Jasmine at hinuhugasan na nito ang pinagkainan. Niyakap niya ito mula sa likuran

"May bisita tayo, baby. Natatandaan mo yung tinulungan kong babae na natumba sa bike dahil sa biglaan kong pagsulpot sa kanto kung saan siya naroon? Narito siya kasama ang kaniyang ama." aniya sa katipan. Kumunot ang noo ni Jasmine.

"Yun ba yung babae na inihatid mo sa kanila?" tanong nito habang nagpupunas ng kamay at nang matapos ay hinarap siya.

Tumango siya. Ipinagpasalamat ni Jarred dahil hindi nagselos si Jasmine ng sabihin niya na inihatid niya ang dalaga sa bahay nito.

"Oo, inalok niya kasi na maging investor ko sa kompanya. Ang sabi ko sa opisina niya ako puntahan. Marahil ay gusto niyang mapag-usapan na namin kaya sinadya niya ako rito sa bahay." aniya. Tumango-tango si Jasmine.

"Okay. Puntahan na natin sila para mapag-usapan na ang dapat pag-usapan."

At, sabay na silang nagtungo sa salas para harapin ang mag-ama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status