Share

Chapter 9.2

Mabuti na lamang at walang halos tao sa parking lot nang dumating sila. Maganda iyon dahil walang makakakita sa kaniya na bababa siya mula sa sasakyan ng boss niya. Iniiwasan pa naman talaga niya ang ma- issue dahil gusto niya ay hindi siya paghinalaan ng mga tao lalo pa at gusto niyang malamang pasikot- sikot sa kumpanya.

Nauna siyang bumaba ng kotse at hindi na niya hinintay pa si Steffano na pagbuksan siya ng pinto dahil baka nga may makakita sa kanila. Mahirap na. Ilang sandali pa ay sumunod na rin naman ito sa kaniya at pagkatapos ay nauna ng naglakad kaysa sa kaniya.

Mabuti na lag din at hindi na siya nito kinausap pa katulad kapag dadalawa lang sila. Tahimik siyang sumunod rito at kapansin- pansin na pagkapasok na pagkapasok nito sa building ay kaagad na nagsisiyukuran ang mga tao rito na animoy tila isang kagalang- galang na tao.

Bigla naman niya naisip na ano kaya ang nakita ng mga ito kay Steffano, o baka hindi pa lang nakikita ng mga ito ang dark side nito at ang akala lang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status