Share

Chapter 2

Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatitig lamang siya sa nakayukong lalaki sa harap niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam ngunit tila ba gusto niyang hilahin ang kamay niya mula rito. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya ng mga oras na iyon kung bakit ganun na lamang ang naramdaman niya.

Napaiwas siya ng tingin at ilang sandali pa ay tila napapaso siyang binawi ang kamay niya mula rito. Awtomatiko namang napaangat ito ng tingin sa kanya na may halong pagtataka kung bakit ganun na lamang ang naging reaksiyon niya.

"Ayaw mo ba?" Nakakunot ang noong tanong nito na may halong pag- aalala na baka hindi niya nagustuhan ang ginawa nito.

Isang tipid na ngiti ang naging sagot niya rito at isang mahinang pag- iling. Hindi naman sa hindi niya nagustuhan ang ginawa nito, kundi ang katawan niya ang hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ang epekto ng isang simpleng pagdaiti lamang ng labi nito sa kamay niya.

Hindi niya naiwasan ang palihim na pagalitan ang kanyang sarili. Mahirap mang aminin ngunit alam niya kung bakit ganuon na lamang ang naging reaksiyon ng katawan niya.

"Hindi naman sa ganun. Nagulat lang ako sa ginawa mo," nakangiting saad niya rito at pagkatapos ay nag- umpisa na naman siyang maglakad kahit pa nag- uusap pa sila.

"Teka lang Miss!" Habol nito sa kanya. Hinayaan lamang niyang habulin siya nito, dahil iyon naman talaga  ang gusto niya mula umisa, ang hinahabol siya nito upang makuha lamang ang atensiyon niya.

Unang- una ay iyon naman talaga ang gusto niya ang habulin siya nito, isa pa ay iyon ang magiging rason upang mas maging eager pa ito na makilala at makuha lamang siya. Kailangan niya munang magpakipot bago siya nito matikman, pero agad niyang ipinilig ang kanyang ulo upang iwaksi ang isiping iyon na pumasok sa kanyang isipan.

Plinano niya ang maghiganti dito gamit ang kanyang alindog ngunit wala sa isip niya ang magpatikim dito. Itinatak na niya sa isip niya iyon dahil siya ang magiging talo sa ginagawa niyang paghihiganti kapag nangyari iyon.

Hindi siya lumingon mula sa pagtawag nito sa kanya o ni tumigil man lang. Nagtuloy- tuloy lamang siya sa kanyang paglalakad na akala mo ay walang naririnig, hanggang sa maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso upang pigilan siya sa kanyang paglalakad. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumigil ng mga oras na iyon at lingunin ito dahil hawak - hawak nga nito ang kamay niya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay tinaasan niya lamang ito ng kilay at pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang kamay nitong nakahawak pa rin sa kanyang mga braso hanggang sa mga oras na iyon.

Tila napapaso naman itong bumitaw mula sa pagkakahawak sa kanyang braso at ngumiti ng bahagya.

"Sorry," hinging paumanhin nito at alanganing nginitian siya. Pinanatili niya ang kanyang postura sa mga oras na iyon kahit pa halos lumundag ang kanyang puso habang nakatitig siya sa gwapong mukha nito habang bahagya lamang nakangiti.

Hindi niya maiwasanang mapatitig sa mga mata nito, mga matang nitong mapang- akit na tila hinihigop siya. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa o ni hilahin man lang ang kanyang kamay mula dito dahil napakalakas ng epekto ng titig nito sa kanya.

Hanggang sa ilang sandali pa ay nakabawi din siya at bahagyang iniiwas ang kanyang titig mula dito.

"Ano iyon?" Tanong niya rito na hindi ito tinitingnan, itinuon niya ang kanyang paningin sa mga taong pumapasok sa gym na iyon.

Narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa kanyang lalamunan at pagkatapos ay nagsalita.

"Pwede ko bang makuha ang number mo?" Rinig niyang tanong nito kaya napalingon siya rito. Napataas ang kilay niya dahil sa tanong nito at tinitigan lamang ito at hindi niya sinagot ang tanong nito. Bigla itong napakamot sa ulo nito at pagkatapos ay bahagyang ngumiti. "Ayaw mo ba? Its okay, or baka gusto mo na lang na kumain sa labas my treat." Nakangiting aya nito sa kanya na ang mga mata ay tila nahihiya dahil sa inaasta niya. Tila naguguluhan ito dahil sa inaasta niya, dahil sino ba naman ang tatanggi sa isang katulad nito na isang hunk, bukod pa doon ay napakayaman nito kaya kahit sinong babae ay magkaka- interes na lapitan o na mapansin lamang nito.

Agad sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at pagkatapos ay umakyat ang kanyang kamay upang haplusin ang mukha nito na may kahalong lambing.

Tila nanigas naman ito sa kinatatayuan dahil sa kanyang ginawa lalo na nang ilapit niya ang kanyang mukha sa tenga nito at binulungan.

"Pick me at 7 at the Hermione Subdivision," she whispered naughtily.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status