Share

Chapter 3.2

Inis na inis na napaupo si Nicole nang ipaghila siya ni Steffano ng upuan, sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya naka- encounter ng taong kagaya ng lalaking iyon, bukod na nga sa napakayabang ay napakamanyak pa dahil harap- harapan siya nitong binastos na daig pa ang isang bayarang babae.

Hindi niya napigilan ang mapabuga ng hangin sa labis na inis. Kung tutuusin ay mas marespeto pa ng kaunti ang taong nasa harap niya ng mga oras na iyon, naibiling niya ang kanyang ulo nang ma- realize ang sinabi niya sa kanyang isip dahil pinupuri na niya ito.

"Sorry for that, " narinig niyang hingi ng paumanhin nito kaya't napaangat ang kanyang ulo at napatingin dito. Sumilay ang nanghihingi ng paumanhing ngiti nito at pagkatapos ay napakamot ito sa ulo. Hindi niya alam kung mangingiti siya sa inaakto nito dahil sa ginagawa nito ay mas lalo lamang gumagwapo ito sa paningin niya.

"Hindi mo naman kasalanan iyon, isa pa bakit ba kase ang mga mayayaman na kagaya ay napakayayabang. " Tuloy- tuloy na sabi niya at iiling- iling pa. Huli na para bawiin niya pa ang kanyang sinabi nang lubos niyang maisip ang kanyang binitawang salita, alam niyang hindi niya na iyon mababawi kaya hindi na siya nag- angat pa ng kanyang paningin at dinampot na lamang ang baso sa kanyang harapan at uminom ng tubig.

Ilang sandali na namayani sa kanila ang katahimikan, hindi niya alam kung hihingi siya ng paumanhin o ano pa ngunit pinili na lamang niya ang manahimik at laking pasasalamat niya ng dumating na ang waiter at inabot na sa kanila ang menu.

Nginitian niya ang waiter pagkaabot sa kanya ang menu at tumitig dito upang mamili na ng makakain.

Pagkalipas ng ilang sandali ay narinig na niyang tinawag ng kaharap niya ang waiter upang kunin na ang kanilang order, nakapili na din naman siya kaya agad din niyang sinabo rito ang order niya.

Pagkaalis na pagkaalis ng waiter ay sumandal siya sa kanyang upuan at ganun din ito, pagkatapos ay nagsalubong ang kanilang mga mata. Halos matigil ang kanyang paghinga, at ramdam na ramdam na niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman iyon.

Hindi niya matanggal o maiiwas man lang ang mga mata niyang nakatitig rito, tila ba siya hinihigop ng mga mata nito. Hindi niya lubos akalain na ganito kalakas ang taglay nitong karisma kung saan ay hindi niya masisisi ang kanyang ate kung bakit ito nabaliw dito ng tuluyan.

Hindi niya maiwasang mapatitig sa gwapong mukha nito, mula sa kilay nito saktong- sakto ang pagkakapal hanggang sa mga mata nitong kaakit akit na may mapipilantik na pilik mata, sa ilong nitong napakaperpekto na akala mo inukit ng isang iskulptor hanggang sa labi nitong napakanipis at halatang napakalambot at tila ba napakasarap hagkan, at hanggang sa mga panga nito kung saan nakakadagdag ito ng pagiging gwapo pa nito lalo.

Ang ilang hibla ng buhok nito na malayang nahuhulog sa noo nito ay hindi nagmukhang magulo kundi ito ay naging isang tila dahilan pa lalo upang mangibabaw ang kagwapuhan nito. Hindi niya maitanggi sa kanyang sarili na talagang kahanga- hanga ang taglay nitong kagawapuhan, dahil noong unang kita niya pa lamang dito ay napansin na niya ang angking kagwapuhan nito ngunit kapag nasa harap mo na pala ito mismo at ilang dipa lamang ang layo sayo ay mas gwapo pa pala ito lalo na kapag tinititigan.

"Done scrutinizing my face?" Pabirong tanong nito na may ngiti sa mga labi, sa pagkakangiti nito ay lumabas ang dimple nito sa pisngi at hindi niya maiwasan ang mapangiti sa loob- loob niya. Gusto niya mang ngumiti ay pinigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang ipahalata dito na tinatablan siya ng karisma nito.

"Pumasa naman ba ako?" Dagdag nitong tanong na may pilyong ngiti na nakaplaster sa mga labi.

Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo at pagkatapos ay tinaasan ito ng kilay upang itago ang kanyang pagkapahiya dahil sa lantaran niyang pagtitig sa mukhs nito ng hindi niya alam kung gaano katagal.

"Yabang." Tanging sagot niya rito at pagkatapos ay inirapan ito at pagkatapos ay pinagkrus ang dalawa niyang kamay sa kanyang dibdib.

"Don't you have a girlfriend?" Nadulas na tanong niya rito at pagkatapos ay nanlalaki ang mga matang napatutop siya sa kanyang bibig. Sa tanong niyang iyon ay tila ipinapahiwatig niya na tila ba interesadong- interasado siya rito.

"Let me rephrase my question —"

"Don't bother. " He cuts her off, habang iiling- iling na may ngiti sa kanyang labi. "I don't have a girlfriend don't worry," dagdag pa nito na iiling iling habang amuse na nakatitig sa kanya.

Sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam na niya ang pag- iinit ng pisngi niya dahil sa mga bagay na pinagsasasabi niya, hindi niya naman sinasadya ang mga iyon ngunit nate- tense siya kung kaya't bigla bigla na lamang bumubuka ang kanyang bibig upang magsalita at hindi na niya iniisip pa ang mga sasabihin.

Siguradong sigurado siya na kasing pula na ng kamatis ang mukha niya ng mga oras na iyon.

"Nasabi ko lang iyon dahil baka may magalit sa akin kung sakali at baka magulat ako isang araw e may humarang sakin sa daan tapos sabunutan ako dahil nakipag- date ako sa boyfriend niya. " Saad niya upang mapagtakpan niya ang kanyang pagkapahiya.

Nakatingin siya sa lamesa ng mga oras na iyon dahil hindi pa siya makatingin sa mga mata nito, ngunit nagulat siya at biglang napaangat ng ulo ng marinig ang mahinang pagtawa nito.

Pulang pula na ito at dahil maputi ito ay halatang- halata ang pagpipigil ng tawa nito.

"You are over reacting. " he commented with a playful smile on his lips.

Inirapan na lamang niya itong muli at pagkatapos ay muling humalukipkip. Napahiya na nga siya't lahat lahat ay tinatawanan pa siya nito, pero ang totoo ay sinabi niys lamang iyon para makuha niya ang loob nito at hindi naman siya nabigo. Paniwalang- paniwala ito sa acting skills niya na napakatagal niyang inensayo at pinaghandaan.

Thats right Steffano, tumawa ka hanggang gusto mo ngayon dahil sa dulo ako naman. Sabi niya sa kanya isip. And a devilishly smile slowly appeared on her lips, na agad din niyang tinaggal upang hindi nito mahalata.

Halos maluha- luha pa ito sa pagpipigil ng tawa at natigil lamang ito ng dumating na ang kanilang order at nag- umpisa ng kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status