Share

Chapter 7

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa byahe nila. Siguro ay dahil na rin iyon sa puyat niya kagabi at isa pa ay maaga pa siyang nagising kanina. Nagising nga siya dahil naramdaman niya ang paghalik sa kaniya ni Steffano.

“We’re here.” nakangiting sabi nito nang magmulat siya ng knaiyang mga mata.

Kaagad naman niyang inilibot ang tingin sa kaniyang paligid at nasa parking area na sila. Ilang sandali pa nga ay napahikab pa siya at pagkatapos ay napainat. Hindi niiya tuloy alam kung gaano ba siya katagal na nakatulog dahil umpisa pa lamang yata ng byahe nila ay nakatulog na siya. Hindi niya na naman tuloy nakita ang mga dinaanan nila katulad noong una siyang dinala nito sa condo nito.

Umayos siya ng kaniyang upo at napatitig lamang s alabas ng bintana. Samantalang si Steffano ay bumaba na ng sasakyan at pagkatapos ay binuksan na ang pinto sa likod nila para ilabas ang maleta niya. Pagkatapos nitong maibaba ang maleta niya ay umikot ito patungo sa tapat niya at binuksan ang pinto.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status