Share

Chapter 1

NAGPAPAHID ng pawis si Nicole, may papikit pikit pa ang kanyang mga mata at feel na feel niya ang kanyang ginagawa. Nasa loob siya ng gym ng mga oras na iyon, hindi dahil gusto niyang mag - exercise kundi dahil gusto niyang makakuha ng atensiyon. Atensiyon na napakatagal na niyang inaasam- asam sa kanyang buhay.

Wala naman na siyang problema sa katawan niya, ang katunayan pa nga ay matatawag ng perpekto ang katawan niya dahil medyo may kalakihan ang kanyang hinaharap at ang kanyang beywang ay maliit lamang at ang kanyang pang- upo ay meron ding kalakihan.

Nakasuot siya ng tipikal na pang gym na damit kung saan halos lumuluwa na ang kanyang suot dahil sa kanyang dibdib. Alam niyang ang mga kalalakihan sa lugar na iyon kanina pa, simula nang pumasok siya ay hindi na mapakali ngunit sinawalang - bahala na lamang niya hanggang sa pumasok na ang taong inaantay niya.

Humarap talaga siya kung saan ang lokasyon nito, alam niya kahit hindi siya lumingon ay pinapanuod siya nito dahil sino ba naman ang hindi mag-nanais na tingnan siya lalo pa at pinagpala siya sa lahat hindi ba? Katawan at ganda iyon ang alas niya.

Kahit may pamunas siya kanina at lagkit na lagkit na sa kanyang sarili ay hindi niya pa rin ginawa ang magpunas ng kanyang pawis. Hinayaan niya munang tumulo ang mga ito sa kanyang katawan upang mas magandang tingna kapag nagpunas na siya.

Sinadya niya rin na ilapag ang kanyang dalang bag sa lapag upang kapag yumuko siya ay makikita nito ang kanyang dibdib na alam niyang hindi nito maiiwasang tingnan dahil alam niya ang uri nitong lalake.

Hindi siya magaslaw na babae at unang- una ay hindi rin siya babaeng kaladkarin, ngunit ginagawa niya ang lahat upang mapalapit sa lalaking ito. Napakatagal na panahon niyang pinaghandaan ang kanilang pagkikita at napakatagal din niyang hinintay ang tamang oras upang magkita silang dalawa at nasisiguro niyang ito na ang tamang oras.

Yumuko siya upang kunin ang kanyang towel sa kanyang bag. Hindi niya alintana ang mga tingin ng ibang mga lalaking naroroon, ang iba pa nga ay halos lumuwa na ang mga mata at ang iba naman ay halos napapasipol na.

Kanina lamang pagpasok niya ay may hindi na nakapagpigil na lumapit sa kanya ngunit hindi niya na lamang ito pinansin at sinabing wala siyang oras na makipag- usap dito. Ngunit kung ito ang lalapit sa kanya ay nasisiguro niyang sasama pa siya rito pauwi sa bahay nito.

Pagkadampot ng tuwalya ay agad siyang tumayo at dahan- dahang nagpunas ng kanyang pawis. Hindi niya alam kung may epekto nga ba talaga siya rito ngunit alam niyang malakas ang kanyang karisma lalo pa at ganun ang suot niya.

Hanggang sa ilang saglit pa ay nakarinig siya ng isang boses sa kanyang tabi kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Kung pwede lamang ngumiti ng mga oras na iyon ay ngumiti na siya, ngiti ng isang tagumpay.

Mukhang umaayos sa kanya ang tadhana ng mga oras na iyon dahil ang lalaking nasa harap niya ng mga oras na iyon ay walang iba kundi si Steffano Ford. Ang lalaking napakatagal niyang plinanong mapaibig. Ang lalaking napakatagal niyang sinubaybayan.

Agad na gumuhit ang ngiti nito sa mga labi, ngiti na nasisiguro niyang mapag-linlang.

Kung ibang babae lamang siguro siya ay nasisiguro niyang lulundag ang kanyang puso kapag nasilayan niya ang ngiti nito ngunit kilala na niya ito mula ulo hanggang paa, kaya nasisiguro niyang hinding- hindi na siya nito maloloko at madadaan sa mga ngiti nito.

Sinuklian niya ng ngiti ito, ngiti na mapang- akit at upang maging mabisa ang kanyang pagpapanggap ay sinulyapan niya ang katawan nito mula ulo hanggang paa at until unti napakagat - labi. Hindi maitatago na maganda ang hubog ng katawan nito lalo pa at nakasuot ito ng kulay puting t-shirt kung saan humahakab ang buo nitong katawan.

May matipuno itong dibdib at nasisiguro niya na napakasarap mapailalim sa dibdib nito. May perpekto itong mga abs na tila nililok ng isang magaling na skulptor at hindi niya napigilan ang sariling hindi mapatitig sa pang- ibabang bahagi ng katawan nito kung saan naroon ang ipinagmamalaki nitong alaga.

Bagamat tulog iyon ay nasisiguro niyang malaki iyon dahil sa hubog nito at halos hindi niya mapigilan ang sariling maglakbay ang kanyang isipan kung ano ang istura nito kapag nakita na ito ng kanyang dalawang mga mata.

Isipin pa lamang iyon ay nakaramdam na siya ng init na nagmumula sa pagitan ng kanyang mga hita kaya paano na lamang kung nasa harap na niya ito mismo at wala ng damit na nakatakip dito.

Napapikit siya sa isiping iyon at ipinilig niya ang kanyang ulo. Dapat ay hindi siya nag- iisip ng mga ganung bagay dahil labas iyon sa kanyang plano.

"What's the matter?" Rinig niyang tanong nito kaya muli siyang napamulat ng kanyang mga mata. Napatitig siya sa mga mata nito nang oras na iyon. Kitang- kita niya ang pag- aalala sa kanya kahit na hindi pa siya lubusan nitong nakikilala at iyon pa lamang ang unang beses na nagsalubong ang mga landas nila.

Napailing na lamang siya at napangiti ng isang tipid na ngiti.

"Wala naman." Simple niyang sagot at pagkatapos ay tumalikod na. Yes tinalikuran niya ito kahit na gustong- gusto na niyang kausapin ito at kwestyunin tungkol sa mga bagay- bagay ngunit nagtimpi na lamang siya at hinayaan itong nakasunod lamang ng tingin sa kanya.

Alam niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya dahil ramdam na ramdam niya ito. Alam niyang pinapanuod nito ang bawat galaw niya mula sa kanyang likuran. Aalis na siya, tutal naman ay nagkita na sila. Nasisiguro niyang ito na ang simula ng lahat. Ito na ang magiging simula ng pagsasakatuparan niya ng kanyang mga plano.

Hanggang sa narinig niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan at pagkatapos ay naramdaman niya ang paghawak nito sa isang braso niya. Hinabol na pala siya nito kaya napilitan siyang lingunin ito kahit labag sa kalooban niya.

Muli niyang ibinalik sa kanyang labi ang mapanukso niyang ngiti at pagkatapos ay nakataas ang kilay na tinanong niya ito.

"Yes?" Tanong niya rito habang nakangiti, ang kanyang isang kamay ay nakahawak sa strap ng dala niyang bag at ang isa naman ay nakahawak sa isang tuwalya na ipinampunas niya sa kanyang pawis mula sa kanyang katawan.

Kitang- kita sa ekspresyon ng mukha nito na tila gulat na gulat at mas lalo pang lumapad ang ngiti niya dahil dito. Lalo nang makita niya ang paglunok nito dahil siguro sa pagpipigil nito sa kanyang sarili.

Nakita niyang ibinuka nito ang bibig nito ngunit hindi nito nagawang magsalita. Napakamot na lamang ito ng ulo at bahagyang napailing at pagkatapos ay sumilay ang isang nahihiyang ngiti sa mga labi nito.

"I just want to ask what's your name?" Mahina nitong tanong sa kanya. Kitang- kita niya ang paglikot ng mga mata nito na sumuyod sa buong katawan niya. Bagamat alam niyang nagsawa na ito kanina sa pagtingin sa katawan niya ay mas lalo pa siyang humarap dito at nagpunas sa kanyang dibdib.

Kitang- kita niya kung paano nagtaas baba ang adams apple nito at nagpipigil sa kanyang paglunok. Napangiti siya aa loob- loob niya lalo na nang makita niya ang pagkuyom ng mga kamay nito at pagkatapos ay hindi niya sinasadyang mapatingin sa baba ng sinturon nito kung saan kitang- kita ng dalawa niyang mata ang unti- unting pagbukol ng isang bagay doon.

Nagtaas siya ng kanyang tingin, hindi sa mukha niya ito nakatingin kundi sa dalawang malulusog niyang mga dibdib.

Nang mapansin nito na nakatitig siya sa mukha nito ay nag- angat ito ng tingin. Kitang- kita sa mga mata nito ang pagnanasa na halos hindi nito kayang pigilan kahit pa sa harap niya mismo.

Kung ang ibang babae ay nababastusan na sa ginagawa nito, siya ay kabaligtaran naman dahil tuwang- tuwa siya sa nakikita niya dahil apektadong apektado ito sa alindog niya.

Halos mamula ang buong mukha nito dahil sa labis na pagnanasa.

"I am Nicole." Nakangiti niyang sagot sa tanong nito. "And you are?" Kunwari niyang tanong dito kahit pa sa totoo lang ay alam na alam niya ang pangalan nito, gusto niya lang na hindi siya mahalata nito.

"Stefanno," nakangiti namang sagot nito sa kanya at pagkatapos ay inilahad ang kamay nito.

Napatingin siya sa nakalahad nitong kamay at nagdadalawang isip pa kung tatanggapin niya iyon. Iyon ang unang pakikipagkamay niya rito kung tutuusin kaya minabuti na lamang niya na abutin ito.

Noong oras na dumaiti ang balat niya sa balat nito ay ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa balat nito. Lalo pa nang makita niya yumuko ito at hinalikan ang likod ng palad niya.

Halos bawiin niya ang kamay niya rito nang dumampi ang mga labi nito sa kanyang balat. Pakiramdam niya ay ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa mga labi nito papunta sa kanyang katawan at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay tila nag- init ang kanyang pakiramdam ng mga oras na iyon. Tila umabot ang init na gumapang mula sa kamay nito hanggang sa pagitan ng kanyang mga hita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status