Share

Chapter 3.5

Hindi niya napigilan pa ang kanyang sarili na kumawala ang isang ungol mula sa kanyang bibig. Hindi niya ito namalayan at hindi niya din ito inasahan. Pinipilit niyang imulat ang kanyang mata at pinipilit din niyang gisingin ang kanyang sarili dahil nawawala na ang katinuan niya dahil sa dala ng init ng labi nito.

Ngunit habang nilalabanan niya ang kanyang sarili ay mas tumitindi lamang ang pagnanais ng isang bahagi ng katauhan niya sa mga ginagawa nito sa kanya ng mga oras na iyon.

Ngunit kahit pa ganun ay inipon niya ang lahat ng katinuan na natitira pa sa kanyang utak at itinaas niya ang kanyang kamay hanggang sa mapunta ang mga kamay niya sa dibdib nito. Handa na siyang itulak ito palayo mula sa kanya ngunit biglang nagbago ang galaw ng labi nito.

Mula sa padampi- damping galaw ng kanyang labi ay nag- umpisang maging mapusok ito. Ang kaninang panlalaban na nasa kanyang isip ay napawing lahat at natangay ng init ng labi nito.

Nasa dibdib nito ang kamay niya ng mga oras na iyon
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status