Share

Chapter 6

Napabuga ng hangin si Nicole at pagkatapos ay napaupo sa kaniyang kama, katatapos niya lang mag- empake ng kaniyang mga gamit ng mga oras na iyon. Medyo napagod siya dahil madami din siyang mga damit pero hindi naman lahat ay ikinarga niya sa kaniyang maleta. Pinili lamang niya ang mga inilagay niya, mga damit pang opisina at syempre ang mga damit na pang- akit niya kay Steffano. Hindi pwedeng mawala ang mga iyon dahil unang- una ay iyon naman talaga ang plano niya.

Ilang sandali pa nga ay napatitig siya sa isang maletang damit niya. Hanggang kailan kaya siya mananatili sa tabi nito? Hindi niya alam kung gaano katagal ang gugugulin niyang panahon para tuluyang maisakatuparan ang paghihiganting hinahangad niya. Pero kailangan niyang bigyan ng palugit ang sarili niya dahil hindi naman pwedeng ubusin niya ang kaniyang oras sa paghihiganti lamang kay Steffano.

Napatitig siya sa kisame, ganun na rin sa kabuuan ng silid niya. Ilang buwan niya kayang hindi makikita ang condo niya. Muli siya
eleb_heart

pa- rate naman po salamat!;)

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status