Share

Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)
Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)
Author: La Tigresa

Prologue

PROLOGUE

August 2007

Baguio City, Philippines

Hindi mapigilan ng labimpitong taong gulang na si Thera ang pagkabog ng dibdib nang makita ang matangkad na lalaking lumalabas mula sa glass door ng Sean and Tan’s Tea Caf. Bigla-bigla, humina ang tugtog na nagmumula sa headset na nakasuksok sa magkabila niyang tainga. Kahit naka-full volume, mas nangingibabaw pa rin nang di-hamak ang lakas ng tibok ng puso niya kaysa sa suwabe at malamig na boses ng singer ng isa sa mga paborito niyang kanta, ang “Close to You” ng The Carpenters. Theme song iyon ng kanyang mga magulang.

Naramdaman ni Thera ang mahinang pagsiko ni Kisses sa tagiliran niya. Senyales na nakikita rin nito ang lalaking nakikita niya. Hindi lingid sa kaalaman ng kaibigan ang lihim niyang pagtingin sa binata. Hindi siya umamin pero kusa nitong nahalata.

Sean De Marco. The man who was too perfect and unfortunately, way too out of Thera’s league. Well, sa ngayon. Sean was a young entrepreneur. Rich, smart, and jawdroppingly handsome. Tuwing nasa paligid ang binata, parang nahahawi gaano man kakapal ang mga ulap, parang nabubuksan ang langit, at bumababa mula roon ang mga anghel—para umawit at sumilay na rin.

Napangiti si Thera sa naisip, ang corny niya.

Sean’s thick eyebrows paired with those dark penetrating black eyes plus that signature unwavering gaze of his, alam niya na iyon ang ilan sa mga katangiang humahatak sa mga kadalagahan at kabaklaan na mahulog sa lalaki. Sean was five feet and eleven inches tall. Kahit ang suot nitong itim na long sleeves at denim jeans ay hindi kayang itago ang almost well-developed nitong muscles at mahahabang binti. He was physically very attractive.

Hindi nakakapagtaka kung saan nanggaling ang gandang lalaki ni Sean. His twin brother, Tan, and their father, Chase De Marco, were both dangerously good-looking. Bukod pa iyon sa katotohanang napakaganda rin ng mama nito. Charry De Marco was one of the best singers in the country, kung hindi lang ito maagang nagretiro sa pagkanta at nagdesisyon na mag-focus na lang sa pamilya.

Sean was one of the owners of Sean and Tan’s Tea Caf. Kasosyo nito sa negosyo si Tan na tutok sa pag-aaral ng medisina. Si Sean lang ang nagpapatakbo ng coffee shop mula nang magbukas iyon anim na buwan na ang nakararaan.

Katapat ng Tea Caf ang DM University na pag-aari din ng mga De Marco. Sa DM University-Baguio nag-aaral sina Thera at Kisses. First year college sila at parehong kumukuha ng kursong HRM. Masuwerte siya para mapasama sa sampung estudyanteng nabigyan ng full scholarship.

Ni minsan, hindi nakita ni Thera na nakikihalubilo sa kung kani-kanino si Sean. Tahimik ito at seryoso. Nagtataka siya kung bakit pinili nitong pasukin ang negosyong coffee shop gayong kung tutuusin ay hindi naman ito approachable at accommodating kahit sa mismong customers nito.

Nakita ni Thera na nahinto si Sean sa paglalakad papunta sa nakaparadang itim na Hyundai Tiburon nang lapitan ito ng dalawang babaeng pamilyar sa kanya. He took his headphones off, swung around to meet the two women who always seemed to be orbiting around him.

They were Mara and Isabelle. Ang matalik na magkaibigan na madalas niyang nakikitang pumapasok sa loob ng Tea Caf para um-order ng milk tea. Duda siya kung may flavor pa ng milk tea na hindi natitikman ng dalawa.

Naiinggit siya. Wala kasi siyang one hundred twenty pesos na budget para sa pinakamurang milk tea na sine-serve ng café. Kung mayroon sana, aaraw-arawin din niya ang pagpunta roon para may libreng sulyap na rin siya.

“Gusto mo bang i-try nating pumasok sa loob minsan?” tanong sa kanya ni Kisses.

Ngumiti si Thera. Narinig niya ito pero hindi niya sinubukang ilayo ang titig kay Sean. Inalis niya ang headset na nakasuksok sa kanyang tainga. Dama niya ang pinong kirot sa dibdib habang nakatingin sa tatlo. She wished she had Mara and Isabelle’s courage para lapitan ang kaisa-isang lalaking ilang linggo na rin niyang pinag-uukulan ng pagtingin.

Kung nanggaling siguro siya sa maykayang pamilya, mapera, at may sariling negosyo at bahay, confident siguro siya. Kaso wala, eh. Wala na nga siya isa man sa mga nabanggit, wala pa siyang matatawag na pamilya. May dalawa siyang natitirang kamag-anak, sina Tito Jaime at ang nag-iisa nitong anak na si Joshua. Kapatid ni Tito Jaime ang nanay niyang si Lorena. Ang tatay niya, si Albert, ay ilang taon nang patay dahil sa isang aksidente sa daan. Halos isang taon lang ang lumipas, nawala na rin sa kanya ang ina. Dahil walang ibang kamag-anak, napilitan sina Tito Jaime at Joshua na kupkupin siya.

Dahil wala pang maipagmamalaki, kailangan niyang kumbinsihin ang sarili na makontento muna sa titig at tanaw kay Sean mula sa malayo. ‘Sabagay, for now, kontento naman talaga siya. Masilayan nga lang ang binata kahit saglit lang ay sapat na para mabuo ang araw niya.

“Kapresyo ng tatlong kilong bigas ang milk tea sa Tea Caf, Kisses. Dalawang araw na kain na rin namin ‘yon sa bahay. Sayang.”

“Eh, pa’no, hanggang tanaw ka na lang?”

“‘Di ba ganoon naman talaga dapat ang ginagawa ng mga tulad nating mahihirap? Hanggang paghatid lang ng tanaw sa mga lalaking hindi natin maaabot ang estado ng buhay kahit kailan?” 

Thera was supposed to smile bitterly pero maluwang ang pagkakangiti niya. Magandang tanawin para sa kanya ang bored na ekspresyon ng mukha ni Sean habang kulang na lang ay mamilipit sa kilig ang dalawang babaeng kaharap nito.

“Sabi mo sa ‘kin, kung mayroon kang lalaking gustong makatuluyan, si Sean De Marco ‘yon kahit palarin ka pang makilala si Jerry Yan in the near future. Pero malabo, bes. Langit ‘yong tao, lupa ka lang.”

“Hindi ka pa rin ba naniniwala sa kalooban ng langit, Kisses?”

Kumunot ang noo ng kaibigan. “Heaven’s will? ‘Yong makontento na lang sa pagsilay ang totoong kalooban ng langit para sa ‘ting mahihirap, kasasabi mo lang.”

Sapilitang binawi ni Thera ang tingin sa binatang tinalikuran ang dalawang babae—nang walang paalam para sagutin ang tawag sa cell phone nito. Bumaling siya kay Kisses na nakatingin din kay Sean.

“Isang araw, magkakaroon ako ng malaking bahay na maraming kasambahay, Kisses. Magarang kotse, maraming pera, at si Sean mismo, nakatira sa bahay ko, tatay ng mga anak ko.” Ngumisi siya sa kaibigan na napailing na lang.

Naniniwala si Thera na ang sekreto ng suwerte ay ang pagiging mabuting tao. Mapupunta sa taong may busilak na puso ang kalooban ng langit. All the desires of her heart, kahit iyong mga imposible, one day, the heaven and the universe would conspire to make it happen.

Hindi habambuhay na wala siyang pera. Maiaahon din niya sa hirap ang sarili at ang natitirang kamag-anak. Hindi habambuhay na ordinaryo lang siyang babae. At hindi habambuhay na hindi siya mapapansin ng lalaking gusto.

Nang ibalik ni Thera ang tingin kay Sean, she found him already looking at her. She smiled as her heart pounded against her chest. For less than five seconds, they held gazes. Blangko ang kay Sean habang tago ang kilig sa kanyang mga mata.

She wished she could wipe the smile off her lips, pero kahit hanggang makasakay si Sean sa kotse, paandarin iyon at lampasan silang magkaibigan, nakapagkit pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
jerry yan..............................
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status