Share

Chapter Twenty Eight: Miracle from Heaven

Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.

“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.

Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.

Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.

“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”

Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status