Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)

Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino)

By:ย ย La Tigresaย ย Completed
Language:ย English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
17 ratings
35Chapters
24.1Kviews
Read
Add to library

Share:ย ย 

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Thera De Marco was hated and feared by many. For inexplicable reasons, within five years of marriage to her husband Sean, she has gone from being soft-hearted and happy, to savage and ill-tempered. Despite her unhappiness, and her hate towards her husband she has refused to get her marriage annulled. Ilang buwan bago ang kanyang ika tatlumpong taong kaarawan, Thera is hit by a car, causing her memory - before she meets Sean, to be wiped out. When she resumes her life, she begins to question why she was so unhappy in her marriage. Magbabago kaya ang damdamin ni Thera para sa asawa habang wala siyang maalala? Or do the secrets run deeper than she ever realized?

View More
Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
Nadia Talagon
nice story
2023-07-14 12:28:29
0
default avatar
Janine Racoma-Enolba Alegrado
........................
2021-10-01 12:17:30
0
user avatar
Jay-ar Tercero
ganda po ng story
2021-06-27 03:04:54
2
user avatar
Jay-ar Tercero
ganda ng story
2021-06-19 04:06:13
2
user avatar
jamez
๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ™๐Ÿ‘‹
2021-06-12 05:02:05
2
default avatar
Cofyco
Great story!
2021-06-09 07:59:40
1
user avatar
Lea Garrovillas
nice story
2021-06-05 05:47:28
1
user avatar
Lea Garrovillas
nice story
2021-06-05 05:47:12
1
user avatar
Aei Jai
Love it ๐Ÿ˜˜
2021-05-25 19:23:26
1
user avatar
Hara Anito
i love the story ๐Ÿ˜
2021-05-24 21:18:50
1
user avatar
Hara Anito
i love the story.โค
2021-05-09 13:22:40
1
user avatar
Sonia Ortega
Good story.
2021-05-05 14:45:29
1
user avatar
Jonabel Salvador Abique
Thank you author sa napakagandang story๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜
2021-05-03 06:34:37
1
user avatar
Anku Gaba
Can I get the English version plz
2021-04-28 17:53:35
1
default avatar
rachel
A very nice story
2021-04-25 21:00:03
1
  • 1
  • 2
35 Chapters
Prologue
PROLOGUE  August 2007Baguio City, Philippines  Hindi mapigilan ng labimpitong taong gulang na si Thera ang pagkabog ng dibdib nang makita ang matangkad na lalaking lumalabas mula sa glass door ng Sean and Tan’s Tea Caf. Bigla-bigla, humina ang tugtog na nagmumula sa headset na nakasuksok sa magkabila niyang tainga. Kahit naka-full volume, mas nangingibabaw pa rin nang di-hamak ang lakas ng tibok ng puso niya kaysa sa suwabe at malamig na boses ng singer ng isa sa mga paborito niyang kanta, ang “Close to You” ng The Carpenters. Theme song iyon ng kanyang mga magulang.Naramdaman ni Thera ang mahinang pagsiko ni Kisses sa tagiliran niya. Senyales na nakikita rin nito ang lalaking nakikita niya. Hindi lingid sa kaalaman ng kaibigan ang lihim niyang pagtingin sa binata. Hindi siya umamin pero kusa nitong nahalata.Sean De
Read more
Chapter One: Mrs Sean De Marco
CHAPTER ONEMRS. SEAN DE MARCO  October 08, 2019The Palace Mall and Hotel  Bumukas ng pinto ng ladies’ room. Magkakasunod na pumasok ang tatlong uniformed employee ng The Palace Hotel. Iyong isa, pumasok sa bakanteng cubicle habang humarap naman sa salamin ang dalawang iba pa. Halos sabay ang mga itong naglabas ng pouch at makeup kit para mag-retouch.“Totoo bang nakakatakot ang Vice President, Ma’am Lira?” tanong ng pinakabata sa tatlo. She was twenty-one, newly hired.“Sa tingin mo ba, tatawagin siyang ‘Vice Devil’ ng ninety-nine percent ng mga empleyado sa Palace Mall and Hotel for nothing, Joy?” sagot ng tinawag na Ma’am Lira. Iritable itong bumuntong-hininga. “Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pang pumunta ng Vice President dito sa P
Read more
Chapter Two: Devil Personified
CHAPTER TWO DEVIL PERSONIFIED  October 13, 2019  Huminga nang malalim si Thera nang bumukas ang elevator sa fourth floor ng condominium. Katatapos lang ng session niya with her gay fitness instructor at paakyat na sa unit niya sa eighth floor.Pares ng Adidas running shoes, Adidas white tee shirt, at leggings ang suot niya. Humakab iyon sa kanyang firm behind at na-emphasize niyon lalo ang long shapely legs niya.Hers was the kind that all men would want to climb and worship ayon sa instructor niya. The bastard was expecting her to smile sheepishly or blush for the flattery pero sinamaan niya ito ng tingin. Ano ang alam nito sa mararamdaman ng isang tunay na lalaki kung hindi naman ito straight?Not all men would fall for long brilliant legs. She knew someone who did not. And hated him to the bones until now.
Read more
Chapter Three: Mr. Sean De Marco
CHAPTER THREE SEAN DE MARCO  October 15, 2019  Inilapag ni Thera ang tasa ng mainit na kape sa ibabaw ng glass center table. Nag-ring ang cell phone niya at iniabot iyon sa kanya ni Laida mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa.“Hello,” bati niya bago pa makapagsalita si Laida para sabihin kung sino ang nasa kabilang linya.“Thera?”Humugot siya ng malalim at maingay na hininga nang makilala ang boses. Matalim ang tingin niya kay Laida na kinagat ang ibabang labi.“Thera, tulungan mo ‘ko, please. Nakakulong si Joshua. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong pera pampiyansa. K-kapapanganak ko lang. Wala akong ibang malalapitan.”Pairap na iniikot ni Thera ang mga mata. “Ano’ng kaso?”“R-robbery. Pero hind
Read more
Chapter Four: The Big Boss
CHAPTER FOUR THE BIG BOSS  Padarag na ibinagsak ni Thera ang pinto ng pickup nang pumarada iyon sa tapat ng Sean and Tan’s. Of all places, bakit sa Tea Caf pa siya dinala ni Sean? Supposedly, close na dapat ang coffee shop pero may ilaw na nakabukas sa loob. Hindi niya alam na nag-e-extend na ng working hours ang Tea Caf. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tumuntong sa lugar na iyon.As far as Thera could remember, si Sean ang totoong sadya ng mga babae at baklang customer ng Tea Caf noon. Hindi ang Instagramable café o ang cozy ambience o ang sikat na blended coconut coffee o ang nakakapaglaway na milk tea o ang cakes and pastries na naka-display malapit sa counter.Ilang beses nang nag-viral ang Tea Caf sa social media noong first quarter ng 2009. Mali, si Sean ang totoong nag-viral at hindi ang Tea Caf mismo.Isang estudyante sa DM University
Read more
Chapter Five: Who are you?
CHAPTER FIVE WHO ARE YOU?  Sinulyapan ni Thera ang matangkad na lalaking kanina ay nagisnan niyang nakatunghay sa kanya. Nakatayo ito malapit sa kitchen counter sa loob ng hospital room at may kausap sa cell phone nito.Lumayo ito nang dumating ang tinawag nitong doktor. Walang dudang may kaya ang lalaki kung pagbabasehan ang ayos at porma nito. Wala pa siyang lalaking nakita sa bayan nila na nakasuot ng long sleeves at coat sa mga araw na wala namang okasyon.Sabi ng nurse at doktor na kasalukuyang nag-aasikaso sa kanya, nabundol siya ng isang kotse habang tumatawid sa kalsada. Ang lalaki bang ito ang dahilan kung bakit bedridden siya? May cast ang braso niya at nakasuot siya ng neck support.Ngumiti si Thera nang hindi sinasadyang mapasulyap sa kanya ang lalaki. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito, nagbawi sa kanya ng tingin pagkatapos.Ah, hindi siguro ito makapaniwala na ngin
Read more
Chapter Six: First Love
CHAPTER SIX FIRST LOVE  June 2009 Sean and Tan’s Tea Caf, Baguio City  Isinara ni Sean ang binabasang papeles, saka dinampot ang litrato na kasama sa envelope na ipinadala sa kanya ni Mr. Jacob Hernandez noong nakaraang linggo.Stolen shot iyon ng isang dalagang nakatayo sa isang lumang waiting shed. Nakangiti ito, halatang may kausap na hindi na nakunan ng camera. Nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa ng suot na itim na kupas na hoodie jacket. Sa ilalim niyon ay school uniform na kagaya ng dalaga sa picture ay pamilyar din sa kanya.Nakikita niya itong dumaraan sa tapat ng Tea Caf paminsan-minsan. Madalas ay mag-isa, minsan ay kasama ang isa pang babaeng estudyante na kaedad nito.Hawak ang litrato, tumayo si Sean sa kinauupuan
Read more
Chapter Seven: Babe
CHAPTER SEVEN BABE  Pinigil ni Thera ang pag-awang ng mga labi sa sinabi ni Sean. Magpoprotesta ba siya? Igigiit na hindi ito ang lalaking type niyang mapangasawa? Kaso, seryoso ang lalaki. She would feel bad kung direkta niyang babasagin ang paniniwala nito tungkol sa first love niya.Ten years na halos siyang kasal sa lalaking ito pero estranghero ito sa paningin niya ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan ang anniversary ng kasal nila o kahit iyong kung paano niya ito nakilala o kung ano nga ba ang dahilan kung bakit maaga masyado silang nagpakasal.Love? Ano pa nga ba? Hindi naman siguro sila tatagal nang ten years kung hindi nila mahal ang isa’t isa.Pero sino si Babe? Paano iyong posibilidad na may ibang babae si Sean? Alam kaya ng beinte-nuwebe anyos niyang sarili kung sino ang babaeng tumatawag sa cell phone ng lalaki? Sabi nila, kung sino p
Read more
Chapter Eight: Bathtub
CHAPTER EIGHT BATHTUB  December 5, 2009Baguio City, Philippines  Malalaki ang mga hakbang na pumasok si Sean sa loob ng music bar na iyon sa Baguio City. Nasa biyahe siya mula Maynila pauwi ng Baguio nang mabasa ang text message ni Miguel. Sinundo ng mama niya ang bagong hire nilang waitress, si Thera.Kung ano ang sadya ng ina sa dalaga, wala siyang ideya. Hindi siya mapakali, lalo at nasabi na niya rito ang tungkol sa planong pag-aasawa sa isa sa mga tauhan niya sa Tea Caf.Natatandaan niyang nabanggit sa mama niya ang pangalan ni Thera nang kulitin siya nito. Hindi lang niya napaghandaan ang biglaan nitong pakikipagkita sa dalaga.Ang pinag-aalala ni Sean, baka may nasabi na ang ina kay Thera at malaman nitong hindi pa man siya nanliligaw, nagpaplano na pala siya ng kasa
Read more
Chapter Nine: Thug Wifey
CHAPTER NINE THUG WIFEY  “Thera…”Suminghap si Thera. Napadiin ang kapit niya sa gilid ng tub para umamot doon ng lakas. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. Pakiramdam niya, umikot ang kanyang paningin.“Ipinalipat mo ang mga gamit ko sa guest room sa ibaba, wala akong sinabing doon ako matutulog.”Iyong boses ni Sean, mas nagiging malinaw. Parang mas malapit. Parang nasa likod lang niya. Parang sa sobrang totoo, nagtatayuan ang mga balahibo niya sa batok imagine-in pa lang na nakabaon sa likod niya ang titig nito.“Pati ba paglublob sa tub nakalimutan mo na?”Nakalimutan seemed to be the magic word. Natauhan kasi si Thera, pumihit paharap sa nagsalita. Muntik na siyang ma-off balance nang malingunan ang asawa. Kung hindi siya maagap na nahawakan ni Sean sa kamay, malamang na nalaglag na siya sa t
Read more
DMCA.com Protection Status